إبراهيم

تفسير سورة إبراهيم آية رقم 31

﴿ﮤﮥﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖﯗﯘﯙ ﴾

﴿قُلْ لِعِبَادِيَ الَّذِينَ آمَنُوا يُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُنْفِقُوا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا بَيْعٌ فِيهِ وَلَا خِلَالٌ﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga mananampalataya: "O mga mananampalataya, magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na paraan.
Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh ng mga guguling isinasatungkulin at itinuturing na kaibig-ibig, nang pakubli dahil sa pangamba laban sa pagpapakitang-tao at nang hayagan upang tumulad sa inyo ang iba pa sa inyo bago ang pagdating ng isang araw na walang bilihan doon ni pantubos na ipantutubos mula sa pagdurusa mula kay Allāh ni pagkakaibigan upang mamagitan ang kaibigan sa kaibigan niya."

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: