البقرة

تفسير سورة البقرة آية رقم 178

﴿ﮉﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱ ﴾

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُتِبَ عَلَيْكُمُ الْقِصَاصُ فِي الْقَتْلَى ۖ الْحُرُّ بِالْحُرِّ وَالْعَبْدُ بِالْعَبْدِ وَالْأُنْثَىٰ بِالْأُنْثَىٰ ۚ فَمَنْ عُفِيَ لَهُ مِنْ أَخِيهِ شَيْءٌ فَاتِّبَاعٌ بِالْمَعْرُوفِ وَأَدَاءٌ إِلَيْهِ بِإِحْسَانٍ ۗ ذَٰلِكَ تَخْفِيفٌ مِنْ رَبِّكُمْ وَرَحْمَةٌ ۗ فَمَنِ اعْتَدَىٰ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَلَهُ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, isinatungkulin sa inyo - kaugnay sa pumapatungkol sa mga nakapapatay ng ibang tao nang may pananadya at paglabag - ang pagpaparusa sa pumatay ng tulad sa krimen niya kaya naman ang malaya ay papatayin dahil sa malaya, ang alipin ay papatayin dahil sa alipin, at ang babae ay papatayin dahil sa babae.
Ngunit kung nagpaumanhin ang napatay bago mamatay o nagpaumanhin ang katangkilik ng napatay kapalit ng bayad-pinsala - na isang halaga ng salapi na ibabayad ng nakapatay kapalit ng pagpapaumanhin sa kanya - kailangan sa sinumang nagpaumanhin ang pag-oobliga sa nakapatay sa paghiling sa bayad-pinsala nang ayon sa makatuwiran, hindi ayon sa panunumbat at pamiminsala, at kailangan naman sa nakapatay ang magsagawa ng bayad-pinsala ayon sa isang pagmamagandang-loob nang walang pagpapatagal at pagpapaliban. Yaong pagpapaumanhin at pagtanggap ng bayad-pinsala ay isang pagpapagaan mula sa Panginoon ninyo sa inyo at isang awa sa Kalipunang ito. Kaya ang sinumang nangaway sa nakapatay matapos yaong pagpapaumanhin at pagtanggap ng bayad-pinsala, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit mula kay Allāh - pagkataas-taas Siya.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: