النّور

تفسير سورة النّور آية رقم 30

﴿ﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎ ﴾

﴿قُلْ لِلْمُؤْمِنِينَ يَغُضُّوا مِنْ أَبْصَارِهِمْ وَيَحْفَظُوا فُرُوجَهُمْ ۚ ذَٰلِكَ أَزْكَىٰ لَهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا يَصْنَعُونَ﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga lalaking mananampalataya na pumigil sila sa mga paningin nila sa pagtingin sa hindi ipinahihintulot para sa kanila na mga babae at mga kahubaran, at mangalaga sila sa mga ari nila laban sa pagkakasadlak sa ipinagbabawal at laban sa pagkakalantad sa mga ito. Ang pagpipigil na iyon sa pagtingin sa ipinagbawal ni Allāh ay higit na dalisay para sa kanila sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Nakababatid sa anumang niyayari nila: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti Siya sa kanila roon.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: