الأحزاب

تفسير سورة الأحزاب آية رقم 5

﴿ﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖ ﴾

﴿ادْعُوهُمْ لِآبَائِهِمْ هُوَ أَقْسَطُ عِنْدَ اللَّهِ ۚ فَإِنْ لَمْ تَعْلَمُوا آبَاءَهُمْ فَإِخْوَانُكُمْ فِي الدِّينِ وَمَوَالِيكُمْ ۚ وَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ فِيمَا أَخْطَأْتُمْ بِهِ وَلَٰكِنْ مَا تَعَمَّدَتْ قُلُوبُكُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا﴾

Mag-ugnay kayo sa inaangkin ninyo na sila ay mga anak ninyo sa mga ama nilang tunay sapagkat ang pag-uugnay sa kanila sa mga ito ay ang katarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam para sa kanila ng mga ama na maiuugnay ninyo sila sa mga ito, sila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga pinalaya ninyo mula sa pagkaalipin. Kaya tawagin ninyo ang bawat isa sa kanila na "O kapatid" at "O pinsan." Walang kasalanan sa inyo kapag nagkamali ang isa sa inyo at nag-ugnay siya sa isang inaangking anak sa nag-aangking ama nito, subalit nagkakasala kayo sa pagsasadya ng pagsambit niyon. Laging si Allāh ay Mapagpatawad para sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nanisi sa kanila dahil sa kamalian.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: