فاطر

تفسير سورة فاطر آية رقم 39

﴿ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫ ﴾

﴿هُوَ الَّذِي جَعَلَكُمْ خَلَائِفَ فِي الْأَرْضِ ۚ فَمَنْ كَفَرَ فَعَلَيْهِ كُفْرُهُ ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ إِلَّا مَقْتًا ۖ وَلَا يَزِيدُ الْكَافِرِينَ كُفْرُهُمْ إِلَّا خَسَارًا﴾

Siya ay ang gumawa sa ilan sa inyo, O mga tao, na hahalili sa lupa sa iba pa upang sumulit Siya sa inyo kung papaano kayong gagawa. Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh at sa dinala ng mga sugo, ang kasalanan ng kawalang-pananampalataya niya at parusa sa kanya ay babalik sa kanya. Hindi nakapipinsala sa Panginoon niya ang kawalang-pananampalataya niya. Walang naidaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila - kaluwalhatian sa Kanya - kundi pagkasuklam na matindi. Walang naidaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi pagkalugi yayamang tunay na sila ay nagsasayang ng inihanda ni Allāh para sa kanila sa paraiso kung sakaling sumampalataya sila.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: