الزمر

تفسير سورة الزمر آية رقم 67

﴿ﯦﯧﯨﯩﯪﯫﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶﯷ ﴾

﴿وَمَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ وَالْأَرْضُ جَمِيعًا قَبْضَتُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَالسَّمَاوَاتُ مَطْوِيَّاتٌ بِيَمِينِهِ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ﴾

Hindi sila nagdakila kay Allāh ng totoong pagdakila sa Kanya nang nagtambal sila sa Kanya ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niyang mahihinang walang-kakayahan.
Nalingat sila sa kakayahan ni Allāh, na kabilang sa mga pagpapakita nito ay na ang lupa kalakip ng anumang narito na mga bundok, mga punong-kahoy, mga ilog, at mga dagat sa Araw ng Pagkabuhay ay nasa isang dakot Niya, at na ang pitong langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Nagpakasakdal Siya, nagpakabanal Siya, at pagkataas-taas Siya sa anumang sinasabi at pinaniniwalaan sa Kanya ng mga tagatambal.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: