البحث

عبارات مقترحة:

الحميد

(الحمد) في اللغة هو الثناء، والفرقُ بينه وبين (الشكر): أن (الحمد)...

الأكرم

اسمُ (الأكرم) على وزن (أفعل)، مِن الكَرَم، وهو اسمٌ من أسماء الله...

الأول

(الأوَّل) كلمةٌ تدل على الترتيب، وهو اسمٌ من أسماء الله الحسنى،...

Mga Palatandaan ng Mahinang Pananampalataya

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات العقيدة
Pagkakasagawa ng mga kasalanan at hindi pagkaramdam sa kasalanang nagawa....

التفاصيل

1. Pagkakasagawa ng mga kasalanan at hindi pagkaramdam sa kasalanang nagawa.   2. Pagkakaroon ng matigas na puso at walang pagkahilig sa pagbabasa ng Qur’an.   3. Pagiging tamad sa paggawa ng mga mabubuting bagay at gawain..laging huli sa Salah   4. Hindi pagsasagawa ng Sunnah.    5. Pagkakaroon ng masamang disposisyon, halimbawa ay ang pagka-iyamot sa mga maliliit na bagay, balisa, palaging naiinis at naiirita.   6. Pagiging manhid kahit na narinig na ang mga bersikulo ng Qur’an, bilang halimbawa nito ay ang pagiging walang pakiramdam kahit na binibigyang babala ng Allah sa mga kaparusahan at ang pangakong gantimpala sa kabilang-buhay.   7. Nahihirapang magkaroon ng panahon sa pag-alaala sa Allah at sa pagdarasal.    8. Walang pakialam kahit na may masamang nagawa laban sa Shari’ah (batas ng Islam)   9. Paghahangad ng kayamanan at magandang katayuan sa daigdig.   10. Pagiging masama at maramot, halimbawa, ayaw mamahagi ng kanyang kayamanan   11. Pag-uutos sa iba na gumawa ng mabuti kahit na hindi naman niya ito ginagawa sa kanyang sarili.   12. Pagiging kontento kapag ang ibang tao ay nabibigo.   13. Hindi pagiging maingat sa mga bagay na makrooh at sapat na malaman na halal o haram ito, hindi pag-iwas sa bagay na makrooh.   14. Pagtatawa at pangungutya sa mga taong gumagawa ng mga simpleng mabubuting bagay tulad halimbawa ng paglilinis sa masjid.   15. Walang pakialam sa kapakanan at kabutihan ng mga Muslim   16. Pambabalewala sa responsibilidad niyang gumawa ng bagay upang mapalaganap ang Islam   17. Pagkahilig sa pakikipagtalo ng walang anumang sapat na ebidensiya.   18. Pagkahumaling sa kinang ng daigdig, sa makamundong pagnanasa, halimbawa ay ang pagiging malungkot dahil sa pagkawala ng materyal na bagay   19. Pagiging makasarili.   Okay, papaano naman natin pag-iibayuhin ang ating pananampalataya?    1. Magbasa at unawaing mabuti ang mga mensahe ng Qur’an. Ang kapayapaan ay bababa sa ating mga puso at ito ay lalambot. Upang makuha ang higit na benepisyo, ipaalala sa sarili na kinakausap kayo ng Allah. Ang mga tao ay isinalarawan sa iba't ibang kategorya sa Qur’an; suriin kung saan kategorya kayo kabilang.   2. Unawaing mabuti ang Kadakilaan ng Allah. Ang lahat ay nasa ilalim ng Kanyang Pagtatangan at Pangangalaga. Maraming mga palatandaan sa lahat ng ating mga nakikita na tumutukoy sa sa   3. Kanyang Kadakilaan at Kapurihan. Ang lahat ay mangyayari lamang ayon sa Kanyang kagustuhan. Alam na alam ng Allah ang pangangailangan ng lahat ng Kanyang mga nilikha, kahit na ang itim na langgam sa itim na bato sa madilim na gabi.   4. Gumawa ng paraan upang matuto, kahit na ito ay ang kaalaman ukol sa mga pangunahing bagay sa pang-araw-araw nating pamumuhay; halimbawa ay ang pagsasagawa ng wudhu sa pinakata at tumpak nitong pagkakasagawa. Alamin ang mga kahulugan ng mga Dakilang 5. 6. Pangalan at Katangian ng Allah. Ang mga taong may tamang pagkatakot sa Allah ay yaong mga may tamang kaalaman.   7. Dumalo sa mga pagtitipon kung saan ang Allah ay inaalaal. Ang mga ganitong uri ng pagtitipon ay pinalilibutan ng mga anghel   8. Paramihin at palugain pa natin ang paggawa natin ng kabutihan. Ang isang magandang gawain ay maghahatid patungo sa isa pang kabutihan. Gagawing madali ng Allah ang pagtahak sa mundo ng isang taong mapagkawanggawa (ito ay ginawa niya para kalugdan siya ng Diyos), at papatnuyan din siya sa paggawa ng kabutihan. Ang paggawa ng kabutihan ay dapat na maisagawa ng tuluy-tuloy at hindi ningas-kugon lamang.    9. Katakutan natin ang kalunus-lunos na katapusan ng ating buhay; ang pag-aalaala sa kamatayan ay ang pamatay sa makamundong pagnanasa ng isang nilikha.      10. Alalahanin ang iba’t-ibang antas ng Akhirah, halimbawa ay kapag inilagay na tayo sa ating mga libingan, kapag tayo ay hinukuman, kung tayo ba ay papasok sa paraiso o itatapon sa impiyerno.   11. Manalangin, dapat na mabatid na kailangan natin ang tulong ng Allah. Maging mapagpakumbaba. Iwasan ang mahilig sa mga materyal na bagay.    12. Ang ating pagmamahal sa Allah ay dapat nating maipakita sa ating mga gawain. Dapat nating asahan na tatanggapin ng Allah ang ating mga panalangin, at lagi nating katakutan na tayo ay palaging nakakagawa ng mga pagkakamali. Sa gabi bago matulog, dapat nating isipin ang mga kabutihang naisagawa natin sa araw na iyon.    13. Dapat nating mabatid ang epekto ng kasalanan at pagtaliwas sa mga kautusan - ang pananampalataya ng isang tao ay tumataas sa pamamagitan ng paggawa ng mga kabutihan at bumababa sa paggawa natin ng mga kasamaan. Ang lahat ng mga bagay na nangyayari ay sa kadahilanang ito ang pinahintulutan ng Allah. Kapag may dumating sa ating mga problema at unos- ito ay pinahintulutan din ng Allah. Ito ay ang direktang resulta ng ating pagiging masuwayin sa mga batas ng Allah.      Source: nouralislam.org