البحث

عبارات مقترحة:

الشهيد

كلمة (شهيد) في اللغة صفة على وزن فعيل، وهى بمعنى (فاعل) أي: شاهد،...

الودود

كلمة (الودود) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعول) من الودّ وهو...

الرفيق

كلمة (الرفيق) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعيل) من الرفق، وهو...

Ang Pagsamba sa mga Libingan

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات أقسام الشرك - الشرك الأكبر
Ito ay ang paniniwala na ang patay na awliyaa’ (mga tinaguriang "santo") ay nakatutugon sa pangangailangan ng tao o makatutulong sa panahon ng kahirapan, kaya sila’y nananalangin o nananawagan sa kanila upang tulungan sila....

التفاصيل

Ito ay ang paniniwala na ang patay na awliyaa' (mga tinaguriang "santo") ay nakatutugon sa pangangailangan ng tao o makatutulong sa panahon ng kahirapan, kaya sila'y nananalangin o nananawagan sa kanila upang tulungan sila. Ang Allah(swt) ay nagsabi:   "At ang iyong Panginoon ay nag-utos na wala kayong dapat sambahin kundi Siya lamang" [Surah al-Israa' 17:23]   Gayundin, sila ay nananalangin o nananawagan sa mga namatay na Propeta(sas), matutuwid na tao at iba pa upang mamagitan o tumulong sa kanila sa anumang suliraning dinaranas, nguni't ang Allah(sas) ay nagsabi:   "Hindi ba Siya (ang Allah) ang nakahihigit kaysa sa inyong mga diyus-diyusan na Siyang tumutugon sa mga nagdurusa kapag sila ay nananawagan sa Kanya, at Siya ang pumapawi ng kasamaan, at ginawa Niya kayong tagapagmana sa kalupaan. Mayroon pa bang ilaah (diyos) bukod sa Allah?" [Surah an-Naml 27:62]   Ang ilan sa kanila ay nakaugaliang kapag tumatayo, umuupo, natitisod, nagkaproblema o nagdurusa, sila ay bumabanggit ng pangalan ng isang Sheikh o Wali (santo). Halimbawa, ang ilan sa kanila ay magsasabi ng, "O Muhammad!" o "O Ali!" o "O Hussayn!" habang ang iba naman ay "O Badawi!" o "O Jeelani!" o "O Shaadhili!" o "O Rifaa'i!". Maaaring sila ay tatawag din kay al-Aydaroos o Sayyidah Zaynab o Ibn Alwaan. Dahil dito ang AllahU ay nagsabi:   "Katotohanan, yaong mga tinatawagan ninyo o dinadalanginan bukod sa Allah ay mga alipin na katulad din ninyo…" [Surah al-A'raaf 7:194]   Ang ilan sa kanila ay naglalakad na paikot sa libingan na wari bang nagsasagawa ng Tawaf. Hinahawakan nila ang bawa't sulok nito [katulad ng ginagawa sa Ka'bah], o hinahagkan, at inihahaplos sa kanilang mukha ang alikabok nito. Sila'y nagpapatirapa na nakaharap sa kanila kapag nakikita nila ang mga ito, at nakatayo sa harapan ng mga ito nang may pagkatakot at pagpapakumbaba, nananalangin sa kanila upang bigyang lunas di-umano ang kanilang mga karamdaman, o kaya naman ay upang magkaroon ng anak, o humihingi ng tulong para sa kanilang paghihirap. Kung minsan tinatawag nila ang taong nakalibing ng ganito, "O aking pinuno, ako'y naparito mula pa sa malayong lugar, kaya huwag mo akong biguin" Nguni't ang Allah(swt) ay nagsabi:   "At sino ang higit na naliligaw kaysa sa isang nananawagan sa iba bukod sa Allah gayong sila ay hindi makasasagot sa kanila hanggang sa Araw ng Pagbabangong-Muli, at sila [na tinatawagan], ay hindi nakauunawa ng panawagan sa kanila?" [Surah al-Ahqaaf 46:5]   Ang Propeta(sas)ay nagsabi: "Sinuman ang namatay na tumatawag sa iba bilang katambal ng Allah(swt) ay papasok sa Impiyerno”( al-Bukhaari, al-Fath, 8/176.)   Ang ilan sa kanila ay nag-aahit ng kanilang buhok sa harap mismo ng libingan, at ang ilan ay may dala-dalang aklat na pinamagatang 'Manaasik Hajj al-Mashaahid' (Ang Pamamaraan ng Hajj sa mga Puntod). Ang pakahulugan nila ng Mashaahid ay ang mga libingan at puntod ng Awliyaa (mga tinaguriang santo o dinadalanginan). Ang ilan pa sa kanila ay naniniwala na ang mga Awliyaa ang siyang nangangasiwa o namamahala sa mundo at may kakayahang magdulot ng lakas at kapinsalaan. Ang Allah(swt) ay nagsabi:   "At kung papangyarihin ng Allah na dapuan ka ng pinsala, walang sinumang makapag-aalis nito maliban sa Kanya; at kapag naisin Niya ang anumang mabuti sa iyo, walang sinumang makapipigil ng Kanyang kabutihang loob (tulong)" [Surah al-Yunus 10:107]  Isa ring uri ng Shirk (pagtatambal) ang magpanata sa iba maliban sa Allah(swt), katulad lamang ng ginagawa ng ilan sa kanila na namamanata upang magdala ng kandila o ilaw para sa mga naninirahan sa libingan.