البحث

عبارات مقترحة:

المصور

كلمة (المصور) في اللغة اسم فاعل من الفعل صوَّر ومضارعه يُصَوِّر،...

الودود

كلمة (الودود) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعول) من الودّ وهو...

سورة النساء - الآية 24 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿۞ وَالْمُحْصَنَاتُ مِنَ النِّسَاءِ إِلَّا مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ ۖ كِتَابَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ ۚ وَأُحِلَّ لَكُمْ مَا وَرَاءَ ذَٰلِكُمْ أَنْ تَبْتَغُوا بِأَمْوَالِكُمْ مُحْصِنِينَ غَيْرَ مُسَافِحِينَ ۚ فَمَا اسْتَمْتَعْتُمْ بِهِ مِنْهُنَّ فَآتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ فَرِيضَةً ۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِيمَا تَرَاضَيْتُمْ بِهِ مِنْ بَعْدِ الْفَرِيضَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا﴾

التفسير

Ipinagbawal sa inyo ang pag-aasawa ng mga may-asawa kabilang sa mga babae, maliban sa minay-ari ninyo sa pamamagitan ng pagbihag sa pakikibaka sa landas ni Allāh sapagkat ipinahihintulot para sa inyo ang pakikipagtalik sa kanila matapos ng pagkalinis ng mga sinapupunan nila sa pamamagitan ng isang pagreregla. Nagsatungkulin si Allāh niyon sa inyo bilang tungkulin. Nagpahintulot si Allāh sa inyo ng anumang iba pa roon na mga babae, na maghangad kayo kapalit ng mga yaman ninyo ng pagsanggalang sa pangangalunya ng sarili ninyo at pangangalaga sa kalinisan ng puri nito sa pamamagitan ng ipinahihintulot, nang hindi naglalayon ng pangangalunya. Ang [mga babaing] nagpakaligaya kayo sa kanila sa pamamagitan ng pag-aasawa ay magbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya nila na ginawa ni Allāh bilang tungkuling regalong kinakailangan sa inyo. Walang kasalanan sa inyo kaugnay sa kinahantungan ng pagkakaluguran ninyo, matapos ng pagtatakda ng bigay-kayang kinakailangan, na pagdaragdag dito o pagpapaluwag sa isang bahagi nito. Tunay na si Allāh ay laging Maalam sa nilikha Niya: walang naikukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم