البحث

عبارات مقترحة:

المبين

كلمة (المُبِين) في اللغة اسمُ فاعل من الفعل (أبان)، ومعناه:...

السبوح

كلمة (سُبُّوح) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فُعُّول) من التسبيح،...

الكريم

كلمة (الكريم) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل)، وتعني: كثير...

سورة النساء - الآية 29 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَأْكُلُوا أَمْوَالَكُمْ بَيْنَكُمْ بِالْبَاطِلِ إِلَّا أَنْ تَكُونَ تِجَارَةً عَنْ تَرَاضٍ مِنْكُمْ ۚ وَلَا تَقْتُلُوا أَنْفُسَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُمْ رَحِيمًا﴾

التفسير

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kumuha ang iba sa inyo sa yaman ng iba ayon sa kawalang-kabuluhan gaya ng pandarambong, pagnanakaw, panunuhol, at iba pa, maliban na ang mga yaman ay maging mga yaman ng kalakalang namutawi buhat sa pagkakaluguran ng dalawang nagkokontratahan kaya ipinahihintulot para sa inyo ang pakikinabang sa mga ito at ang paggamit sa mga ito. Huwag kayong pumatay sa isa't isa, huwag pumatay ang isa sa inyo sa sarili niya, at huwag siyang magbulid nito sa pagkasawi. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain. Bahagi ng awa Niya na nagbawal Siya ng paglabag sa mga buhay ninyo, mga ari-arian ninyo, at mga dangal ninyo.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم