البحث

عبارات مقترحة:

التواب

التوبةُ هي الرجوع عن الذَّنب، و(التَّوَّاب) اسمٌ من أسماء الله...

المجيد

كلمة (المجيد) في اللغة صيغة مبالغة من المجد، ومعناه لغةً: كرم...

سورة النساء - الآية 173 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَيُوَفِّيهِمْ أُجُورَهُمْ وَيَزِيدُهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۖ وَأَمَّا الَّذِينَ اسْتَنْكَفُوا وَاسْتَكْبَرُوا فَيُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا وَلَا يَجِدُونَ لَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا﴾

التفسير

Kaya tungkol naman sa mga sumampalataya kay Allāh, naniwala sa mga sugo Niya, at gumawa ng mga gawang matuwid bilang mga nagpapakawagas kay Allāh habang mga gumagawa ng ayon sa isinabatas Niya, magbibigay Siya sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila nang hindi nababawasan, at magdadagdag Siya sa kanila roon mula sa kabutihang-loob Niya at pagmamagandang-loob Niya. Tungkol naman sa mga nagmaliit sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya at nanghamak dala ng pagkamapagmalaki, pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang nakasasakit. Hindi sila makatatagpo bukod pa sa Kanya ng tatangkilik sa kanila para magdulot sa kanila ng pakinabang, ni ng mag-aadya sa kanila para magtulak palayo sa kanila ng kapinsalaan.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم