الباطن
هو اسمٌ من أسماء الله الحسنى، يدل على صفة (الباطنيَّةِ)؛ أي إنه...
Tunay na si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay bumili mula sa mga mananampalataya ng mga sarili nila - gayong sila ay pag-aari Niya bilang isang pagmamabuting-loob mula sa Kanya - sa isang halagang mahal: ang Paraiso, yayamang nakikipaglaban sila sa mga tagatangging sumampalataya upang ang Salita ni Allāh ay maging ang kataas-taasan kaya nakapapatay sila ng mga tagatangging sumampalataya at nakapapatay sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh ng gayon ayon sa isang pangakong tapat sa Torah, ang aklat ni Moises, at Ebanghelyo, ang aklat ni Hesus - sumakanilang dalawa ang pangangalaga - at Qur’ān, ang Aklat ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Walang isang higit na palatupad sa tipan kaysa kay Allāh - napakamaluwalhati Niya. Kaya magsaya kayo at matuwa kayo, O mga mananampalataya, sa pagbibilihan ninyong nakipagbilihan kayo kay Allāh sapagkat ang tubo ninyo roon ay isang tubong sukdulan. Ang pagbibilihang iyon ay ang tagumpay na sukdulan.