الصمد
كلمة (الصمد) في اللغة صفة من الفعل (صَمَدَ يصمُدُ) والمصدر منها:...
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga tanda Niya: "Bakit nga hindi nagbaba kay Muḥammad ng isang tandang pisikal mula sa Panginoon niya na nagpapatunay sa katapatan niya para sumampalataya kami sa kanya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Tunay na si Allāh ay nagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ayon sa kagandahang-loob Niya. Ang kapatnubayan ay hindi nasa mga kamay nila upang itali nila ito sa pagpapababa ng mga tanda."