المؤمن
كلمة (المؤمن) في اللغة اسم فاعل من الفعل (آمَنَ) الذي بمعنى...
Nanlansi nga ang mga kalipunang nauna sa mga propeta nila, nagpakana laban sa kanila, at nagpasinungaling sa dinala nila. Kaya ano ang ginawa ng mga iyon sa pagpapanukala ng mga iyon laban sa kanila? Walang anuman dahil ang pagpapanukalang tagagawa ay pagpapanukala ni Allāh hindi ng iba pa sa Kanya, kung paanong Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang nakaaalam sa nakakamit ng mga kaluluwa nila at gaganti sa kanila roon. Sa sandaling iyon ay malalaman nila kung gaano noon sila ay mga nagkakamali sa hindi pagsampalataya kay Allāh at kung gaano noon ang mga mananampalataya ay mga tama kaya matatamo ng mga ito dahil doon ang Paraiso at ang kahihinatnang maganda.