الأنعام

تفسير سورة الأنعام آية رقم 96

﴿ﭧﭨﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳ ﴾

﴿فَالِقُ الْإِصْبَاحِ وَجَعَلَ اللَّيْلَ سَكَنًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ حُسْبَانًا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ﴾

Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay ang nagpapabuka ng liwanag ng madaling-araw mula sa dilim ng gabi. Siya ay ang gumawa sa gabi bilang isang pamamahinga para sa mga tao. Namamahinga sila rito mula sa pagkilos sa paghahanap ng kabuhayan, upang makapagpahinga sila mula sa pagod nila sa paghahanap niyon sa maghapon. Siya ay ang gumawa sa araw at buwan na umiinog ayon sa isang itinakdang pagtataya. Ang nabanggit na iyon na bahagi ng kagandahan ng paggawa ay ang pagtatakda ng Makapangyarihang hindi napananaigan ng isa man, Maalam sa mga nilikha Niya at anumang nakabubuti sa kanila.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: