البحث

عبارات مقترحة:

المتكبر

كلمة (المتكبر) في اللغة اسم فاعل من الفعل (تكبَّرَ يتكبَّرُ) وهو...

القوي

كلمة (قوي) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) من القرب، وهو خلاف...

الأكرم

اسمُ (الأكرم) على وزن (أفعل)، مِن الكَرَم، وهو اسمٌ من أسماء الله...

Konsepto ng mga Halal at mga Haram

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف Nur Maguid
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات الرقائق والمواعظ
Konsepto ng mga Pinahihintulutan at mga Ipinagbabawal ayon sa Shari’ah

التفاصيل

Ano ang Shari’ah?   Ang Shari’ah ay isang arabik na kataga na ang ibig sabihin: Ang daan na dapat sundin.   Ang daan na ito ay hindi lamang tungo sa Allah, bagkus ito ang pinaniniwalaang Daan ng mga Muslim na ipinakita ng Allah - ang siyang Tagapaglikha.   Ang mga Muslim ay tapat na naniniwala na ang Allah ang nagpahayag ng mga batas.   Sa Islam, ang Allah lamang ang siyang Dakila at may karapatan magpahayag ng tamang daan upang tahakin ang sangkatauhan.   Ang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:   “Katotohanan, ito ang aking matuwid na landas, kaya’t sundin ito at hindi ang landas ng iba, sapagka’t ililigaw ka sa kanyang landas. Ipinag-uutos niya ito sa iyo upang ikaw ay maging matuwid.” [Qur’an, 6:153]   Ang batayan ng Shari’ah ay ang Banal na Qur'an at ang mga tradisyon ni Propeta Muhammad.   Si Propeta Muhammad ay nagsabi:   “Dalawang bagay ang aking iiwanan sa inyo, hindi kayo maliligaw kung ito ay panghahawakan ninyo ng tapat: (1) Ang aklat ng Allah at (2) ang tradisyon ng kanyang Propeta.”   Ang Shari’ah ay nagbibigay ng malinaw na patnubay tungkol sa mga pinahihintulutan, bagkus ang Allah lamang na siyang tagapaglikha.     Pinahihintulutan (Halal).       Ito ay mga gawain o bagay na pinahihintulutan ng Shari’ah. Ang mga ito ay nakabubuti sa tao at sa kanyang kapaligiran ayon sa Batas ng Allah.     Ipinagbabawal (Haram). It ay mga gawain o bagay na ipinagbabawal. Ang mga ito ay nakasisira sa tao at sa kanyang kapaligiran maging ito ay pangsosyal, pisikal, mental at espirituwal at ipinagbabawal.   Kung anuman ang pinahihintulutan, ito ay nakasaad sa Banal na Qur’an at ito ay ipinaguutos sa mga naniniwala na dapat nilang tanggapin at sundin. Ang kahulugan nito, na walng sinuman ang may karapatan magsabi o magpatupad na ang isang pagkain, inumin, damit at pangalakal ay pinahihintulutan (Halal) o di-pinahihinulutan (Haram).   Ang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:   “Ipahayag: Sino ang nagbabawal ng magagandang (mga biyaya) ng Allah na kanyang nilikha sa kanyang mga alipin, at mga bagay na malinis at dalisay (na kanyang ipinagkaloob) upang kainin? Ipahayag: Ang mga bagay na ipinagbabawal ng aking Panginoon ay mga: Gawaing malalaswa, maging ito ay nakahayag o nakakubli; mga kasalanan laban sa katotohanan o tamang katuwiran; ang umunawa ng katambal ng Allah na hindi niya binigyan ng kapahintulutan, at nag magsabi ng mga bagay tungkol sa Allah na walang kaalaman”. [Qur’an, 7:32]     Ang hatol o pasiya na ang lahat ay pinahihintulutan hangga’t ito ay hindi ipinagbabawal ng Shari’ah. Sa kapitulo, Ang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:   “Siya (Allah) ang lumikha para sa inyo ng lahat ng bagay na nasa sanlibutan. Higit sa lahat ang kanyang plano’y sakop ang buong kalangitan, Siya ang nagbigay ayos at kaganapan sa pitong kalangitan. At sa lahat ng bagay, Siya ang may ganap na kaalaman.” [Qur’an, 7:32]   Ang Allah ay muling nagsabi sa Banal na Qur’an:   “Hindi ba ninyo nakikita na ibinigay ng Allah ang anumang nasa kalangitan at nasa kalupaan at ginawang ganap ang kanyang biyaya sa inyo upang inyong maging (gamit) at ginawa niya ang mga biyaya higit sa inyong pangangailangan (kapuwa) nakikita at di-nakikita“? [Qur’an: 31:20]   Ang lahat ng mga biyaya ng Allah, maging pinahihintulutan at di-pinahihintulutan ay malinaw na inilalarawan. Sa isang tradisyon ni Propeta Muhammad siya ay nagsabi:   “Kung ipinahayag ng Allah sa kanyang Banal na Kor’an ang pinahinitulutan, at kung saan kanyang ipinahayag na di-pinahihintulutan, ito ay di pinahihintulutan, at kung siya’y nanatiling walang kibo, kanyang pinapatawad. Kaya’t tanggapin ang mga biyaya ng Allah sapagka’t ang Allah ay hindi nakakalimot ng lahat.”   Sa Islam ipinag-uutos sa mga Muslim na iwasan ang mga bagay-bagay na walang malinaw na ipinag-uutos ang Allah.   Si Propeta Muhammad ay nagsabi:   “Ipinatutupad sa pilitan ng Allah ang mga mahahalagang gawain, kaya’t huwag sayangin ang mga ito at kanya ring itinakda ang mga hangganan at huwag magmalabis. Kung anuman ang kanyang ipinahayag na ipinagbabawal, huwag lumabag sa mga ito, at kung siya’s nagsawalang kibo sa ibang-bagay, ito rin ng habag sa inyo, huwag pagtalunan ang mga bagay-bagay na walang kabuluhan”.   Huwag ring gumawa o mag-imbento ng pangangatuwiran at huwag gawin o sabihin na pinahihintulutan ang mga anumang bagay ay ipinahahyag na ng Allah na di pinahihintulutan, ang mga ito ay nananatili hanggang sa huling araw.   Sa Islam, kung anuman ang di pinahihintulutan sa isang Hari, Pangulo o Gobernador, gayon din na ito ay di pinahihintulutan. Sapagka’t ito ay isang uri o gawain ng mga mapagpaimbabaw. Ang mga bagay na naipahayag na ng Allah at ng kanyang Propeta na di pinahihintulutan, ang mga ito ay mananatili hanggang sa huling Araw.   Sa Islam, nmaging mabuti ang layunin o hangarin ng isang tao sa kanyang gagawin, subali’t kung ang pinag-uugatan ng kanyang gagawin ay di-pinahihintulutan, ito rin ay hindi maaaring pahintulutan.   Sa Isla, ang Allah lamang ang tanging makapagbibigay ng ganap na kahulugan kung ano ang Haram at Halal.   Subali’t sa ibang pananampalataya, sila ang nagbibigay kahulugan kung ano ang Haram at ang Halal.   Subali’t sa ibang pananampalataya, sila ang nagbibigay kahulugan ng anumang Haram at Halal. Tulad halimbawa ng mga mananampalatayang katoliko: Sila ay nag-iipon ng pondo upang gugulin sa pagpapaptayo ng kanilang simbahan nguni’t ang kanilang pamamaraan ay isang bagay na Haram o di-pinahihintulutan. Tulad ng pagpapalaro ng bingo o (paligsahan ng kagandahan). Ang mga ito ay paraan na hindi pinahihintulutan sa Islam nguni’t sa kanila, ito ay inaangkin nilang bagay na pinahihintulutan.   Nguni’t, kapag ang buhay ng isang tao ang nakasalalay, o kaya’y ang buhay ng kanyang pamilya, kahit na ang isang bagay ay ipinagbabawal, siya ay pinahihintulutang makilahok dito.   Ang Allah ay nagsabi Sa Banal na Qur'an:   “Ipinagbabawal lamang niya sa inyo ang patay na hayop, ang dugo, ang baboy at ang anumang mga ini-alay maliban sa Allah. Nguni’t kung ikaw ay napilitan dahil sa higpit ng pangangailangan, at hindi sadyang paglabag at pagmamalabis magkagayon siya ay walang kasalanan. Ang Allah ay ang Mapagpatawad, ang Mahabagin.”[Qur’an, 2:173]   Sa Islam, ang isang ganap at lubos na nanininwala ay hindo hahayaang walang patnubaysa kanyang pamumuhay.   Ang Allah sa Banal na Qur’an ay nagsabi:   O sangkatauhan! Kumain kung ano ang ipinahihintulot at dalisay (na bagay) sa daigdig, at huwag sundan ang mga yapak ni Satanas. Katotohanan, siya ay isang lantad na kaaway sa inyo. [Qur’an, 2:168]   (Si Satanas ay) Ipinag-uutos lamang niya sa inyo kung ano ang kasamaan at kalaswaan, at (hinihikayat kayong) magsalita laban sa Allah ng mga bagay na wala kayong kaalaman. [Qur’an, 2:168]   Ang Allah ay muling nagsabi sa Banal na Qur’an:   “O kayong mga naniniwala, kainin ang mga pinahihintulutan at mabubuting bagay na ipinagkaloob sa inyo at magpasalamat sa Allah kung siya nga ang inyong tanging sinasamba”. [Qur’an, 172]   Ang mga talatang nasasaad ay patungkol sa mga naniniwala sa Allah at sa kanyang Sugo. Ang mga Muslim ay kailangang magpasalamat sapagka’t ang pagtanaw ng utang na loob sa mga biyayang ipinagkaloob ay isang uri ng pagsamba sa Islam.   Si Propeta Muhammad ay nagsabi:   “Ang sinumang magdasal ng ating panalangin, humaharap sa ating Qiblah at kumain ng pagkaing kinatay ayon sa ating pamamaraan, siya ay isang Muslim”.   Ayon sa Hadith na ito, ang sinumang magdasal at humarap sa Qiblah ay hindi pa rin niya lubusang tinatanggap ang Islam hangga’t hindi rin niya lubusang tinatalikdan ang mga ipinagbabawal na pagkain, pananamit, pangangangalakal sa mga pamahiin na itinatag ng kanyang mga ninuno.     Ang mga sumusunod ay kondisyon na kailangang laging isa-isip ng Muslim:   1.   Na ang kanyang pagkain ng mga bagay na di-pinahihintulutan ay talagang walang ibang mapagkukunan, at kaya lamang niya ito ginawa ay upang iligtas ang kanyang buhay o buhay ng kanyang buhay o buhay ng kanyang pamilya.   2.   Na hindi niya sinasadya ang lumabag sa batas ng Allah, bagjus ito ay dala lamang bg matinding pangangailangan.   3.   Na kung siya ay kakain ng di-pinahihintulutan, kailangan huwag kumain ng labis sa pangangailangan.     Ang mga bagay na dapat malaman kung ano ang Haram at mga prinsipyong namamahala dito.   1.   Ang anumang ipinahayag na Haram, ito ay sa dahilang marumi o di-dalisay at makapipinsala.   2.   Ang anumang naghahatid ng Haram, ito ay lubusang Haram.   3.   Ang anumang Haram sa maliit na sukat o bilang ay Haram din sa malaking sukat o bilang.   4.   Ang mabuting hangarin o layunin ay hindi dahilan upang gawin ang bagay na di pinahihintulutan.   5.   Ang anumang di-pinahihintulutan ay ipinagbabawal sa lahat.   6.   Kung nasa gipit na kalagayan, ang di-pinahihintulutan ay maaring pahintulutan nguni’t ito ay hanggang sa paglutas lamang ng mahigpit o matinding pangangailangan.   7.   Isang kasalanan sa sinumang magpahayag na ang pinahihintulutan ay Haram at ang di - pinahihintulutan ay Halal.   Laging isa-isip na ang anumang Haram ay may kaparusahan. Kaya’t ang lahat ng katotohanan na napag-alaman mula sa Shari’ah ay kailangang mahigpit na sundin at isakatuparan. Isa-isip na ang kaligtasan sa Islam ay nababatay sa matapat na paniniwala at tamang pagsagawa ng mga batas ng Allah. Ang isang paniniwala na wala o kulang sa gawa ay walang silbi at kabuluhan.   Sinabi ng Allah sa Banal na Qur’an:   “Sa pagdating ng panahon, katotohanan ang tao ay naliligaw, maliban lamang sa may tamang pananampalataya at may tamang gawa (nakikipagtulungan) sa pagtuturo ng katotohanan ng mmay pagtitiyaga at katatagan”. [Qur’an, 103:1-3]