البحث

عبارات مقترحة:

الشهيد

كلمة (شهيد) في اللغة صفة على وزن فعيل، وهى بمعنى (فاعل) أي: شاهد،...

المليك

كلمة (المَليك) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعيل) بمعنى (فاعل)...

البر

البِرُّ في اللغة معناه الإحسان، و(البَرُّ) صفةٌ منه، وهو اسمٌ من...

Ang Hijab

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف Khalid Evaristo ، Nur Maguid
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات نوازل الأحوال الشخصية وقضايا المرأة - حجاب المرأة المسلمة
Ang kasuutang nagtatakip sa pribadong bahagi ng katawan ng isang babaing Muslim.

التفاصيل

May tatlong taon na ang nakalipas ngayong ika-25 ng Disyembre nang aking ihayag ang pagsasaksi (Shahada) sa nag-iisang Tagapag-Likha, ang Allah, at sa Kanyang Huling Sugo (Muhammad (Sas)). At sa gayo’y binigyang-laya ang sarili mula sa dating pagpapa-alipin sa pag-alpas buhat sa karimlan ng di-pananampalataya (kufr) tungo sa liwanag ng Islam, nakakatuwang natagpuan ko ang gayong kalayaan sa mismong bagay pa mandin na sa unang banda’y nagsisilbing hadlang sa akin sa Islam, ang “hijab”. Sa kabila ng natatanggap na mga tinging may pagtataka, pagtuturo at pamumuna, ang takip na ito ay ginagawa akong kagalang-galang, ligtas at pinapahalagahan.   Ang salitang hijab ay nagmula sa salitang Arabik na “hajabah” na ang kahuluga’y itayo sa paningin o ikubli. Ang mga kababaihang nagtatago ng kanilang kagandahan sa lipunang ito at hindi nagpapagupo sa mapang-aping kalakaran ay pansinin-dili, manhid (walang pakiramdam) at sinauna. Sa dahilang madalas akong mapagkamalan na isang madre, teroristang nagtatago ng kung ano pa man o yaong larawan ng isang batang nakatakdang supilin ang pagdadalaga. Ang hijab para sa maraming kababaihan ay siyang totohanang pagsubok ng pagiging isang Muslim. Sa pag-utos ng Allah na magsuot kami ng hijab, Siya ay nagbigay sa mga kababaihang Muslim ng tungkuling kaya nilang gampanan. Sapagka’t ang Allah ay nagsabi:   “At hindi kami nagbibigay ng pasanin sa isang nilalang maliban sa abot ng kanyang kakayahan, at ang sa Amin ay ang aklat na naghahayag ng katotohanan, at (lahat) sila ay huhusgahan nang makatarungan.” [Qur’an, 23:62]   Sa kasamaang palad, ibinubuyo ni satanas sampu ng kanyang mga kampon (alagad) ang babaeng Muslim na magpa-alipin sa mga materyal na bagay (dito sa mundo) at limutin ang tungkol sa kanyang paninilbihan (pananampalataya) sa tanging Tagapag-Likha, ang Allah. Ang kalinisang puri, kahinhinan at pagkalinga ay mapanlinlang na itinataguring babala sa mga nananampalataya na huwag silang magpalinlang kay satanas kagaya ng kanyang panlilinlang sa kanilang mga ninuno, sina Adan at Eba. Subali’t sa ilalim ng balat-kayo niyang magagarang damit, kultura (na sunod sa agos) at pagkamakabago, unti-unting naililikis ng landas ni satanas ang babaeng Muslim tungo sa pagkalimot ng kabutihan-asal.   Magmula pa sa sinaunang kabihasnan, ang mga maluluwag na damit at ulo ay nauugnay na sa pagiging “maka-Diyos (Allah)” o yaong “may pagsasaalang-alang sa Diyos (Allah)”. At kahit na ang pagsasalarawan ng mga Kristiyano sa mga naunang mga propeta at ng kanilang kababaihan ay nagtataglay ng pagkakahawig sa kasuotang iniatas sa kalalakihan at kababaihang Muslim. Ang kaugaliang ito ng kagandahang asal ay nasasaad sa Banal na Qur’an na kung saan ang Allah ay nagsasabi:   “O mga anak ni Adan! Kami ay nagtakda ng kasuotan sa inyo para takpan ang inyong mga sarili (maseselang bahagi ng katawan, atbp.) at bilang palamuti. Subali’t ang kasuotang matuwid ay higit na makabubuti (mainam).” [Qur’an, 7:26]   Ngunit magmula noong kapanahunan ng kilusang pangkababaihan, palala nang palala ang pamimintas (o pagbatikos) sa kasuotan at katayuan ng mga kababaihang Muslim. Ayon dito sa mga kababaihang “may makabagong pananaw”, hindi lang ang mga ulo ang tinatakpan ng hijab bagkus ay pati na rin ang pag-iisip, at karunungan. Sila ay nagsasabi na ang ating kasuotan ay sinauna at mapanupil, at ito ay pumipigil o humahadlang sa atin na maging kapaki-pakinabang na nilalang. Sanhi ng kawalan nila ng kaalaman (o kamangmangan) tungkol sa Islam, sila ay nagsasabi na ang hijab ay hindi nabibilang sa ganitong makabagong panahon.   Samantalang kung tutuusin, sanhi ng patuloy na pagbaba ng moralidad sa mundo ngayon sa ganitong mga pangyayari’y mas higit na kailangan ang hijab. Higit ngayon kaysa noon, mas lalong naging talamak ang krimen at ang mga “babae ng makabagong panahon” ay mas higit na nabibingit sa panganib na mapagsamantalahan o abusuhin. Ang pamahalaang Federal ay nagsagawa ng isang pagsasaliksik na kung saan ay napag-alaman nilang sa Estados Unidos, may isang biktima ng pagsasamantala (pang-aabuso) sa bawat kada anim na minuto.   Ang mga kababaihan na naglaladlad ng kanilang kagandahan at katawan para pagpistahan ng lahat ay para na ring ipinain ang kanilang sarili para abusuhin nitong mga hayok sa laman. Ang hijab ay ipinag-utos ng Allah sa babaeng Muslim para pangalagaan siya laban sa pang-aabuso. Kilala niya ang kanyang mga nilalang, at batid niya na lalo lamang pinapalala ang lihis na makamundong pagnanasa ng lipunan sa tuwinang ipaglaladlaran ng mga kababaihan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga mahahalay na damit, pinabanguhang katawan at mukhang nilagyang artipisyal na pampaganda. Magkagayon pa man, marami sa mga naliligaw ng landas ay gusto nilang paniwalaan natin na ang hijab ay isang bilangguan sa sumusupil sa ating kaisipan, pamumuhay at puso (damdamin). Wala ni isa sa mga bagay na ito ang nagbibigay ng makatarungang kahulugan (ng hijab). Upang sa gayo’y hindi maging biktima ng kanilang (masamang) hangarin, nararapat na umpisahan na nating unawain (at isa-puso) kung ano talaga ang (kahulugan at kabuluhan) ng hijab.