البحث

عبارات مقترحة:

الرحمن

هذا تعريف باسم الله (الرحمن)، وفيه معناه في اللغة والاصطلاح،...

البصير

(البصير): اسمٌ من أسماء الله الحسنى، يدل على إثباتِ صفة...

الغفار

كلمة (غفّار) في اللغة صيغة مبالغة من الفعل (غَفَرَ يغْفِرُ)،...

Ang Karapatan ng mga Di-Muslim

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات الدعوة إلى الله - دعوة غير المسلمين
Ang mga di-Muslim ay binubuo ng lahat ng mga hindi sumasampalataya sa Islam. Sila ay binubuo ng apat na uri: mga Harbi (nakikipagdigma), mga Musta’min (nagpapatangkilik), mga Mu’ahid (nakikipagkasundo), at mga Dhimmi (di-Muslim na naninirahan sa isang bansang Muslim)..........

التفاصيل

Ang mga di-Muslim ay binubuo ng lahat ng mga hindi sumasampalataya sa Islam. Sila ay binubuo ng apat na uri: mga Harbi (nakikipagdigma), mga Musta'min (nagpapatangkilik), mga Mu'ahid (nakikipagkasundo), at mga Dhimmi (di-Muslim na naninirahan sa isang bansang Muslim). Ang mga Harbi ay walang karapatan sa atin na pangalagaan o tangkilikin. Ang mga Musta'min ay mayroong karapatan sa atin na pangalagaan sa loob ng takdang panahon at takdang lugar sapagkat ang sabi ng Allah (SWT):  "At kung may isang kabilang sa mga Mushrik na nagpakanlong sa iyo ay kanlungin mo siya upang marinig niya ang Salita ng Allah (SWT) at pagkatapos ay ihatid mo siya sa pook na ligtas siya.…" (9:6) Ang mga Mu'ahid ay mayroong karapatan sa atin na tuparin ang kasunduan sa kanila hanggang sa loob ng panahong may bisa pa ang kasunduan sa pagitan natin at nila hangga't nananatili silang tapat sa atin sa kasunduan, wala silang anumang nilalabag, wala silang sinumang tinutulungan laban sa atin, at hindi nila pinupulaan ang ating pananampalataya sapagkat ang sabi ng Allah (SWT): "Maliban sa mga Mushik na ginawan ninyo ng kasunduan at pagkatapos ay hindi nagkukulang sa inyo ng anuman at hindi nakipagtulungan laban sa inyo. Kaya tuparin ninyo sa kanila ang kasunduan sa kanila hanggang sa takdang panahon nila. Tunay na minamahal ng Allah ang mga may takot sa Kanya."(9:4) Sinabi pa Niya: "Subalit kung sumira sila sa kanilang mga sinumpaan matapos ang pagtitibay nila at tinuligsa nila ang inyong pananampalataya, kalabanin ninyo ang mga pinuno ng kawalang-pananampalataya—tunay na sila ay wala silang pagtupad sa mga sinumpaan…"(9:12) Ang mga Dhimmi naman, sa lahat ng uri ng mga di-Muslim, ay sila ang may pinakamaraming karapatan at tungkulin. Iyon ay sapagkat sila ay namumuhay sa bayan ng mga Muslim at nasa ilalim ng kanilang pangangalaga at kanilang pagtangkilik kapalit ng jizyah (buwis) na ibinibigay nila sa pamahalaan. Tungkulin ng namumuno sa mga Muslim na ipairal sa kanila ang patakaran ng Islam sa mga kasong kaugnay sa buhay, ari-arian, at karangalan at ipatutupad naman sa kanila ang mga kahatulang ukol sa paglabag sa pinaniniwalaan nilang ipinagbabawal. Tungkulin din ng pamahalaang Muslim na pangalagaan sila at iwasang makagawa kapinsalaan sa kanila. Kailangan din na makilala sila sa mga Muslim sa pamamagitan ng mga kasuutan, na hindi sila magpapakita sa publiko ng anumang bagay na minamasama sa Islam o bagay na may kaugnayan sa kanilang relihiyon tulad ng kampana at krus. Ang mga alituntunin para sa mga Dhimmi ay matatagpuan sa mga aklat ng mga pantas ng Islam. Hindi na natin pahahabain dito ang tungkol doon. Ang papuri ay ukol sa Allah (SWT), ang Panginoon ng mga nilalang; pagpalain at pangalagaan ng Allah ang ating Propeta na si Muhammad, at ang lahat ng kanyang mag-anak at kanyang mga Kasama.