Nasaksihan ng mga dekada kamakailan ang isang malawak na panlipunang pagbabago tungkol sa mga katangiang sumusukat sa katotohanan at mabuting uri. Sa kanilang mga tahanan at pagawaan hanggang sa mga sentrong pampamayanan at bulwagang pambayan, tinalakay ng ating mga ninuno ang mga paksang malalalim at mahahalaga, gaya ng mga kaasalang pulitikal, mabuting pag-uugaling panlipunan at ang mga makabuluhang hangganan ng siyensiya, mga batas at relihiyon. Lumundag kayo sa makabagong daigdig, at ang mga pag-uusap ay karaniwang nakatuon sa mga relasyon, salapi, palakasan at paglilibang. Samantalang ang mga naunang henerasyon ay nagdaos ng mga panggabing talakayan, pagsusuri at bahaginan ng talino, karamihan ng mga mamamayan ngayon ay iniuukol ang kanilang mga sarili sa mga walang saysay na oras ng panlilinlang sa isip ng media sa pamamagitan ng panginoong iyon ng hipnotismo, ang telebisyon.