البحث

عبارات مقترحة:

الأحد

كلمة (الأحد) في اللغة لها معنيانِ؛ أحدهما: أولُ العَدَد،...

الحفي

كلمةُ (الحَفِيِّ) في اللغة هي صفةٌ من الحفاوة، وهي الاهتمامُ...

الشهيد

كلمة (شهيد) في اللغة صفة على وزن فعيل، وهى بمعنى (فاعل) أي: شاهد،...

Ang Kahalagahan ng Pagpapahayag ng Pananampalataya

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات العقيدة
Ito ay may dakilang kahalagahan sa pagitan ng Allah. Sinuman ang magsabi nito ng may katotohanan ay makapapasok sa Paraiso at sinumang magsabi nito nang walang katotohanan, ang kanyang kayamanan at dugo ay maliligtas dito lamang sa mundong ito, subali’t ang kanyang huling pagsusulit ay sa Allah – ang Makapangyarihan.......

التفاصيل

Ito ay may dakilang kahalagahan sa pagitan ng Allah. Sinuman ang magsabi nito ng may katotohanan ay makapapasok sa Paraiso at sinumang magsabi nito nang walang katotohanan, ang kanyang kayamanan at dugo ay maliligtas dito lamang sa mundong ito, subali't ang kanyang huling pagsusulit ay sa Allah – ang Makapangyarihan. Ito ay isang pagpapahayag na may katiyakan na naglalaman ng ilang mga titik, na sadyang magaan sa dila subali't may kabigatan sa timbangan.  Ito ay iniulat ni Ibn Hibbaan, gayundin ni Al-Haakim na nagsabing ito ay makatotohan [saheeh], mula kay Abu Sa'eed Al-Khudree [nawa'y kalugdan siya ng Allah], na ang Sugo(sas) ng Allah ay nagwika: "Si Moises ay nagsabi: O aking Panginoon!  Turuan Mo po ako ng isang bagay kung papaano ako mananalangin at mag-aalaala sa Iyo.  Ang Allah ay nagsabi:  O Moises!  Sambitin ang La Ilaaha Illalaah.  Si Moises ay nagsabi:  O aking Panginoon!  Ang lahat ng iyong mga alipin ay nagsabi nito.  Sinabing muli ng Allah:  O Moises!  Kung ang pitong  mga kalangitan at ang lahat ng nasa loob nito, maliban sa Akin, at ang pitong mga kalupaan ay ilalagay sa isang timbangan, at ang La Ilaaha Illalaah ay ilalagay sa kabila, magkagayon, ang La Ilaaha Illalaah ay higit na matimbang kaysa sa lahat ng ito." (Ibn Hibbaan sa kanyang Saheeh [bilang 2324] at ni Al-Haakim sa Al-Mustadrak [1/528])   Ang hadeeth na ito ay nagpapatunay lamang na ang mga katagang La Ilaaha Illalaah ang pinakamainam na pag-aalaala sa Allah, na nabanggit din sa ibang hadeeth na iniulat ni 'Abdullah ibn Umar: "Ang pinakamainam na panalangin ay ang panalangin sa araw ng Arafat, at ang pinakamainam sa akin, o ng iba pang mga naunang mga Propeta sa akin, ay nagsabing:  Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, ang Nag-iisa, ng walang katambal.  Sa Kanya lamang nauukol ang kamaharlikaan, at sa Kanya lamang nauukol ang lahat ng papuri, at Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay." (Hasan:  Ang katotohanan ay napatunayan [p.12])   Ang iba pang karagdagang patunay kung saan ang bigat ng mga katagang ito [kalimah] sa timbangan sa Araw ng Paghuhukom ay matutunghayan sa ulat ni At-Tirmidhee at gayundin sa ulat nina An-Nasaa'ee at Al-Haakim na sinangayunan naman ni Muslim – mula kay Abdullah ibn 'Amr na sinabi ni Propeta Muhammad(sas): "Ang tao mula sa aking pamayanan [ummah] ay tatanungin sa harapan ng bawa't isa sa Araw ng Paghuhukom.  Siyamnaput-siyam na talaan ang ipakikita sa kanya, bawa't talaang ito ay masasaksihan ng bawa't mata na maaaring umabot sa pagtanaw dito.  Pagkatapos ay sasabihin:  Itinatatwa mo ba ang alinman sa mga ito [ang iyong masasamang ginawa]? Kaya't ang tao ay sasagot: Hindi, O aking Panginoon. At muling sasabihin:  Mayroon ka bang anumang dahilan o kaya'y anumang mabuting ginawa?  Ang tao, na sa kanyang kalagayan ay tigib nang takot ay sasagot: Wala. At muling sasabihin: Bagkus, mayroon ka bang ilang mabubuting ginawa, at walang di-makatarungang bagay ang mangyayari sa kanya sa Araw na yaon. Kaya't ang (darangan [parcment]) ay ilalayo sa kanya, kapag mayroong nagpahayag ng La Ilaaha Illalaah at nagpahayag na si Muhammad ay Alipin at Sugo ng Allah.  Ang tao ay magsasabi:  O Panginoon, ano itong darangan kung ikukumpara doon sa mga talaan [scrolls]!  Ito ay sasabihin sa kanya:  Walang di-makatarungan ang maaaring mangyari sa iyo.  At ang mga talaan ay ilalagay sa isang bahagi ng timbangan at ang darangan ay sa isa; ang mga talaan ay magiging magaan sa timbangan, samantalang ang darangan ay magiging mabigat." (Saheeh:  Iniulat ni At-Tirmidhee [bilang 2641] mula kay Abdullah ibn 'Amr [nawa'y kalugdan siya ng Allah]. Ito ay pinatunayang Saheeh ni Sheihk Al-Albaanee sa As-Saheehah [bilang 135])   Katunayan, ang pagpapahayag na ito ay maraming taglay na kahalagahan [kalimah], ang ilan dito ay nabanggit ni Haafidh Ibn Rajab sa kanyang maikling salaysay na pinamagatang Kalimatul-Ikhlas. Tunghayan natin ang ilan sa mga nabanggit:   ·         Ito ang gantimpalang makakamtan tungo sa Hardin ng Paraiso [Jannah] ng sinumang namatay na ang kanyang huling mga kataga ay La Ilaaha Illalaah. ·         Ito ang daan sa kaligtasan sa Apoy ng Impiyerno. ·         Ito ay mahalaga upang makamtan ang kapatawaran. ·         Ito ay naglilinis ng mga kasalanan. ·         Ito ay nagpapayabong ng pananampalataya [Eeman] na nakatanim sa puso. ·         Ito ay nakapag-aalis sa timbangan ng mga nakatalang kasalanan. ·         Ito ay nakatutulong upang malampasan ang anumang hadlang hanggang makarating sa harapan ng Allah – ang Ganap na Makapangyarihan. ·         Ito ay isang pagpapahayag [Kalimah] na sinumang magsabi ay itinatanghal ng Allah bilang isang makatotohanan. ·         Ito ang pinakamainam na mga kataga sa lahat ng sinabi ng mga Sugo. ·         Ito ang pinakamainam sa lahat ng uri ng pag-aalaala, ang pinakamainam sa lahat ng mga gawain at ang isa sa may pinakamaraming biyaya na nakalaan. ·         Ito ay katumbas ng pagpapalaya ng mga alipin. ·         Ito ay pananggalang laban kay Satanas. ·         Ito ay makatutulong upang maging ligtas mula sa mga kadiliman sa libingan at mula sa pangamba sa pagtitipon [Al-Hashr]. ·         Ito ay isang mapagkakakilanlan bilang palatandaan ng mga mananampalataya kapag sila ay bumangon mula sa kanilang mga libingan.   Ang lahat ng walong tarangkahan sa Paraiso ay magbubukas sa mga nagpapahayag nito at sila ay makapapasok saan man nila naisin. Kahit na ang isang nagpahayag nito ay pansamanatalang nanatili sa Impiyerno sanhi ng kanyang kakulangan na mapunan ang ilan sa kanyang mga karapatan, may katiyakan na ang taong ito ay hahanguin mula rito. Ito ang mga pangunahing punto ni Ibn Rajab na nabanggit sa kanyang maikling salaysay tungkol sa kahalagahan ng pagpapayahag [Kalimah], na may sapat na patunay sa bawa't isa.