البحث

عبارات مقترحة:

المقتدر

كلمة (المقتدر) في اللغة اسم فاعل من الفعل اقْتَدَر ومضارعه...

الحافظ

الحفظُ في اللغة هو مراعاةُ الشيء، والاعتناءُ به، و(الحافظ) اسمٌ...

الولي

كلمة (الولي) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) من الفعل (وَلِيَ)،...

Al-Matn Ul‘Aqdi

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف زیاد بن حمد العامر
القسم كتب وأبحاث
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات العقيدة
At ito naman ay boud na teksto ng mga pinaniniwalaan, at saklaw dito ang mga pamantayan ng mga paksa sa ‘Aqeedah (mga isinasapusong paniniwala) ng Ahlu Us-Sunna wa Al-Jama’ah (yaong mga tumatalima sa Sunnah at magkakasama-sama sa pagsunod nito). At ang mga sumusunod ay ang lahat na mga paksa na nabanggit dito: 1). Mula sa mga wastong nasasaklaw ng ‘Aqeedah na katanggap-tanggap at may kaukulang gantimpala. 2). O kaya’y mga naisalaysay ng karamihan sa mga pantas, tulad ng nasa nakasanayan ng mga may kaalaman mula sa mga Ahlu Us-Sunnah na kanilang binabanggit ang kabuuran ng mga sinang-ayunan sa mga pangunahing paksa hinggil sa ‘Aqeedah (1). 3). O kaya’y mula sa mga pinagdalubhasaan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah na salungat sa iba na nanggaling sa mga pangkat na umaanib sa Islam. Kaya’t [kalakip sa nakasanayan ng mga manunulat ng kabuuran sa ‘Aqeedah na kabilang sa Madh’hab ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah ay ang pagbanggit sa mga pinagdalubhasaan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah na salungat sa mga hindi naniniwala at mga lumilihis ...

التفاصيل

Al-Matn Ul‘Aqdi Pambungad Kabanata 1: Ang Panimulang pagpapakilala sa Isinasapusong Paniniwala Kabanata 2 : Ang Eeman Kabanata 3: Ang Paniniwala kay Allah Kabanata 4: Ang Paniniwala sa mga Anghel Kabanata 5: Ang Paniniwala sa mga Salita ni Allah Kabanata 6: Ang Paniniwala sa mga Sugo Kabanata 7 : Ang Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom Kabanata 8 : Ang Paniniwala sa Al-Qadr (Kahihinatnan) Kabanata 9 : Mga kaakibat ng Paniniwala  Al-Matn Ul‘AqdiTekstong Buod ng PaniniwalaIsang boud saPaniniwala ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah mula sa inipong mgatekstong-buod ng PaniniwalaNi: Ziyad bin Hamad Al-Amiri PhD.Propesor at kasama sa pagtuturo ng ‘Aqeedah at mga pangkasalukuyang doktrina at pilosopiya ng mga sektaNailimbag sa taguyod na waqf mula sa mapagkawang-gawang tao at asawa niya at mga anak nila at kanilang angkang susunod1439 H – 2018 CE Pambungad Ang Pagpuri na nararapat kay Allah ay tanging Kanya lamang , Ang Panginoon ng mga sanlibutan. Ang Panalangin at Pagpapala at ang Kapayapaan ay maihatid kay Muhammad na ating Propeta, at sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang mga kasamahan. Iyan ang mauna. At ito naman ay boud na teksto ng mga pinaniniwalaan, at saklaw dito ang mga pamantayan ng mga paksa sa ‘Aqeedah (mga isinasapusong paniniwala) ng Ahlu Us-Sunna wa Al-Jama’ah (yaong mga tumatalima sa Sunnah at magkakasama-sama sa pagsunod nito). At ang mga sumusunod ay ang lahat na mga paksa na nabanggit dito: 1). Mula sa mga wastong nasasaklaw ng ‘Aqeedah na katanggap-tanggap at may kaukulang gantimpala. 2). O kaya’y mga naisalaysay ng karamihan sa mga pantas, tulad ng nasa nakasanayan ng mga may kaalaman mula sa mga Ahlu Us-Sunnah na kanilang binabanggit ang kabuuran ng mga sinang-ayunan sa mga pangunahing paksa hinggil sa ‘Aqeedah (1). 3). O kaya’y mula sa mga pinagdalubhasaan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah na salungat sa iba na nanggaling sa mga pangkat na umaanib sa Islam. Kaya’t [kalakip sa nakasanayan ng mga manunulat ng kabuuran sa ‘Aqeedah na kabilang sa Madh’hab ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah ay ang pagbanggit sa mga pinagdalubhasaan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah na salungat sa mga hindi naniniwala at mga lumilihis ... Samantalang ang Eeman (Ang Paniniwala) na sinang-ayunan ng mga Muslim na pagtatangi sa Allah (Tawhiid), at paniniwala sa mga sugo, at sa Araw ng Paghuhukom, ay mga kinakailangang paksa. Habang ang mga daleel o patunay sa mga paksang ito ay doon matatagpuan sa mga pinalawak sa detalye na malalaking aklat] (2). Ang nabanggit sa tekstong ito ay ang boud ng paniniwala ng mga Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah, mula sa mga nabanggit sa mga sikat na tekstong-buod ng paniniwala na taglay nila, tulad ng Al-‘Aqeedat Ut-Tahawiyyah ni At-Tahawi Al-Hanafi (321 H-Taong Hijri), at ang ‘Aqeedah ni Ibni Abi Zayd Al-Qayrawani Al-Maliki (386 H), at ang ‘Aqeedah ng mga taga-ulat ng mga hadith ni As-Sabuni As-Shafi’ie (449 H), at ang Lam’at Ul-I’tiqaad________________________(1)   Suriin sa: Majmu’ Ul-Fatawa ni Ahmad Al-Harrani 11/486.Sharhu Ul-‘Aqeedat Il-Asfahaniyyah ni Ahmad Al-Harrani, p.14ni Ibnu Qudamah Al-Hanbali (620 H), at iba pang mga tekstong-buod ng paniniwala. Malinaw na binabanggit nila ang mga paksa ng paniniwala sa maikli subalit malaman na paglalahad nang hindi na isinasaysay ng puspusan (1). Kabilang sa nakasanayan ng mga manunulat hinggil sa paniniwala ay ang pagsasaayos ng mga paksa (2) hango sa nakasaad sa hadith ni Jibril alayhis-salam, noong tinanong niya ang Propeta salla-llahu alayhi wa sallam hinggil sa Eeman (Paniniwala), at sinabi niya sa kanya:أن تؤمن بالله وملائكته وكتبه ورسله واليوم اللآخر وتؤمن بالقدر خيره وشره (3) [‘Ang maniwala ka sa Allah, at sa Kanyang mga anghel, at sa Kanyang mga salita, at sa Kanyang mga sugo, at sa Araw ng Paghuhukum, at ang maniniwala ka sa Kahihinatnan na mabuti o masama’]. Kaya’t tunay na [ang mas mahusay sa pagkakasaayos ng aklat ng pamantayan sa Deen (kapamaraanan ng pagsasabuhay) ay ang naisaayos ayon sa pagkakasunod-sunod hango sa sagot ng Propeta salla-llahu alayhi wa sallam kay Jibril alayhis-salam, nang tinanong siya hinggil sa Eeman ... Kaya’t ang paglalahad ay sinisimulan sa tawhiid at mga katangian ng Allah at mga kaakibat nito, at pagkatapos ay inilalahad ang patungkol sa mga anghel... ](4). At naaayon sa kung ano ang inuna ng Allah sa Qur’an – sa karamihan ng mga Ayat (5) – na katulad ng nakasaad sa mahabang hadith sa hajj na isinalaysay ni Jabir: أبدأ بما بدأ الله به [‘sisimulan ko ito na uunahin ko ang inuna ni Allah’] (6). At maaaring isaayos ang pakakasunod-sunod ng mga paksa ng paniniwala sa ganoong pagkakaayos tulad ng sumusunod:–      Kabanata 1 : Ang pasimula sa Paniniwala.–      Kabanata 2: Ang Eeman.–      Kabanata 3: Ang Paniniwala sa Allah.–      Kabanata 4: Ang Paniniwala sa mga Anghel.__________________(1) Suriin sa: Majmu’ Ul-Fatawa ni Ahmad Al-Harrani 20/99.(2) Suriin para sa karagdagang pag-unawa: Tartib Ul-Mawsu’at El-Aqadiyyah wa munasabatihi, isinulat ng may-akda.(3) Iniulat ni Muslim sa ganoon mismong pagkalahad, bilang 9.(4) Suriin sa: Sharhu Ul-‘Aqeedati Et-Tahawiyyah ni Ibnu Abi El-Iz Al-Hanafi 2/689.(5) Nakasaad naman sa ibang mga ayah ang ibang pagkakasunod-sunod, tulad ng sinabi ng Allah: لَّيْسَ الْبِرَّ أَن تُوَلُّوا وُجُوهَكُمْ قِبَلَ الْمَشْرِقِ وَالْمَغْرِبِ وَلَٰكِنَّ الْبِرَّ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَالْمَلَائِكَةِ وَالْكِتَابِ وَالنَّبِيِّينَ [Surah Al-Baqarah:177] Hindi isang Al-Birr (kabanalan,kabutihan,katwiran, at lahat ng gawa ng pagsunod kay Allah, atbp.) na ilingon ninyo ang inyong mukha sa Silangan o Kanluran ( sa pag-aalay ng Salah [takdang panalangin], datapwat ang Al-Birr ay ang pagsampalataya kay Allah at sa Huling Araw, sa mga Anghel, mga Aklat, at sa mga Sugo.(6) Iniulat ni Muslim, bilang 1218, gamit ang salitang paanunsyo. At iniulat ni An-Nisa’i, bilang 2962, gamit ang salitang pautos ( ابدأوا بما بدا الله به ), ( umpisahan sa inumpisahan ng Allah) at pinatotohanan ni Ibnu Kathir ang isnad (hanay ng mga mananalaysay) nito sa kanyang tafsiir 3/52. – Kabanata 5 : Ang Paniniwala sa mga salita ng Tagapaglikha. – Kabanata 6: Ang Paniniwala sa mga Sugo. – Kabanata 7: Ang Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom. – Kabanata 8: Ang Paniniwala sa Al-Qadr (Kahihinatnan). – Kabanata 9: Mga kaakibat ng PaniniwalaAng tekstong-buod na ito ay nagkamit ng mga pagwawastong-pagsusuri mula sa lipon ng mga pantas sa kaalaman. At ang Allah ay hinihingan ko ng pagpapala para sa paniniwalang ito na alinsunod sa Sunnah, at ganoon din na pagpalain Niya ang mga naunang pinagmumulan na pamantayan, at gawing kapaki-pakinabang para sa may-akda at sa mambabasa at sa tagapakinig at sa nagmememorya, at gawin itong taos-puso na para lamang masilayan ang Kanyang Dakilang Mukha... Ameen. Ang may-akda, [email protected] Mobile: 00966504150615 Riyadh – Kingdom of Saudi Arabia Kabanata 1: Ang Panimulang pagpapakilala sa Isinasapusong Paniniwala1.     Ang ‘Aqeedah (mga isinasapusong paniniwala) na islamiko: Ay ang mahigpit na pinanghahawakan ng tao sa kanyang puso na mga pangunahing pinaniniwalaan at mga kaakibat ng mga ito. 2.     At ang kahalagahan ng wastong ‘Aqeedah at mga bunga nito ay, ang layunin na kung saan dahil dito ay nilalang ang sangkalikasan, at ito ang pamantayan ng deen (pamamahala ng buhay), at ang pundasyon ng panawagan ng mga sugo, at ang Al-Eeman (ang sinasang-ayunan ng puso na nagreresulta sa puso, at sa salita, at sa gawa) ay kinakailangan upang maging wasto ang isinasaganap na gawain at maging katanggap-tanggap, at siyang magdudulot ng ligaya at tagumpay dito sa mundo at sa kabilang-buhay, at ganoon naman na ang pag-iwas palayo nito ay magdudulot ng kalungkutan dito sa mundo at kabilang-buhay, at ito ang kumakanlong sa buhay at kayamanan, at ito ang kinakailangan para makamit ang pagwawagi at maitatag ang lipunan, makamit ang katiwasayan, at ito ang salaan ng isipan sa mga nakalilitong ikapipinsala, at mga malagim na pamahiin.3.     At ang Shari’ah (ang alituntunin at kautusan) ng Allah ay naaangkop at makabubuti sa lahat ng kapanahunan at bayan.4.     Ang hukum (kahatulan) sa pagtataglay ng karunungan sa ‘Aqeedah: Meron sa mga ito ay Fardu ‘ayn (obligado sa bawat isa). At meron sa mga ito ay Fardu kifayah (obligado sa lahat ngunit sapat na kung iilan lamang ang magsasaganap).5.     Ang mga propeta ay magkasang-ayon sa mga pamantayan ng deen at sa mga layunin ng mga pangkalahatang alituntunin at kautusan, at mga saligang pagmumulan ng mga kaugalian. Kung kaya’t ang ‘Aqeedah nila ay iisa, at sa mga sangay ng alituntunin ang may pinagkakaiba.6.     At tunay na ipinabatid ng Propeta salla-llahu alayhi wa sallam na ang kanyang ummah (lipunan ng mga muslim) ay magkakawatak-watak sa pitumpu’t tatlong sangay, lahat ay sa kaparusahan ng apoy liban sa isa, at ito ang Jama’ah (ang nagkasama-sama sa pagtalima )(1), at nang siya’y tinanong hinggil sa kanilang katangi-an ay kanyang sinabi: "هم من كان على مثل ما أنا عليه وأصحابي" (‘Sila yaong mga nasa pamamaraang tulad sa akin at sa aking mga kasamahan’)(2). Kaya’t sa pamamagitan nito____________________(1) Tulad ng iniulat ni Ibnu Maja sa kanyang Sunnan, bilang 3993, at pinatotohanan ni Al-Albani, sabi ng Sugo ni Allah salla-llahu alayhi wa sallam: إن أمتي ستفترق على ثنتين وسبعين فرقة كلها في النار إلا واحدة وهي الجماعة( Ang aking Ummah ay mahahati sa 72 na mga sekta, lahat sila mapupunta sa empyerno maliban sa isa, at ito ang Jamaah) (2) Iniulat ni At-Tirmidhi, bilang 2641, sa pagkasabing: تفترق أمتي على ثلاث وسبعين ملة كلهم في النار إلا ملة واحدة ، قالوا من هي يا رسول الله ، قال : ما أنا عليه وأصحابي. ( Ang aking Ummah at mahahati sa 73 na sekta, lahat sila ay mapupunta sa empyerno, maliban sa isa, at sila ay nagtanong, “ Sino ang sektang ito?” “Sila na mga kasama at mga tagasunod ko.”At iniulat ni Al-Hakim, bilang 444, sa pagkasabing: تفترق أمتي على ثلاث وسبعين ملة كلها في النار إلا ملة واحدة ، فقيل له: ما الواحدة ؟ قال: ما أنا عليه اليوم وأصحابي.ang mga tumalima sa Islam ay naging puro at dalisay na hindi magkahalu-halo: Sila ang mga Ahlu Us-Sunna wa Al-Jama’ah [yaong mga tumatalima sa Sunnah (pamamaraan ng Sugo) at magkakasama-sama sa pagsunod dito], at sila ang matagumpay na sangay, ang magwawaging pangkat, ang mga kumakatawan ng Hadith (mga naisalaysay patungkol sa Sugo) at Athar (mga naisalaysay patungol sa mga kasamahan ng sugo at mga tagasunod nila), huwarang mga hinalinhang tagapagsagawa-ng-kabutihan, mga kumakatawan ng Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah (pamamaraan ng sugo).7.     At sila ang katamtaman sa mga sangay ng ummah (lipunan ng mga muslim), kasing-katayuan ng Ummah na siya namang katamtaman ng mga Umam (mga lipunan). 8.     At kabilang sa pamamaraan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah: Ay ang pagtalima sa mga naisalaysay na kapamaraanan ng Sugo ni Allah salla-llahu ahayhi wa sallam, sa hayag man o mga lihim na ginagawa. At ang tahakin ang huwarang landas ng mga naunang tagasunod.9.     At ang pinagmumulan sa pagtanggap ng mga isinasapusong paniniwala na siyang pamantayan na sinasandalan at pinagbabasehan sa mga paksa ng paniniwala: Ay ang Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah, kasunod ay ang Eijma’ (pinagkaisahan sa pag-unawa ng mga dalubhasa sa kaalaman). At nakasaad sa tekstong-naipahayag ang kalinawan sa tumpak na pagtukoy at paggamit ng basehan ng pagtamo ng konklusyon sa mga may kaugnayan sa deen. At kabilang sa mga ito ang sinabi ng Allah ta’ala:يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَأُولِي الْأَمْرِ مِنكُمْ فَإِن تَنَازَعْتُمْ فِي شَيْءٍ فَرُدُّوهُ إِلَى اللَّهِ وَالرَّسُولِ إِن كُنتُمْ تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ذَٰلِكَ خَيْرٌ وَأَحْسَنُ تَأْوِيلًا[‘O kayo na mga naniniwala (o mga naninigurado ng tamang paniniwala), sundin ninyo si Allah at sundin ninyo ang Sugo at ang mga Uli El-amr (Inyong mga pinuno at mga dalubhasa sa kaalaman) at kapag may bagay na hindi ninyo napagkasunduan ay isangguni ninyo ang kahatulan hinggil dito sa Salita ng Allah at sa Sunnah ng Kanyang Sugo kung kayo nga ay naniniwala ng tunay na paniniwala sa Allah at sa Araw ng Paghuhukom, Iyan ang mabuti at ang mas mahusay na pag-unawa’]. (Qur’an: Surat Un-Nisa’: 59). At itong Ayah (talata sa Qur’an) na ito ay saligang-basehan sa paglalahad ng pamantayan ng Istid-lal (tumpak na pagtukoy at paggamit ng basehan), na magmula sa Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah at Eijma’, At nakasaad dito ang utos na isangguni sa Allah at ito ang pagsangguni sa Salita Niya. At ang pagsangguni sa Sugo salla-llahu alayhi wa sallam at ito ang pagsangguni sa kanyang Sunnah (kapamaraanan) . At kapag nagkasang-ayon at nagkaroon ng Eijma’ (nagkaisa sa pag-unawa ang mga dalubhasa sa kaalaman) at walang hindi napagkasunduan, kung gayo’y kailangang isagawa ang walang naging hindi napagkasunduan. At ang Ahlu Us-Sunnah ay gumagamit nitong tatlong pinagmumulan ng basehan bilang timbangan sa lahat ng kung anuman ang nasa mga tao, mula sa mga binibitiwang salita at mga kilos at gawa, nakalihim man o lantad, buhat sa mga may kaugnayan sa Deen.______________________At iniulat ni At-Tabarani sa Al-Majmu’ Ul-Awsat, bilang 7840, sa pagkasabing: تفترق هذه الأمة ثلاثة وسبعون فرقة كلها في النار إلا واحدة ، قالوا : وما تلك الفرقة ؟ فال : من كان على ما أنا عليه اليوم وأصحابي .At sinabi ni At-Tirmidhi na ito ay hadith na hassan sahih, at pinatotohanan ito ni Al-Albani.10.   At susunod sa Tatlong nabanggit na mga basehang pagmumulan: Ang malusog na pag-iisip, at maayos na Fitrah (Ang likas sa Konsyensya at kalooban).11.   Ang patakaran sa Istid-lal (tumpak na pagtukoy at paggamit ng basehan) ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah: Ay siya’ng kaparaanan na dinadaanan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah para sa Istinbaat (pagtamo ng konklusyon) kung ano ang Hukum (kahatulan) ng mga pinaniniwalaan, mula sa pagtanggap sa mga pagmumulang tama. At pinahalagahan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah ang pagpaunawa sa patakaran ng tumpak na paggamit ng basehan buhat sa tekstong-ipinahayag ng Shari’ah (ang alituntunin at kautusan). Sa kadahilanang itinuturing din ng mga partikular na pangkat na umaanib sa Islam ang Qur’an at ang Sunnah at ang Eijma’ bilang mga kilalang basehan sa pag-unawa sa mga pinaniniwalaan, tunay na ang pagsasalungat ay nagaganap sa kaparaanan ng pagtukoy at paggamit ng basehan gamit ang mga talata ng Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah sa mga paksa ng Deen. At tunay na ipinabatid ng Propeta salla-llahu ‘alayhi wa sallam ang patungkol sa mga tao na sumasalungat sa lipon ng mga muslim sa pagbigay-kahulugan ng Qur’an, bagkus ang kanilang kinatatayuan ay maaaring humantong sa digmaan ng dahil dito. Kaya’t sa isinalaysay ni Abu Saeed El-Kudri radiya-llahu ‘anhu – ito ang salin ng kanyang sinabi: “Nakaupo kami na hinihintay ang Sugo ni Allah salla-llahu ‘alayhi wa sallam, at siya’y lumabas at nagtungo sa amin mula sa isa sa mga pamamahay ng kanyang mga asawa, at kami ay nagsitayo upang samahan siya, nang biglang naputol ang kanyang sandalyas, kaya’t inutusan niya si Ali na ito’y kumpunihin, kaya’t nanatili muna ang Sugo ni Allah salla-llahu ‘alayhi wa sallam at kami rin ay nanatili kasama siya, saka siya’y tumayo na naghihintay kay Ali at kami rin ay tumayo kasama siya, doon kanyang sinabi:إن منكم من يقاتل على تأويل هذا القرآن كما قاتلت على تنزيله [‘ Tunay na mula sa inyo ay mayroong makikipagdigma alang-alang sa pagbigay-kahulugan nitong Qur’an, tulad ng aking pakikipagdigma nang ito ay ipinapababa’]. Kung kaya’t kami ay nagpangalan ng mga naisip namin kung sino, at kasama namin noon si Abu Bakr at Umar. At kanyang sinabi: لا ولكنه خاصف النعل [‘Hindi sila kundi siya na nagkumpuni ng sandalyas’]At dumating si Ali at amin siyang binalitaan, at ang kanyang tugon ay para bagang alam na niya (1).____________________(1) Iniulat ni Ahmad sa Al-Musnad, bilang 11773. Nagpahayag si Al-Haythami sa Mujma’u Uz-Zawa-id, bilang 14763: ‘Iniulat ito ni Ahmad at ang mga mananalaysay dito ay mga mananalaysay ng mga Sahih (mga labis na awtentik) liban kay Fitr bin Khalifa, at siya ay masasaligan’. At pinatotohanan ito ni Al-Albani sa As-Silsilat Us-Sahihah, bilang 2487.12.   At kabilang sa kanilang patakaran sa pagtukoy at paggamit ng basehan: Ang pagsasaganap ng naaayon sa mga Al-Muhkam (mga may malilinaw at lantad na kahulugan) at ang paniwalaan ang mga Al-Mutashabeh (hindi tuwirang lantad ang kahulugan) at ang ibalik na maisang-ayon ang mga Al-Mutashabeh tungo sa mga Al-Muhkam. Naaayon sa inilahad ng Allah.هُوَ الَّذِي أَنزَلَ عَلَيْكَ الْكِتَابَ مِنْهُ آيَاتٌ مُّحْكَمَاتٌ هُنَّ أُمُّ الْكِتَابِ وَأُخَرُ مُتَشَابِهَاتٌ فَأَمَّا الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ زَيْغٌ فَيَتَّبِعُونَ مَا تَشَابَهَ مِنْهُ ابْتِغَاءَ الْفِتْنَةِ وَابْتِغَاءَ تَأْوِيلِهِ وَمَا يَعْلَمُ تَأْوِيلَهُ إِلَّا اللَّهُ وَالرَّاسِخُونَ فِي الْعِلْمِ يَقُولُونَ آمَنَّا بِهِ كُلٌّ مِّنْ عِندِ رَبِّنَا وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّا أُولُو الْأَلْبَابِ رَبَّنَا لَا تُزِغْ قُلُوبَنَا بَعْدَ إِذْ هَدَيْتَنَا وَهَبْ لَنَا مِن لَّدُنكَ رَحْمَةً إِنَّكَ أَنتَ الْوَهَّابُ [‘Siya ang Siya’na nagpahayag sa iyo nitong Al-Kitab (Qur’an) na naglalaman ng mga Al-Muhkam na talata (mga talatang may malilinaw at lantad na kahulugan), Ito ang mga pundasyon ng Qur’an (na kapag may mga bagay na hindi naging malinaw sa inyo ay itong mga ito ang ginagamit na batayan), at narito rin ang mga Al-Mutashabeh na mga talata (hindi tuwirang lantad ang kahulugan), subalit sa mga yaong ang puso ay may sakit na pagkaligaw, ang inaabangan lamang nila ay ang mga ganitong talata na hindi lantad ang kahulugan, nang sa gayon ay makapagkalat sila ng mga pag-aalinlangan sa mga tao, at makapagbigay sila ng kanilang sariling pakahulugan. Walang nakakaalam ng tunay na kahulugan nito kundi ang Allah lamang at ang mga pinagkalooban ng malawak na kaalaman, na sila’y nagsasabi: “Pinaniniwalaan namin ang buong Qur’an na ang buong ito ay nagmula sa aming Panginoong Allah”. Na kung kaya’t ang tanging makaiintindi lamang at makapagsusuri ng mga kahulugan nito sa tamang pananaw ay ang sinumang pinagkalooban ng dalisay at matutuwid na pag-iisip. At sinasabi nila: “O Allah na aming Panginoon! Huwag Mong ilihis ang aming mga puso mula sa tamang gabay pagkatapos Mong ipagkaloob sa amin na kami ay magabayan, tunay na Ikaw ang Al-Wahhab – ang Ganap na Masaganang Tagapagkaloob ng biyaya”] (Qur’an: Al-‘Imran: 7, 8).13.   At ang pagsasaganap ng naaayon sa direktang kahulugan ng talatang-ipinahayag, at ito: Ang agad na naiisip at siya’ng nauunawaan ng tagapakinig na may normal na pag-unawa sa mga salita at talatang buhat sa Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah.14.   At ang pagsunod sa kasiningan ng mga sinaunang Arabo sa kanilang kapamaraanan sa pag-unawa sa wikang arabik.15.   At ang lahat na ipinabatid ng Sugo salla-llahu ‘alayhi wa sallam mula sa mga hadith (mga naisalaysay patungkol sa kanya na kanyang sinabi’t ginawa...) na mga naihatid ng mga dalubhasa sa kaalaman at tanggap sa kanilang pagsusuri na ito ay awtentik, ay obligadong paniniwalaan. At kabilang sa mga ito ang Al-Aahad (mga naisalaysay ng isang hanay lamang ng mga mapananaligang mananalaysay).16.   At kanilang pinaniniwalaan na hindi maaaring maging magkasalungat ang siguradong awtentik na mga talatang-naipahayag at ang mga tamang pagunawang buhat sa mga matitibay na ibang batayan. At kung sakali man na may mapagkamalang pagkasalungat ang mula sa dalawa, ay inuuna ang talatang-naipahayag. At kung sakali man na magkasalungat ang dalawang hindi masyadong sigurado – inuuna ang mas matibay na basehan.17.   At naghihikayat na paghawakan ng mahigpit ang Sunnah. At ang babala sa mga pagpasimula ng Bid’ah (makabagong pamamaraan sa pagsamba na hindi naman gawain ng Propeta) at pagsagawa ng mga ito, tulad ng sinabi ng Propeta salla-llahu ‘alayhi wa sallam:من أحدث في أمرنا هذا ما ليس فيه فهو رد [‘Sinuman ang gumawa ng mga makabagong gawasa gawain natin na ito na hindi naman nagmula dito ay hindi katanggap-tanggap’] (1),at sa ibang pagkasabi: من عمل عملا ليس عليه أمرنا فهو رد  [‘ Sinuman ang gumawa ng gawain na wala sa gawain na yaon ang ginagawa natin ay hindi katanggap-tanggap’] (2).________________________(1) Iniulat ni Al-Bukhari, bilang 2679, at ito mismo ang pangungusap. At iniulat ni Muslim bilang 1718(2) Iniulat ni Muslim, bilang 1718. Kabanata 2 : Ang Eeman1.     At kanilang sinasabi na ang Al-Eeman (paniniwala) ay sa Puso, at sa Salita, at sa Gawa: Kaya ang Pagsapuso ay siya’ng pagsang-ayon ng puso. At ang Salitang sa dila ay ang Shahadatayn (ang dalawang pagsasaksi) at iba pang mga Dhikr (mga binibigkas sa pagsaala-ala sa Allah) na alinsunod sa Shari’ah. At ang Gawa ay sumasaklaw sa gawa ng puso tulad ng pagmamahal at pagkatakot at pag-asa atbp., at gawa ng mga galamay tulad ng Salah at Hajj at Jihad atbp.. Naaayon sa sinabi ng Propeta salla-llahu ‘alayhi wa sallam: الإيمان بضع وسبعون – أو بضع وستون – شعبة فأفضلها قول لا إله إلا الله وأدناها إماظة الأذى عن الطريق والحياة شعبة من الإيمان [‘ Ang Al-Eeman (ang paniniwala) ay may higit sa pitumpu – ‘o higit sa animnapung – mga sanga, ang pinakamataas sa kabutihan ay ang pagpahayag na: “la ilaha illa-llah” (walang sasambahin liban sa Allah), at ang pinakamababa ay ang pagtanggal ng mga sagabal na nakakapinsala sa daan, at ang pagkahiya ay sanga ng Al-Eeman’] (1).2.     At ang Al-Eeman ay nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.3.     At na ang nagkasala ng malaking kasalanan liban sa Kufr (Ang kufr ay ang pagtanggi sa pagtatangi kay Allah sa pagsamba): ay mu’min (may paniniwala) pa din ngunit kulang ang paniniwala. Mu’min dahil may taglay siyang paniniwala ngunit Faasiq (makasalanan) dahil gumawa siya ng malaking kasalanan. Kaya hindi gagamitin ang katawagang kompletong-paniniwala ngunit hindi rin kompletong tatanggalin ang katawagang paniniwala.4.     At hindi nagpapahayag sa pagtukoy ng sinumang indibidwal mula sa mga taong humaharap sa Qiblah na yan ay papasok sa Jannah (hardin sa kabilang-buhay) o mapupunta sa kaparusahan sa Apoy liban sa naipahayag sa Qur’an at sunnah.5.     At tumatalima sa pamamaraang nakikipag-ugnay ng may katapatang-loob sa kapwa may paniniwala nang naaayon sa taglay nitong antas ng paniniwala. At ang hindi pakikipag-ugnayan sa tao ay naaayon sa kanyang kababaang-antas ng kakulangan ng paniniwala.6.     At nagbibigay babala sa mga nakapagpapawalang-bisa ng paniniwala.At ganoon din sa mga nakapagpapawalang-bisa ng paniniwala: At itong mga ‘to ay ang lahat na nakakatanggal ng mga pamantayan ng paniniwala sa puso man o sa salita o sa gawa.________________(1) Iniulat ni Muslim, bilang 58.7.     At naninigurado sa paniniwala sa Al-Gayb (mga hindi nakikita, mga lagpas sa kapasidad ng pandama ng tao). At mayroon sa mga ito ang lubusang hindi nakikita, at itong mga ito ay walang nakakaalam liban nalang sa Allah. Mayroon namang sapat na hindi nakikita, at itong mga ‘to ay alam ng mga pinagkalooban ni Allah ng kaalaman mula sa kanyang mga nilalang.8.     At ang Deen (kaparaanan ng pamamahala ng buhay): Ay ang Al-Islam (Ang pagtalima, pagsunod, pagsuko, at pagsubmita) at ang Al-Eeman (Ang paniniwalang nagreresulta sa puso, at sa salita, at sa gawa) at ang Al-Ihsan (Ang kahusayan sa pagsagawa).9.     At ang Al-Islam: ay ang paghahayag ng pagsuko at pagtalima sa mga alituntunin at kautusan ng Allah.10.  At ang Al-Ihsan: Ay ang sambahin mo si Allah sa kahusayan ng pagsagawa nito na para bang nakikita mo Siya, kaya’t kung hindi mo Siya nakikita ay tunay na Siya’y nakakakita sayo. Kabanata 3: Ang Paniniwala kay Allah1.     At naninigurado ng paniniwala na nariyan ang Allah, at pinatutunayan ito ng mga palatandaan sa sangkalikasan at sa Fitrah (Ang likas sa Konsyensya at kalooban), at iba pang mga ganito, tulad ng sinabi ng Allah: أَمْ خُلِقُوا مِنْ غَيْرِ شَيْءٍ أَمْ هُمُ الْخَالِقُونَ [‘ Sila ba ay nilalang mula sa wala, o sila mismo ang naglilikha?’] (Qur’an: At-Tur: 35).2.     At naninigurado sa paniniwala sa Rubbubiyyah (Pagka-Panginoon) ng Allah: Na siya’ng pagtatangi kay Allah na Siya lamang ang nakakagawa sa Kanyang mga gawa, tulad ng paglikha, at pagbigay-biyaya, at pagpataw ng kahatulan, at pagbigay-buhay, at pagbawi ng buhay, tulad ng sinabi ni Allah: رَّبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا فَاعْبُدْهُ وَاصْطَبِرْ لِعِبَادَتِهِ هَلْ تَعْلَمُ لَهُ سَمِيًّا [Rabb (Panginoon: Naglikha,Naghahari, Nangangasiwa) ng mga langit at lupa at mga nasa pagitan ng dalawang ito, kung kaya’t sambahin mo Siya at panatilihing matiyaga ka sa pagsamba sa Kanya, ikaw ba’y may nalalamang maihahalintulad sa Kanya?’] (Qur’an: Maryam: 65).3.     At naninigurado sa paniniwala sa Al-Asmaa’ wa As-Sifaat (mga Pangalan at mga Katangian) ni Allah: Na siya’ng positibong pagtugon sa ipinabatid ni Allah patungkol sa Kanyang sarili, o ipinabatid ng Sugo Niya salla-llahu ‘alayhi wa sallam patungkol sa Kanya, na Kanyang mga Pangalan at Katangian, na hindi iniiba ang anumang naipahayag at kahulugan, at hindi pinapawalang-bisa, at hindi inilalarawan, at hindi ikinukumpara, bagkus naniniwala na si Allah sub-hanahu ay: لَيْسَ كَمِثْلِهِ شَيْءٌ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ [‘ Walang katulad at walang maihahambing sa Kanya kahit sinuman o anumang bagay, at Siya ay As-Samee’ (ang Ganap na Nakakarinig) at Al-Baseer (ang Ganap na Nakakakita)] (Qur’an: As-Shura:11).4.     At naninigurado sa paniniwala sa Uluw-hiya (Pagka-Diyos) ng Allah: At siya’ng pagtatangi kay Allah na Siya lamang ang sambahin. At siya’ng layunin ng paglikha, tulad ng sabi ni Allah: وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ [‘ Hindi Ko nilalang ang mga Jinn at mga tao liban sa layuning sumamba sila sa Akin’] (Qur’an: Ad-Dhariyat: 56). Ang siya’ng Pundasyon sa panawagan ng mga Sugo, tulad ng sinabi ng Allah: وَمَا أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ مِن رَّسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ [‘ At hindi namin pinadala ang mga Sugong nauna sa iyo liban nalang na ipinahayag sa kanila ang katotohanan na walang sasambahin liban na lamang sa Akin, kung kaya’t sambahin ninyo Ako’] (Qur’an: Al-Anbiya’: 25), at sinabi ng Allah: وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَّسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ [‘ At tunay na sa lahat na mga lipunan ay may inilabas na mga Sugo upang sambahin lamang si Allah at layuan ang mga diyus-diyosan’] (Qur’an: An-Nahl: 36)5.     At ang Tawhiid o pagtatangi kay Allah ang siyang pinaka-pangunahing obligasyon, at pinaka-huling obligasyon na kailangan sa pamamagitan nito papanaw ang tao mula sa mundo.6.     At isinasapuso na ang kahulugan ng la ilaha illa-llah (walang sasambahin liban kay Allah) ay : Walang sinasambang karapatdapat sambahin liban na lamang sa Allah.7.     At ang paglihis ng alinmang pagsamba tungo sa maliban sa Allah ay Shirk (Pagtatambal sa Allah). At tunay na nagbabala ang Allah at ang Kanyang Sugo salla-llahu ‘alayhi wa sallam mula dito sa lahat ng kaparaanang maipataring ang pagpabatid nito.  Kabanata 4: Ang Paniniwala sa mga Anghel1.   At naninigurado sa paniniwala na nariyan ang mga kagalang-galang na mga anghel.2.   At ang mga nailahad sa Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah na mga pangalan nila.3.   At mga nai-atas na gawain nila.4.   At mga katangian nila. Kabanata 5: Ang Paniniwala sa mga Salita ni Allah1.   At naninigurado ng paniniwala sa lahat na mga Salita ni Allah na Kanyang ipinahayag. At ang Qur’an ang siya’ng pinakaselyo ng mga ito, at sa mga ito ay siya’ng pinakahuling kautusang tinatalima.2.   At naninigurado ng paniniwala sa bawat detalye ng Salita na ipinahayag sa lipunan na ito – ang Dakilang Qur’an: At ang bawat pangungusap kasama ang taglay na kahulugan nito ay salita mismo ng Allah at hindi nilikha. Ipinababa kay Muhammad salla-llahu ‘alayhi wa sallam. At ang pagbigkas ng mga talata nito ay uri ng pagsamba. Mula dito nagsimula at tungo dito magbabalik.3.   At naninigurado sa paniniwala na magkaisa at magkasundo sa tawhiid (pagtatangi kay Allah) at sa mga pamantayan ng kautusan at alituntunin. At maaaring magkasalungat sa mga sangay ng mga detalye ng kapamaraanan. Kabanata 6: Ang Paniniwala sa mga Sugo1.   At naninigurado ng paniniwala sa lahat ng mga Propeta ng Allah at sa Kanyang mga Sugo. At sa mga isinuporta - sa kanila na mga patunay at palatandaan.2.   At naninigurado ng paniniwala sa bawat detalye na si Muhammad salla-llahu ‘alayhi wa sallam ay selyo ng mga Propeta’t Sugo. At na ang kanyang dalang mensahe ay pangkalahatan para sa lahat na At-Thaqilayni (para sa lahat ng mga tao at mga jinn), sa lahat ng kapanahunan, at sa lahat na kalupaan.3.   At isinasapuso ang kahulugan ng pahayag na Muhammad Rasuulu-LLAH (na si Muhammad ay Sugo ng Allah): ay Pagtalima sa kanyang mga ipinag-uutos, at pagsang-ayon sa kanyang mga ipinabatid, at ang hindi magsagawa ng alinmang gawaing pagsamba sa Allah liban nalang na ito ay alinsunod sa kanyang mga alituntunin at kautusan salla-llahu ‘alayhi wa sallam. Kabanata 7 : Ang Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom1.   At naninigurado ng paniniwala sa Huling Araw, at kabilang dito ang mga magaganap pagkatapos ng kamatayan.2.   At sa pasusulit sa libingan, kung kaya’t sasabihin sa tao: Sino ang iyong Rabb (Panginoon)? Ano ang iyong Deen (relihiyon at kaparaanan ng pamamahala ng buhay)? Sino ang iyong Propeta?3.   At pagkatapos ng pasusulit na ito ay maaaring makamit ang gantimpala o maaring matikman ang kaparusahan, hanggang sa magaganap ang malaking kaganapan ng Pagsisitayuan.4.   At sa mga palatandaan ng Huling Oras.5.   At sa Pagbangon pagkatapos na mamatay, na magsisitayuan ang mga tao mula sa kani-kanilang libingan at haharap sa Panginoon ng mga sanlibutan, na nakayapak ang mga paa, walang mga damit, at hindi tuli. At bababa sa kanila ang araw, at mapupuno sila ng kanilang mga pawis.6.   At sa Muling-Pagkabuhay.7.   At sa Al-Hawdh (malaking imbakan ng tubig) ng Propeta salaa-llahu ‘alayhi wa sallam.8.   At sa Al-Hisaab (Katanungan) at Al-Mizaan (Timbangan) at ang As-Siraat (pagsubok na daanang tatahakin).9.   At ang An-Naar (impyerno ng kaparusahan apoy).10. At ang Al-Jannah (hardin sa kabilang-buhay). At unang magbubukas ang pintuan ng Jannah para kay Muhammad salla-llahu ‘alayhi wa sallam, at ang unang lipunan na papasok sa Jannah ay ang kanyang lipunan.11. At na masisilayan ng mga Mu’minun (mga nagtaglay ng tunay na paniniwala) ang kanilang Panginoong Allah, makikita nila sa kanila mismong mga mata, sa Araw ng Pagsisitayuan, at sa Jannah.12. At sa Shafa’ah (Pamamagitan). At kabilang dito ay ang pamamagitan niya (Muhammad) salla-llahu ‘alayhi wa sallam sa mga taong nasa pagsisitayo hanggang sa sila’y mahusgahan. At ito ang Al-Maqam Ul-Mahmoud (Ang katayuang kapuri-puri). At kabilang dito ay ang pamamagitan niya salla-llahu ‘alayhi wa sallam at ng iba pa para sa mga may paniniwalang karapat-dapat makasubok ng kaparusahan sa impyernong apoy na huwag nang maipasok dito, at sa mga nakapasok na, na sila’y palabasin. At maglalabas ang Allah mula sa impyernong apoy ng mga taong may paniniwala, inilalabas sila na hindi na idinadaan ng tagapamagitan kundi mula sa purong pabor ng Allah at Kanyang habag. Kabanata 8 : Ang Paniniwala sa Al-Qadr (Kahihinatnan)1.     At naninigurado ng paniniwala sa Al-Qadr (Kahihinatnan), kainaman nito at hindi kainaman.2.     At ito ay ang Ganap na Kaalaman ng Allah na sumasaklaw sa lahat ng mga nakatalagang sukat ng nasa sangkalikasan.3.     At Pagsulat Niya sa mga ito sa Al-Lawhi El-Mahfudh, tulad ng sinabi ni Allah: 4.     أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَابٍ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ [‘ Hindi mo ba batid na alam ng Allah ang lahat na nasa langit at lupa? Tunay na ito ay nasa aklat naisulat, tunay na ito para sa Allah ay napakadali’] (Qur’an: Al-Hajj: 70).5.     At Kanyang Ganap na Pagnanais na saklaw ang lahat-lahat na bagay kahit ang pagnanais ng kanyang mga alipin, tulad ng sinabi ng Allah:  لِمَن شَاءَ مِنكُمْ أَن يَسْتَقِيمَ وَمَا تَشَاءُونَ إِلَّا أَن يَشَاءَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ [‘ Para sa sinuman sa inyo na nais magpakatuwid sa katotohanan at tamang paniniwala, at hindi ninyo ito nanaisin liban nalang kung nanaisin ng Panginoon ng mga Sanlibutan’] (Qur’an: Al-Takwir: 28-29).6.     At Paglalang Niya sa lahat ng bagay kahit ang mga ginawa ng Kanyang mga alipin, tulad ng Kanyang sinabi: 7.     وَاللَّهُ خَلَقَكُمْ وَمَا تَعْمَلُونَ 8.     [‘ At ang Allah ang Naglikha sa inyo at sa inyong mga ginagawa’] (Qur’an: Al-Saffaat: 96).9.     At ang mga alipin ay ganap na gumagawa, at ang Allah ang Lumikha sa kanilang pagsagawa.10.  At ang Ahlu Us-Sunnah ay nagdadahilan ng Al-Qadr (Nakatalagang Kahihinatnan) sa mga trahedya’t pagsubok at hindi sa mga nagawang kamalian.11.  At ang paggawad ng kapahintulutan o pagkabigo ay mula sa Allah. At ang dalawang ito ay may kadahilanan: Kung kaya’t ang paggabay ni Allah ay mula sa kanyang pabor, at ang hindi paggabay ay mula sa Kanyang katarungan. Tulad ng sinabi ng Allah: 12.  إِنَّ سَعْيَكُمْ لَشَتَّىٰ فَأَمَّا مَنْ أَعْطَىٰ وَاتَّقَىٰ وَصَدَّقَ بِالْحُسْنَىٰ فَسَنُيَسِّرُهُ لِلْيُسْرَىٰ وَأَمَّا مَن بَخِلَ وَاسْتَغْنَىٰ وَكَذَّبَ بِالْحُسْنَىٰ فَسَنُيَسِّرُهُ لِلْعُسْرَىٰ 13.  [‘ Tunay na ang inyong pagpupunyagi at gawa ay magkakaiba, subalit ang sinumang gumasta sa kawang-gawa at nagtaglay ng tunay at wastong takot sa Kanya at naniniwala sa Paghuhukom at gantimpala sa kanyang mga gawain, walang pag-aalinlangang gagabayan Namin siya na maging madali sa kanya ang Kaginhawaan. At sino man ang nagmaramot at hindi naniwala sa Paghuhukom at Pagbigay-gantimpala, walang pag-aalinlangang gagawin Naming madali para sa kanya ang daan patungo sa pagiging sawi.’] (Qur’an: Al-Layl: 4-10). Kabanata 9 : Mga kaakibat ng Paniniwala1.     At isinasapuso nila ang kahulugan ng sinabi ng Propeta salla-llahu ‘alayhi wa sallam: 2.     خير الناس قرني ثم الذين يلونهم ثم الذين يلونهم 3.     [‘ Ang pinakamainam na mga tao ay ang aking henerasyon, at pagkatapos ay ang susunod sa kanila na henerasyon, at pagkatapos ay ang susunod na henerasyon’.] (1).4.     At kabilang sa pamantayan ng Ahlu Us-Sunnah ay ang hindi makapinsalang mga puso’t pananalita hinggil sa mga kasamahan ng Sugo salla-llahu ‘alayhi wa sallam. At tinatanggap ang anumang ipinabatid ng Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah at Eijma’ patungkol sa kanila na kanilang mga kabutihan at kanilang mga antas.5.     At kumikilala sa kabutihan ng mga Al-Khulafa’ Ur-Rashidin (Mga ginabayang kahalili sa pamumuno). At na ang pagkakasunod-sunod nila sa pagiging kahalili sa pamumuno ay: Si Abu Bakr, at pagkatapos ay si ‘Umar , at pagkatapos ay si ‘Uthman, at pagkatapos ay si ‘Ali radiya-llahu ‘anhum ‘ajma’iin.6.     At nagmamahal sa mga nasa pamamahay ng Sugo ni Allah salla-llahu ‘alayhi wa sallam na kanyang mga kapamilya, at nagsaalang-alang ng kanilang ikabubuti.7.     At nagsaalang-alang ng ikabubuti ng mga asawa ng Sugo ni Allah salla-llahu ‘alayhi wa sallam, mga ina ng mga mananampalataya. At naninigurado sa paniniwala na sila ay mga asawa niya rin sa kabilang-buhay.8.     At pinaghahawakan nila ang katayuan na kung anuman ang hinggil sa pagkakasalungat ng mga Sahabah (mga kasamahan ng Sugo) ay hindi kinakailangan. At sinasabi nila na itong mga naisalaysay hinggil dito ay paninira sa kanila: meron sa mga ito ay kasinungalingan, at meron naman may mga karagdagan, at kulang, at mga iniba ang hitsura. At sa mga awtentik na naisalaysay sila ay may paumanhin: maaaring sila ay nagsikap sa kakayahan ng pag-unawa at naging tama, o kaya’y nagsikap gamit ang lahat na kakayahan sa pag-unawa at nagkamali. At hindi nila pinaniniwalaan na ang bawat Sahabah ay hindi nagkakasala ng mga malalaki at maliliit na kasalanan, bagkus maaari silang magkamali. At sinuman ang magsuri sa kanilang mga talambuhay nang may kaalaman at katarungan at kapaliwanagan, at sa anumang iginawad sa kanila ng Allah na mga kagalingan, ay kanyang matiyak na sila’y mga pinakamahusay na nilalang kasunod sa mga propeta, walang naging – at walang magiging katulad sa kanila. At sila ang piling pinakamabuti sa lahat ng henerasyon sa lipunang ito, na siya’ng pinakamainam na henerasyon at pinaka may parangal sa Allah.____________(1) Inulat ni Al-Bukhari, bilang 2652. At ni Muslim, bilang 2533.9.     At kabilang sa panuntunan na isinasapuso ng Al-Ahlu Us-Sunnah: Ang pagpapatotoo sa Al-Karamat (o mga milagrosong pangyayari na tulong ng Allah) na nagaganap sa mga Awliya’ ng Allah (o piling mga tagapagsambang may antas na pagkamatakutin sa Allah) mga tunay na maka-Diyos, at kung anuman ang ipinangyari ng Allah sa kanilang pakana na mga naganap na higit sa nakasanayang-normal, at ito ay nangyayari hanggang sa Huling Araw. Samantalang ang mga paranormal na buhat sa mga hindi matatakutin ay nagmula sa kademonyuhan.10.  At naninigurado ng paniniwala sa katotohanang may mga Jinn.11.  At nag-uutos ng kabutihan at pumipigil ng kasamaan alinsunod sa kung ano ang kinakailangan ayon sa As-Shari’ah (mga alintuntunin at kautusan).12.  At tumatalima sa pangangaral at pagbibigay-payo sa lipunan. At nagpapaanyaya tungo sa magagandang-asal, at mga kahusayan sa pagsasagawa, at nag-uutos ng mga ikauunlad, at nagbabawal ng mga walang kabuluhan.13.  At pinakikitunguhan nila ang nakagawa ng kamalian na mailalapat sa nararapat na kalalagyan, ito man ay kabilang sa Ahlu Us-Sunnah (tumatalima sa Sunnah) o kaya’y Ahlu Ul-Qiblah (sinumang humaharap sa Qiblah tuwing sumasamba) o kaya’y mga hindi muslim. At batid nila ang hustisya, at mahabagin sila sa mga nilalang.14.  At tumitingin sa pakikinig at pagsunod sa pinuno ng mga muslim sa pagsunod sa Allah. At ang pagsagawa ng Al-Hajj at Al-Jihaad at Al-Jumu’ah (ang pagdarasal sa araw ng Jumu’ah) at ang mga pagdiriwang ng ‘Eid kasama ang pinuno ng mga muslim, mabuting-tao man o masama.15.  At nag-uutos sa pagkakaisa sa katotohanan at ang hindi magkawatak-watak dito, tulad ng sinabi ng Allah: وَاعْتَصِمُوا بِحَبْلِ اللَّهِ جَمِيعًا وَلَا تَفَرَّقُوا وَاذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ كُنتُمْ أَعْدَاءً فَأَلَّفَ بَيْنَ قُلُوبِكُمْ فَأَصْبَحْتُم بِنِعْمَتِهِ إِخْوَانًا وَكُنتُمْ عَلَىٰ شَفَا حُفْرَةٍ مِّنَ النَّارِ فَأَنقَذَكُم مِّنْهَا كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ 16.  [‘ At panghawakan ninyo ng mahigpit ang kaugnayan ninyo sa Allah, na magkakasama-sama at ingatang huwag magkakahiwa-hiwalay, at alalahanin ninyo ang mga biyaya ng Allah sa inyo, noong kayo ay nagkakalaban-laban at pinag-isa ni Allah ang inyong mga puso, kung kaya’t sa pamamagitan ng biyaya ni Allah kayo’y naging magkapatiran. At noong kayo ay nasa bingit na ng kaparusahan sa apoy ay iniligtas kayo ni Allah. At ganoon din ipinaliwanag ng Allah sa inyo ang Kanyang mga palatandaan upang kayo ay mapatnubayan.’] (Qur’an: Ale-Imraan: 103)17.  At sila ang pangkat na mananatili sa kapahintulutan ni Allah, mga tinutukoy ng Propeta salla-llahu ‘alayhi wa sallam sa kanyang sinabi: 18.  لا تزال طائفة من أمتي قائمة بأمر الله لا يضرهم من خذلهم أو خالفهم حتى يأتي أمر الله وهم ظاهرون على الناس[‘ Hindi mawawala na may pangkat ng aking lipunan na mananatiling matatag sa kaugnayan sa Allah, hindi sila mapipinsala ng mga nagpapabagsak sa kanila o mga kumokontra sa kanila hanggang sa darating ang huling araw sila’y mananatiling hayag sa mga tao.’] (1). At sa ibang salaysay:لا تزال طائفة من أمتي يقاتلون على الحق ظاهرين إلى يوم القيامة [‘ Hindi mawawala na may pangkat sa aking lipunan na mananatili, nakikipag-punyaging nasa katotohanan, at mananatiling hayag hanggang sa Araw ng Paghuhukom.’] (2).19.  At sila ay masaya sa pabor ng Allah at Kanyang habag, tulad ng sabi ng Allah: 20.  قُلْ بِفَضْلِ اللَّهِ وَبِرَحْمَتِهِ فَبِذَٰلِكَ فَلْيَفْرَحُوا هُوَ خَيْرٌ مِّمَّا يَجْمَعُونَ 21.  [‘ At sabihin mo: “Sa Pabor ng Allah at sa Kanyang habag, at dahil dito kayo ay nangagalak”. Ito ay higit na mabuti pa sa kung anuman ang nalikom nilang hanggang sa mundo lamang.’] (Qur’an: Yunus: 58).22.  نسأل الله أن يجعلنا منهم Pinapanalangin natin sa Allah na maibilang tayo sa kanila. وأن لا يزيغ قلوبنا بعد إذ هدانا وأن يهب لنا من لدنه رحمة إنه هو الوهاب 23.  At na huwag ilihis ang ating mga puso pagkatapos na tayo’y magabayan. At ang ipagkaloob sa atin ang habag na mula sa Kanya, tunay na Siya ang Al-Wahhab – Lubos na Tagapagbigay-Biyaya.24.  والله أعلم At ang Allah ang higit na mas nakakaalam.25.  وصلى الله على محمد وآله وصحبه وسلم تسليما كثيرا Ang Panalangin at Pagpapala ay maihatid kay Muhammad at sa kanyang pamilya at kasamahan, at maihatid ang Kapayapaang Sukdulan. ___________________(1)   Iniulat ni Al-Bukhari, bilang 3641. At ni Muslim, bilang 1037, at ito mismo ang pagkasabi.(2)   Iniulat ni Muslim, bilang 247.