البحث

عبارات مقترحة:

الظاهر

هو اسمُ فاعل من (الظهور)، وهو اسمٌ ذاتي من أسماء الربِّ تبارك...

المؤمن

كلمة (المؤمن) في اللغة اسم فاعل من الفعل (آمَنَ) الذي بمعنى...

الودود

كلمة (الودود) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعول) من الودّ وهو...

سورة النساء - الآية 19 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا يَحِلُّ لَكُمْ أَنْ تَرِثُوا النِّسَاءَ كَرْهًا ۖ وَلَا تَعْضُلُوهُنَّ لِتَذْهَبُوا بِبَعْضِ مَا آتَيْتُمُوهُنَّ إِلَّا أَنْ يَأْتِينَ بِفَاحِشَةٍ مُبَيِّنَةٍ ۚ وَعَاشِرُوهُنَّ بِالْمَعْرُوفِ ۚ فَإِنْ كَرِهْتُمُوهُنَّ فَعَسَىٰ أَنْ تَكْرَهُوا شَيْئًا وَيَجْعَلَ اللَّهُ فِيهِ خَيْرًا كَثِيرًا﴾

التفسير

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, hindi pinapayagan para sa inyo na magmana kayo ng mga maybahay ng mga ama ninyo, gaya ng pagmamana ng ari-arian, at magsagawa kayo sa kanila ng kasal sa kanila o ng pagpapakasal sa kanila sa sinumang niloloob ninyo o ng pagpigil sa kanila sa pagpapakasal. Hindi pinapayagan para sa inyo ang pagpapanatili sa mga maybahay ninyo na kinasusuklaman ninyo para maminsala sa kanila upang magpaubaya sila sa inyo ng ilan sa ibinigay ninyo sa kanila na bigay-kaya at iba pa, maliban na gumawa sila ng isang mahalay na maliwanag gaya ng pangangalunya sapagkat kapag gumawa sila niyon ay pinapayagan para sa inyo ang pagpapanatili sa kanila at ang paggipit sa kanila hanggang sa tubusin nila ang mga sarili nila mula sa inyo sa pamamagitan ng ibinigay ninyo sa kanila. Makisama kayo sa mga maybahay ninyo nang kaaya-ayang pakikisama sa pamamagitan ng pagpipigil sa pananakit at pagkakaloob ng kagandahang-loob. Kung nasuklam kayo sa kanila dahil sa makamundong bagay ay pagtiisan ninyo sila sapagkat harinawa si Allāh ay maglalagay sa kinasusuklaman ninyo ng maraming kabutihan sa buhay sa Mundo at Kabilang-buhay.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم