البحث

عبارات مقترحة:

الشاكر

كلمة (شاكر) في اللغة اسم فاعل من الشُّكر، وهو الثناء، ويأتي...

الظاهر

هو اسمُ فاعل من (الظهور)، وهو اسمٌ ذاتي من أسماء الربِّ تبارك...

سورة النساء - الآية 176 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿يَسْتَفْتُونَكَ قُلِ اللَّهُ يُفْتِيكُمْ فِي الْكَلَالَةِ ۚ إِنِ امْرُؤٌ هَلَكَ لَيْسَ لَهُ وَلَدٌ وَلَهُ أُخْتٌ فَلَهَا نِصْفُ مَا تَرَكَ ۚ وَهُوَ يَرِثُهَا إِنْ لَمْ يَكُنْ لَهَا وَلَدٌ ۚ فَإِنْ كَانَتَا اثْنَتَيْنِ فَلَهُمَا الثُّلُثَانِ مِمَّا تَرَكَ ۚ وَإِنْ كَانُوا إِخْوَةً رِجَالًا وَنِسَاءً فَلِلذَّكَرِ مِثْلُ حَظِّ الْأُنْثَيَيْنِ ۗ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ أَنْ تَضِلُّوا ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ﴾

التفسير

Humihiling sila sa iyo, o Sugo, na magtagubilin ka sa kanila sa pumapatungkol sa pagpapamana ng kalālah. Ang kalālah ay ang sinumang namatay at hindi nag-iwan ng isang magulang ni isang anak. Sabihin mo: "Si Allāh ay naglilinaw sa kahatulan sa pumapatungkol dito." Kung may namatay na isang taong walang ama at walang anak ngunit mayroon siyang isang babaing kapatid sa mga magulang o isang babaing kapatid sa ama niya, ukol dito ang kalahati ng naiwan niya na ari-arian bilang isang isinatungkuling pamana samantalang ang lalaking kapatid niya sa mga magulang o sa ama ay magmamana ng naiwan niya na ari-arian bilang isang ta`ṣīb (pagmamana ng tira) kung walang kasama iyon na isang inuukulan ng isinatungkuling paman, ngunit kung may kasama iyon na inuukulan ng isinatungkuling pamana ay mamanahin nito ang natira matapos niyon. Kung dumami ang mga babaing kapatid sa mga magulang o sa ama - sila ay dalawa o higit pa - magmamana ang dalawa o magmamana ang higit sa dalawa ng dalawang katlo (2/3) bilang isang isinatungkuling pamana. Kung ang magkakapatid sa mga magulang o sa ama ay may mga lalaki at mga babae, magmamana sila sa pamamagitan ng ta`ṣīb (pagmamana ng tira) alinsunod sa patakarang "ukol sa lalaki ang tulad sa parte ng dalawang babae" sa pamamagitan ng pagdodoble sa bahagi ng lalaki kabilang sa kanila kaysa sa bahagi ng babae. Naglilinaw si Allāh sa inyo ng patakaran sa kalālah at iba pang mga patakaran sa pagpapamana nang hindi kayo maligaw sa usapin nito. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم