البحث

عبارات مقترحة:

الشافي

كلمة (الشافي) في اللغة اسم فاعل من الشفاء، وهو البرء من السقم،...

المعطي

كلمة (المعطي) في اللغة اسم فاعل من الإعطاء، الذي ينوّل غيره...

الإله

(الإله) اسمٌ من أسماء الله تعالى؛ يعني استحقاقَه جل وعلا...

سورة المائدة - الآية 3 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿حُرِّمَتْ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةُ وَالدَّمُ وَلَحْمُ الْخِنْزِيرِ وَمَا أُهِلَّ لِغَيْرِ اللَّهِ بِهِ وَالْمُنْخَنِقَةُ وَالْمَوْقُوذَةُ وَالْمُتَرَدِّيَةُ وَالنَّطِيحَةُ وَمَا أَكَلَ السَّبُعُ إِلَّا مَا ذَكَّيْتُمْ وَمَا ذُبِحَ عَلَى النُّصُبِ وَأَنْ تَسْتَقْسِمُوا بِالْأَزْلَامِ ۚ ذَٰلِكُمْ فِسْقٌ ۗ الْيَوْمَ يَئِسَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ دِينِكُمْ فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَاخْشَوْنِ ۚ الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا ۚ فَمَنِ اضْطُرَّ فِي مَخْمَصَةٍ غَيْرَ مُتَجَانِفٍ لِإِثْمٍ ۙ فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ﴾

التفسير

Nagbawal si Allāh sa inyo ng anumang namatay na hayop nang walang pagkatay. Nagbawal Siya ng dugong nabubo, laman ng baboy, anumang binanggit dito ang pangalang iba sa pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkatay, namatay dahil sa sakal, namatay dahil sa palo, nahulog mula sa isang mataas na lugar, namatay dahil sa pagsuwag ng ibang hayop, at anumang sinila ng mabangis na hayop tulad ng leyon, tigre, at lobo maliban sa naabutan ninyong buhay pa mula sa mga nabanggit at nakatay ninyo sapagkat ito ay ipinahihintulot sa inyo. Nagbawal Siya sa inyo ng anumang inialay sa mga diyus-diyusan. Nagbawal Siya sa inyo na hanapin ang itinakda para sa inyo kabilang sa nakalingid sa pamamagitan ng pagpapasya gamit ang tagdan: isang bato o isang palasong nasusulatan ng "gawin mo" o "huwag mong gawin," para magsagawa ng anumang lumabas mula sa mga ito. Ang paggawa ng mga ipinagbabawal na nabanggit na iyon ay paglabas sa pagtalima kay Allāh. Sa araw na ito ay nawalan ang mga tumangging sumampalataya ng pag-asa sa pagtalikod ninyo sa Relihiyong Islām dahil sa nakita nila na lakas nito. Kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin - tanging sa Akin. Sa araw na ito lumubos Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, ang Islām, bumuo Ako sa inyo ng pagpapala Kong nakalitaw at nakakubli, at pumili Ako para sa inyo ng Islām bilang relihiyon kaya hindi Ako tatanggap ng isang relihiyong iba pa rito. Ngunit ang sinumang nangailangan, dahilan sa isang kagutuman, sa pagkain ng patay nang hindi nahihilig sa kasalanan, walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم