البحث

عبارات مقترحة:

المحسن

كلمة (المحسن) في اللغة اسم فاعل من الإحسان، وهو إما بمعنى إحسان...

الحليم

كلمةُ (الحليم) في اللغة صفةٌ مشبَّهة على وزن (فعيل) بمعنى (فاعل)؛...

العلي

كلمة العليّ في اللغة هي صفة مشبهة من العلوّ، والصفة المشبهة تدل...

سورة المائدة - الآية 12 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿۞ وَلَقَدْ أَخَذَ اللَّهُ مِيثَاقَ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَبَعَثْنَا مِنْهُمُ اثْنَيْ عَشَرَ نَقِيبًا ۖ وَقَالَ اللَّهُ إِنِّي مَعَكُمْ ۖ لَئِنْ أَقَمْتُمُ الصَّلَاةَ وَآتَيْتُمُ الزَّكَاةَ وَآمَنْتُمْ بِرُسُلِي وَعَزَّرْتُمُوهُمْ وَأَقْرَضْتُمُ اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا لَأُكَفِّرَنَّ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَلَأُدْخِلَنَّكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۚ فَمَنْ كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ مِنْكُمْ فَقَدْ ضَلَّ سَوَاءَ السَّبِيلِ﴾

التفسير

Talaga ngang tumanggap si Allāh ng tipang binigyang-diin sa mga anak ni Israel sa darating na pagbanggit nito mamaya. Nagtalaga Siya sa kanila ng labindalawang pangulo, na ang bawat pangulo ay magiging isang tagapagmasid sa sinumang nasa ilalim niya. Nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Tunay na Ako ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya at pag-aayuda kapag nagsagawa kayo ng pagdarasal sa paraang pinakalubos, nagbigay kayo ng zakāh ng mga ari-arian ninyo, naniwala kayo sa mga sugo Ko sa kalahatan nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, gumalang kayo sa kanila, nag-adya kayo sa kanila, at gumugol kayo sa mga uri ng kabutihan. Kaya kapag nagsagawa kayo niyon sa kabuuan niyon, talagang magtatakip-sala nga Ako sa inyo sa mga masagwang gawa na nagawa ninyo at talagang magpapapasok nga Ako sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng pagtanggap sa tipang pinagtibay na ito ay lumigoy nga siya sa daan ng katotohanan nang nakaaalam at nananadya."

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم