البحث

عبارات مقترحة:

الإله

(الإله) اسمٌ من أسماء الله تعالى؛ يعني استحقاقَه جل وعلا...

الولي

كلمة (الولي) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) من الفعل (وَلِيَ)،...

سورة المائدة - الآية 32 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿مِنْ أَجْلِ ذَٰلِكَ كَتَبْنَا عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَنَّهُ مَنْ قَتَلَ نَفْسًا بِغَيْرِ نَفْسٍ أَوْ فَسَادٍ فِي الْأَرْضِ فَكَأَنَّمَا قَتَلَ النَّاسَ جَمِيعًا وَمَنْ أَحْيَاهَا فَكَأَنَّمَا أَحْيَا النَّاسَ جَمِيعًا ۚ وَلَقَدْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا بِالْبَيِّنَاتِ ثُمَّ إِنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ بَعْدَ ذَٰلِكَ فِي الْأَرْضِ لَمُسْرِفُونَ﴾

التفسير

Dahil sa pagpatay ni Cain sa kapatid niya, ipinaalam ni Allāh sa mga anak ni Israel na ang sinumang pumatay ng isang tao nang hindi dahilan sa ganting kaparusahan o pagtitiwali sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya o pakikidigma ay para bang pinatay niya ang mga tao sa kalahatan dahil walang pagkakaiba sa ganang kanya sa pagitan ng inosente at may-sala. Ang sinumang nagpigil sa pagpatay ng isang taong ipinagbawal ni Allāh [ang pagpatay rito] - pagkataas-taas Siya - habang naniniwala sa pagkabawal ng pagpatay rito at hindi niya pinatay ay para bang binuhay niya ang mga tao sa kalahatan dahil ang ginawa niya ay nagdudulot ng kaligtasan sa kanila sa kalahatan. Talaga ngang dumating ang mga sugo ni Allāh sa mga anak ni Israel kalakip ng mga maliwanag na katwiran at mga hayag na patunay. Sa kabila nito, tunay na ang marami sa kanila ay mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng pagkagawa ng mga pagsuway at pagsalungat sa mga sugo nila.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم