البحث

عبارات مقترحة:

القدير

كلمة (القدير) في اللغة صيغة مبالغة من القدرة، أو من التقدير،...

الرحمن

هذا تعريف باسم الله (الرحمن)، وفيه معناه في اللغة والاصطلاح،...

سورة المائدة - الآية 89 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿لَا يُؤَاخِذُكُمُ اللَّهُ بِاللَّغْوِ فِي أَيْمَانِكُمْ وَلَٰكِنْ يُؤَاخِذُكُمْ بِمَا عَقَّدْتُمُ الْأَيْمَانَ ۖ فَكَفَّارَتُهُ إِطْعَامُ عَشَرَةِ مَسَاكِينَ مِنْ أَوْسَطِ مَا تُطْعِمُونَ أَهْلِيكُمْ أَوْ كِسْوَتُهُمْ أَوْ تَحْرِيرُ رَقَبَةٍ ۖ فَمَنْ لَمْ يَجِدْ فَصِيَامُ ثَلَاثَةِ أَيَّامٍ ۚ ذَٰلِكَ كَفَّارَةُ أَيْمَانِكُمْ إِذَا حَلَفْتُمْ ۚ وَاحْفَظُوا أَيْمَانَكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ﴾

التفسير

Hindi kayo tutuusin ni Allāh, O mga mananampalataya, sa nangyayari sa mga dila ninyo na panunumpa nang hindi sadyaan. Pananagutin Niya lamang kayo sa pinagpasyahan ninyo, ibinigkis ninyo sa mga puso, at sinira ninyo. Kaya pinapawi sa inyo ang kasalanan ng pinagpasyahan ninyong mga panunumpa at binigkas ninyo, kapag sumira kayo, sa pamamagitan ng isa sa tatlong bagay ayon sa mapagpipilian. Ang mga ito ay ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa pagkain ng mga naninirahan sa bayan ninyo: para sa bawat dukha ay kalahating Sā`, o ang pagpapadamit sa kanila ng anumang itinuturing sa kaugalian bilang isang damit, o ang pagpapalaya sa isang aliping mananampalataya, ngunit kapag hindi nakatagpo ang nagtatakip-sala sa panunumpa niya ng isa sa tatlong bagay na ito, magtatakip-sala siya rito sa pamamagitan ng pag-aayuno ng tatlong araw. Ang nabanggit na iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo, O mga mananampalataya, kapag nanumpa kayo kay Allāh at sumira kayo [nito]. Pangalagaan ninyo ang mga panunumpa ninyo laban sa pagsumpa kay Allāh nang pasinungaling, laban sa kadalasan ng panunumpa kay Allāh, at laban sa kawalan ng pagtupad sa panunumpa hanggat ang kawalan ng pagtupad ay hindi mabuti. Gumawa kayo ng kabutihan at magtakip-sala kayo sa mga panunumpa ninyo gaya ng nilinaw ni Allāh sa inyo na panakip-sala sa panunumpa. Nililinaw ni Allāh para sa inyo ang mga kahatulan Niyang naglilinaw sa ipinahihintulot at ipinagbabawal nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh dahil tinuruan Niya kayo ng dati'y hindi ninyo nalalaman.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم