البحث

عبارات مقترحة:

الودود

كلمة (الودود) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعول) من الودّ وهو...

الفتاح

كلمة (الفتّاح) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعّال) من الفعل...

المتعالي

كلمة المتعالي في اللغة اسم فاعل من الفعل (تعالى)، واسم الله...

سورة الأعراف - الآية 169 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿فَخَلَفَ مِنْ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ وَرِثُوا الْكِتَابَ يَأْخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا الْأَدْنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغْفَرُ لَنَا وَإِنْ يَأْتِهِمْ عَرَضٌ مِثْلُهُ يَأْخُذُوهُ ۚ أَلَمْ يُؤْخَذْ عَلَيْهِمْ مِيثَاقُ الْكِتَابِ أَنْ لَا يَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ وَدَرَسُوا مَا فِيهِ ۗ وَالدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ﴾

التفسير

Pagkatapos ay dumating matapos ng mga ito ang mga taong masama na humahalili sa mga ito. Kinuha nila ang Torah mula sa mga ninuno nila. Binibigkas nila ito ngunit hindi nila isinasagawa ang nilalaman nito. Kumukuha sila ng masamang pakinabang sa Mundo bilang panunuhol sa paglilihis nila sa kasulatan ni Allāh at paghatol sa hindi ayon sa ibinaba Niya rito. Pinagmimithi nila ang sarili nila na si Allāh ay magpapatawad sa kanila sa mga pagkakasala nila. Kapag may dumating sa kanilang isang makamundong pakinabang ay kinukuha nila ito nang paulit-ulit. Hindi ba gumawa si Allāh ng mga kasunduan at mga tipan sa mga ito na huwag silang magsabi tungkol kay Allāh kundi katotohanan nang walang paglilihis o pagpapalit? Ang pag-iwan nila sa pagsasagawa ayon sa kasulatan ay hindi dala ng kamangmangan, bagkus dala ng kaalaman sapagkat nabasa nila ang nilalaman nito at nalaman ito, kaya ang pagkakasala nila ay higit na matindi. Ang tahanang pangkabilang-buhay at ang anumang nasa tahanang pangkabilang-buhay na lugod ay namamalaging higit na mabuti kaysa sa naglalahong pakinabang na iyon para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Hindi ba nauunawaan nitong mga kumukuha ng katiting na pakinabang na ito na ang inihanda ni Allāh sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala ay higit na mabuti at higit na magtatagal?

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم