البحث

عبارات مقترحة:

العالم

كلمة (عالم) في اللغة اسم فاعل من الفعل (عَلِمَ يَعلَمُ) والعلم...

القريب

كلمة (قريب) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فاعل) من القرب، وهو خلاف...

الشافي

كلمة (الشافي) في اللغة اسم فاعل من الشفاء، وهو البرء من السقم،...

سورة الأعراف - الآية 189 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿۞ هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ وَجَعَلَ مِنْهَا زَوْجَهَا لِيَسْكُنَ إِلَيْهَا ۖ فَلَمَّا تَغَشَّاهَا حَمَلَتْ حَمْلًا خَفِيفًا فَمَرَّتْ بِهِ ۖ فَلَمَّا أَثْقَلَتْ دَعَوَا اللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنْ آتَيْتَنَا صَالِحًا لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ﴾

التفسير

Siya ay ang nagpairal sa inyo, O mga lalaki at mga babae, mula sa iisang kaluluwa, si Adan - sumakanya ang pangangalaga -, at lumikha mula kay Adan - sumakanya ang pangangalaga - ng maybahay nitong si Eva, at lumikha kay Eva mula sa tadyang nito upang makapalagayang-loob niya at mapanatag sa kanya. Kaya noong nilukuban ng asawa ang maybahay nito ay nagbuntis iyon ng isang magaang pagbubuntis na hindi nararamdaman niyon dahil ito ay sa simula nito. Nagpatuloy iyon sa pagbubuntis na ito habang nagtuluy-tuloy sa mga pangangailangan niyon nang hindi nakadarama ng kabigatan. Ngunit noong nabigatan na iyon dito nang lumaki ito sa tiyan, nanalangin ang mag-asawa sa Panginoon nilang dalawa habang mga nagsasabi: "Talagang kung bibigyan Mo kami, O Panginoon namin, ng isang anak na matuwid ang pagkalikha, na lubos dito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat sa mga biyaya Mo."

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم