البحث

عبارات مقترحة:

السلام

كلمة (السلام) في اللغة مصدر من الفعل (سَلِمَ يَسْلَمُ) وهي...

الرب

كلمة (الرب) في اللغة تعود إلى معنى التربية وهي الإنشاء...

المقيت

كلمة (المُقيت) في اللغة اسم فاعل من الفعل (أقاتَ) ومضارعه...

سورة التوبة - الآية 71 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَالْمُؤْمِنُونَ وَالْمُؤْمِنَاتُ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ يَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَيُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَيُطِيعُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ أُولَٰئِكَ سَيَرْحَمُهُمُ اللَّهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

التفسير

Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga tagaadya ng isa’t isa at mga tagatulong nila dahil sa pagbubuklod ng pananampalataya sa pagitan nila. Nag-uutos sila sa nakabubuti; ang bawat naiibigan ni Allāh - pagkataas-taas Niya - na mga uri ng pagtalima sa Kanya gaya ng Tawḥid at pagdarasal; sumasaway sila sa nakasasama, ang bawat kinasusuklaman ni Allāh - pagkataas-taas Niya - na mga pagsuway gaya ng kawalang-pananampalataya at pagpapatubo. Nagsasagawa sila ng pagdarasal nang lubusan, ayon sa pinakalubos na paraan. Tumatalima sila kay Allāh at tumatalima sila sa Sugo Niya. Yaong mga nagtataglay ng mga katangiang kapuri-puring ito ay papapasukin ni Allāh sa awa Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang dumadaig sa Kanya na isa man; Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم