البحث

عبارات مقترحة:

المتعالي

كلمة المتعالي في اللغة اسم فاعل من الفعل (تعالى)، واسم الله...

السيد

كلمة (السيد) في اللغة صيغة مبالغة من السيادة أو السُّؤْدَد،...

الحليم

كلمةُ (الحليم) في اللغة صفةٌ مشبَّهة على وزن (فعيل) بمعنى (فاعل)؛...

سورة التوبة - الآية 118 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَعَلَى الثَّلَاثَةِ الَّذِينَ خُلِّفُوا حَتَّىٰ إِذَا ضَاقَتْ عَلَيْهِمُ الْأَرْضُ بِمَا رَحُبَتْ وَضَاقَتْ عَلَيْهِمْ أَنْفُسُهُمْ وَظَنُّوا أَنْ لَا مَلْجَأَ مِنَ اللَّهِ إِلَّا إِلَيْهِ ثُمَّ تَابَ عَلَيْهِمْ لِيَتُوبُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ﴾

التفسير

Talaga ngang nagpatawad si Allāh sa tatlo. Sila ay sina , Ka`b bin Mālik,Murārah bin Ar-Rabī` at Hilāl bin Umayyah, na mga iniwanan sa pagbabalik-loob at ipinahuli ang pagtanggap sa pagbabalik-loob nila matapos ng pagpapaiwan nila sa paglisan kasama ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - papuntang Tabūk. Nag-utos ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa mga tao ng pag-iwas sa kanila. Dinapuan sila ng lungkot at lumbay dahil doon hanggang sa sumikip sa kanila ang lupa sa kabila ng luwang nito, sumikip ang mga dibdib nila dahil sa nangyari sa kanilang pangungulila, at nalaman nila na walang kanlungan para sa kanila na makakanlungan nila kundi kay Allāh - tanging sa Kanya. Naawa Siya sa kanila sa pamamagitan ng pagtutuon sa kanila sa pagbabalik-loob. Pagkatapos ay tinanggap Niya ang pagbabalik-loob nila. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagsisisi sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم