البحث

عبارات مقترحة:

العزيز

كلمة (عزيز) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعيل) وهو من العزّة،...

الآخر

(الآخِر) كلمة تدل على الترتيب، وهو اسمٌ من أسماء الله الحسنى،...

الحفيظ

الحفظُ في اللغة هو مراعاةُ الشيء، والاعتناءُ به، و(الحفيظ) اسمٌ...

سورة النّور - الآية 61 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿لَيْسَ عَلَى الْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْمَرِيضِ حَرَجٌ وَلَا عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ أَنْ تَأْكُلُوا مِنْ بُيُوتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ آبَائِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أُمَّهَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ إِخْوَانِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخَوَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَعْمَامِكُمْ أَوْ بُيُوتِ عَمَّاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخْوَالِكُمْ أَوْ بُيُوتِ خَالَاتِكُمْ أَوْ مَا مَلَكْتُمْ مَفَاتِحَهُ أَوْ صَدِيقِكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَأْكُلُوا جَمِيعًا أَوْ أَشْتَاتًا ۚ فَإِذَا دَخَلْتُمْ بُيُوتًا فَسَلِّمُوا عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ تَحِيَّةً مِنْ عِنْدِ اللَّهِ مُبَارَكَةً طَيِّبَةً ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ﴾

التفسير

Sa bulag na nawala ang paningin niya ay walang kasalanan, sa lumpo ay walang kasalanan, sa maysakit ay walang kasalanan, kung iniwan nila ang hindi nila nakakaya na pagsasagawa ng mga iniatang gaya ng pakikibaka sa landas ni Allāh. Walang kasalanan sa inyo, O mga mananampalataya, sa pagkain ninyo mula sa mga bahay ninyo - at kabilang dito ang mga bahay ng mga anak ninyo - ni sa pagkain mula sa mga bahay ng mga ama ninyo, o ng mga ina ninyo, o ng mga lalaking kapatid ninyo, o ng babaing kapatid ninyo, o ng mga tiyuhin sa ama ninyo, o ng mga tiyahin sa ama ninyo, o ng mga tiyuhin sa ina ninyo, o ng mga tiyahin sa ina ninyo, o ng anumang ipinagkatiwala sa inyo ang pangangalaga sa mga bahay tulad ng tagabantay ng pataniman. Walang maisisisi sa pagkain mula sa mga bahay ng kaibigan ninyo dahil sa kasiyahan ng sarili nito roon sa karaniwan. Wala sa inyong kasalanan na kumain kayo nang nagsasama-sama o nang bukud-bukod. Kapag pumasok kayo sa mga bahay tulad ng mga bahay na nabanggit at iba pa sa mga iyon ay bumati kayo sa sinumang nasa loob ng mga iyon sa pamamagitan ng pagsabi ninyo ng assalāmu `alaykum (ang kapayapaan ay sumainyo). Kung sa loob ng mga iyon ay walang isa man, bumati kayo sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagsabi ninyo ng assalāmu `alaynā wa `alā `ibādi -llāhi -ṣṣāliḥīḥīn (ang kapayapaan ay sumaamin at sa mga maayos lingkod ni Allāh). [Ito ay] isang pagbating mula sa ganang kay Allāh na isinabatas Niya para sa inyo, na pinagpala dahil sa ipinalalaganap nito na pagmamahal at pagkakatugma sa pagitan ninyo, na kaaya-ayang ikasisiya ng sarili ng nakaririnig nito. Ayon sa tulad ng naunang paglilinaw na ito sa Kabanatang ito, naglilinaw si Allāh ng mga talata sa pag-asang makaunawa kayo sa mga ito at gumawa kayo ayon sa nasa mga ito.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم