البحث

عبارات مقترحة:

الغفور

كلمة (غفور) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعول) نحو: شَكور، رؤوف،...

العزيز

كلمة (عزيز) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعيل) وهو من العزّة،...

الحسيب

 (الحَسِيب) اسمٌ من أسماء الله الحسنى، يدل على أن اللهَ يكفي...

سورة النّمل - الآية 40 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿قَالَ الَّذِي عِنْدَهُ عِلْمٌ مِنَ الْكِتَابِ أَنَا آتِيكَ بِهِ قَبْلَ أَنْ يَرْتَدَّ إِلَيْكَ طَرْفُكَ ۚ فَلَمَّا رَآهُ مُسْتَقِرًّا عِنْدَهُ قَالَ هَٰذَا مِنْ فَضْلِ رَبِّي لِيَبْلُوَنِي أَأَشْكُرُ أَمْ أَكْفُرُ ۖ وَمَنْ شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّي غَنِيٌّ كَرِيمٌ﴾

التفسير

Nagsabi ang isang maayos na lalaking nakaaalam, na nasa piling ni Solomon, na may taglay na kaalaman mula sa kasulatan, na napaloob dito ang pinakadakilang pangalan ni Allāh, na kapag ipinanalangin ay tutugon Siya: "Ako ay maghahatid sa iyo ng silya niya bago makakisap ang mga mata mo sa pamamagitan ng pagdalangin ko kay Allāh at maghahatid Siya niyon." Tumugon si Allāh sa kanya sa panalangin niya. Kaya noong nakita ni Solomon ang silya ng reyna na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: "Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ng Panginoon ko - kaluwalhatian sa Kanya - upang subukin Niya ako kung magpapasalamat ba ako sa mga biyaya Niya o tatanggi akong magpasalamat sa mga ito. Ang sinumang nagpasalamat kay Allāh, ang pakinabang ng pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa kanya sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan: walang naidadagdag sa Kanya ang pasasalamat ng mga tao. Ang sinumang nagkaila sa mga biyaya ni Allāh at hindi ipinagpasalamat ang mga ito sa Kanya, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan sa pasasalamat niyon, Mapagbigay, na bahagi ng pagkamapagbigay Niya ang pagmamagandang-loob Niya sa sinumang nagkakaila sa mga ito."

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم