البحث

عبارات مقترحة:

الخبير

كلمةُ (الخبير) في اللغةِ صفة مشبَّهة، مشتقة من الفعل (خبَرَ)،...

الفتاح

كلمة (الفتّاح) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعّال) من الفعل...

المجيد

كلمة (المجيد) في اللغة صيغة مبالغة من المجد، ومعناه لغةً: كرم...

سورة الشورى - الآية 14 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَمَا تَفَرَّقُوا إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَبِّكَ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّ الَّذِينَ أُورِثُوا الْكِتَابَ مِنْ بَعْدِهِمْ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مُرِيبٍ﴾

التفسير

Hindi nagkahati-hati ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagatambal malibang noong matapos na inihain sa kanila ang katwiran sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Hindi nangyari ang pagkakahati-hati nila malibang dahilan sa paglabag at kawalang-katarungan. Kung hindi dahil sa isang nauna sa kaalaman ni Allāh na Siya ay magpapahuli sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya, ang Araw ng Pagbangon, ay talaga sanang humatol si Allāh sa pagitan nila at minadali Niya para sa kanila ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya. Tunay na ang mga pinagmana ng Torah kabilang sa mga Hudyo at ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano matapos ng mga ninuno nila at matapos ng mga tagatambal ay talagang nasa isang pagdududa sa Qur'ān na ito na dinala ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan -, at mga tagapasinungaling dito.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم