المقتدر
كلمة (المقتدر) في اللغة اسم فاعل من الفعل اقْتَدَر ومضارعه...
Talaga ngang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob kay Propeta Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - nang nagpahintulot ito sa mga mapagpanggap sa pananampalataya sa pagpapaiwan palayo sa pagsalakay sa Tabūk. Talaga ngang tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa mga lumikas at sa mga tagaadya na mga hindi nagpaiwan palayo roon, bagkus sumunod sa Propeta sa pagsalakay sa Tabūk sa kabila ng tindi ng init, kakauntian ng yaman, at lakas ng mga kaaway, matapos na halos kumiling ang mga puso ng isang pangkatin kabilang sa kanila na nagbalak iwan ang pagsalakay dahil sila ay dumaranas ng mabigat na kagipitan. Pagkatapos ay nagtuon sa kanila si Allāh sa katatagan at paglisan sa pagsalakay, at tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na Siya - napakamaluwalhati Niya - ay Mahabagin sa kanila, Maawain. Bahagi ng awa Niya sa kanila ang pagtuon sa Kanila sa pagbabalik-loob at pagtanggap nito mula sa kanila.