العلي
كلمة العليّ في اللغة هي صفة مشبهة من العلوّ، والصفة المشبهة تدل...
Si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay may mga anghel na sumusunod ang isa't isa sa kanila sa tao. Pumupunta ang iba sa kanila sa gabi at ang iba sa kanila sa maghapon. Nangangalaga sila sa mga tao ayon sa utos ni Allāh mula sa kabuuan ng mga pagtatakdang itinadhana ni Allāh para sa kanila at pinigilan Niya. Isinusulat nila ang mga sinabi niya at ang mga ginawa niya. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapabago sa anumang nasa mga tao mula sa isang kalagayang kaaya-aya tungo sa kalagayang iba pa na hindi magpapagalak sa kanila hanggang sa magpabago sila sa nasa mga sarili nila na kalagayan ng pagpapasalamat. Kapag nagnais si Allāh - napakamaluwalhati Niya - sa mga tao ng isang kapahamakan ay walang tagapigil sa ninais Niya. Walang ukol sa inyo, O mga tao, bukod pa kay Allāh, na anumang tagatangkilik na tumatangkilik sa mga kapakanan ninyo para dulugan ninyo para sa pagtulak sa dumapo sa inyo na pagsubok.