المليك
كلمة (المَليك) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعيل) بمعنى (فاعل)...
Kaya ang sinumang siya ay tagapagtaguyod sa pangangalaga sa mga panustos ng lahat ng nilikha, na mapagmasid sa bawat kaluluwa sa anumang nakamit nito na gawa kaya gagantihan ito sa mga gawa nito ay higit na karapat-dapat bang sambahin o ang mga rebultong ito na walang karapatang ukol sa mga ito na sambahin? Gumawa nga sa mga ito ang mga tagatangging sumampalataya bilang mga katambal para kay Allāh dala ng kawalang-katarungan at kabulaanan. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Pangalanan ninyo sa amin ang mga katambal na sinamba ninyo kasama kay Allāh kung nangyaring kayo ay mga tapat sa pag-aangkin ninyo. O nagpapabatid ba kayo kay Allāh ng hindi Niya nalalaman sa lupa na mga katambal o nagpapabatid kayo ng hayag mula sa sinabi, na walang katotohanan para rito?" Bagkus pinaganda ng demonyo para sa mga tumangging sumampalataya ang pagpapanukala nilang masagwa. Kaya tumanggi silang sumampalataya kay Allāh at inilihis naman Niya sila palayo sa daan ng katinuan at kapatnubayan. Ang sinumang pinaligaw ni Allāh palayo sa landas ng katinuan ay walang ukol sa kanyang anumang tagapatnubay na papatnubay sa kanya.