العزيز
كلمة (عزيز) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعيل) وهو من العزّة،...
Ang katangian ng Paraiso na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag sa pagkakasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay na ito ay dinadaluyan mula sa ilalim ng mga palasyo nito at mga puno nito ng mga ilog. Ang mga bunga nito ay namamalagi, hindi nauubos, na salungat sa mga bunga sa Mundo. Ang lilim nito ay hindi naglalaho at hindi umuurong. Iyon ay ang kahihinatnan ng mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang kahihinatnan naman ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy. Papasukin nila ito bilang mga mamamalagi roon magpakailanman.