الجميل
كلمة (الجميل) في اللغة صفة على وزن (فعيل) من الجمال وهو الحُسن،...
Upang hindi manabik ang Propeta -pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa pagmamadali sa mga tagapagpasinungaling sa pagdurusa, nagsabi si Allāh sa kanya: "Ang Panginoon mo, O Propeta, ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niyang mga nagbabalik-loob, ang may awang sumaklaw sa bawat bagay, at bahagi ng awa Niya na Siya ay nagpapalugit sa mga suwail nang sa gayon sila ay magbabalik-loob sa Kanya. Ngunit kung sakaling Siya - pagkataas-taas Niya - ay magpaparusa sa mga taga-ayaw na ito, talaga sanang minadali Niya sa kanila ang pagdurusa sa buhay sa Mundo subalit Siya ay Matimpiin, Maawain. Ipinagpaliban Niya sa kanila ang pagdurusa upang magbalik-loob sila, subalit mayroon silang isang pook na itinakda at isang panahong itinakda na gagantihan sila roon sa kawalang-pananampalataya nila at pag-ayaw nila kung hindi sila nagbalik-loob. Hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang madudulugan na dudulugan nila."