الغفار
كلمة (غفّار) في اللغة صيغة مبالغة من الفعل (غَفَرَ يغْفِرُ)،...
Nagkaiba-iba ang mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol kay Hesus - sumakanya ang pangangalaga - kaya sila ay naging mga lapiang nagkahati-hati kabilang sa mga kababayan niya. Sumampalataya sa kanya ang iba sa kanila at nagsabi: "Siya ay isang sugo." Tumangging sumampalataya sa kanya ang mga iba pa gaya ng mga Hudyo. Nagpakalabis-labis naman kaugnay sa kanya ang mga pangkatin. Nagsabi pa ang iba sa kanila: "Siya ay si Allāh" samantalang nagsabi naman ang mga iba pa: "Siya ay anak ni Allāh." Pagkataas-taas si Allāh para roon. Kaya kapighatian ay ukol sa mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol sa kanya na mga saksi sa sukdulang Araw ng Pagbangon dahil sa mga masasaksihan, pagtutuos, at pagpaparusa roon.