البحث

عبارات مقترحة:

الغفور

كلمة (غفور) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فَعول) نحو: شَكور، رؤوف،...

المقتدر

كلمة (المقتدر) في اللغة اسم فاعل من الفعل اقْتَدَر ومضارعه...

المجيد

كلمة (المجيد) في اللغة صيغة مبالغة من المجد، ومعناه لغةً: كرم...

Ang Aklat Para Sa Babaeng Muslim

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف شعبة توعية الجاليات بالزلفي ، Muhammad Taha Ali
القسم كتب وأبحاث
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات فقه المرأة المسلمة - نصائح وتوجيهات للمرأة
ANG AKLAT PARA SA BABAING MUSLIM Paunang Salita Ang Kalagayan ng Babae Sa Islam Ang Pangkalahatang Karapatan ng Babae Ang mga Karapatan ng Babae Sa Kanyang Asawa Ang Hijab Ito ang Ilan Sa Kanilang mga Patunay: Bakit Kailangan ang Hijab? Ang Regla Ang mga Abnormalidad Sa Pagreregla Ang mga Alituntunin Sa Pagreregla Ang Istihadah Ang Mga Alituntunin Sa Istihadah Ang Nifas at ang mga Alituntunin Nito Ang Pampigil ng Regla at Pagbubuntis Labing – isang Payo  ANG AKLAT PARA SA BABAING MUSLIMAng aklat na ito ay lathalain ng F.G.O. sa Zulfi 11932 – Saudi ArabiaP.o.box: 182 – tel: 064225657 – Fax: 4224234  Paunang SalitaAng papuri ay kay Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang; Ang pagpapala at kapayapaan ay matamo ni Muhammad na Sugo ni Allah at kahuli-hulihang Propeta.Saklaw ng pananampalatayang islam ang lahat ng pangangailangan ng tao maging ito man ay ispirituwal o materyal. Ang sabi ni Allah.“Sa araw na ito. Aking ginawang ganap para sa inyo ang inyong relihiyon at Aking nilubos ang Aking pagpapala sa inyo at Aking pinili ang Islam para sa inyo bilang relihiyon" (5 : 3 )Dumating ang Islam upang pagtibayin na ang pagkadiyos ay kay Allah lamang. At ang Kanyang mga pagpapala ay ipinagkakaloob Niya ng pantay-pantay sa sangkatauhan anupa't walang superyoridad ang isang tao sa kanyang kapuwa maliban sa Taqwa (pagkakaroon ng Takot sa Panginoon ). Dumating din ang Islam upang hadlangan ang pagkakaroon ng pagtatangi-tangi sa iba't-ibang antas ng lipunan at upang patatagin ang pagkakapantay-pantay sa mga karapatan at mga alituntuning pinaiiral sa iba't-ibang lahi – mapalalaki man o mapababae. Ang sabi ni Allah:“O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa't-isa ). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para kay Allah ay siya na may malaking pagkatakot sa Kanya. Si Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay ." (49 :13 )Inihahandog namin sa iyo, kapatid na Muslimah, ang aklat na ito na naglalaman ng mga alituntunin at patakarang laan para sa babaeng Muslim. Kaya nararapat lamang, kapatid na Muslimah, na iyo itong pag-aralan at kumilos ayon dito upang ang iyong gawa ay sumang-ayon sa ibinigay na batas ni Allah at ng Kanyang Sugo (SAS) . Ang Aklat na ito ay tumatalakay sa mga sumusunod na paksa:Una: Ang Kalagayan ng Babae Sa IslamIkalawa: Ang HijabIkatlo: Ang regla at ang Pagdurugo, atIkaapat: At iba pang mga paksa.Idalangin natin kay Allah na nawa'y maging kapaki-pakinabang ang gawaing ito at nawa'y gawin Niyang alang-alang lamang sa Kanya. Gawaran ni Allah ng pagpapala at kapayapaan si Muhammad (SAS) Ang Kalagayan ng Babae Sa IslamBago natin pag-usapan ang mga karapatan ng babae sang-ayon sa itinuturo ng Islam, kailangang linawin muna natin ang ilan sa mga pananaw sa mga babae ng mga bansa noon at kung papaano nila ito tinatrato. Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din siya ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang mga bantog na pilosopo na si Socrates: " Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subalit sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito."Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At kanilang kasabihan noon ay: "walang kaluluwa ang babae." Kaya sanhi nito ay pinarurusahan ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang mga katawan at sa pamamagitan ng paggapos sa kanila sa mga poste. Hindi lamang iyon, pati ang mga inosenteng mga babae ay itinali nila sa buntot ng mga kabayo at pinatatakbo ang mga ito nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.Ganoon din ang pananaw ng mga taga-India. At karagdagan pa roon, sinusunog nila ang babae kasama ng kanyang asawa kapag ang kanyang asawa ay namatay.Itinutulad noon ng mga Chino ang babae sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Chino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.Itinuturing naman ng mga Judio ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito'y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.Ang tingin naman ng mga Kristiyano sa babae ay siya ang pinto ng Demonyo. May isa pang Kristiyanong may mataas na katungkulan sa simbahan ang nagsabing ang babae ay walang kaugnayan sa lahi ng tao. Ang sabi naman ni San Buenaventura: "Kapag kayo ay nakakita ng isang babae, huwag ninyong isipin na kayo ay nakakita ng tao o ng isang hayop – ang inyong nakita ay si Satanas mismo at ang kanyang boses na inyong naririnig ay ang huni ng ahas."Ang mga kababaihang Ingles, alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo ( ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi ibinibilang na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay pati na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Parliamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng awtoridad sa anumang bagay ang isang babae.Ang parliamento naman ng Iglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao ngunit siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.Sa mga Arabe naman bago dumating ang Islam ang babae ay isang hamak, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga arabe noong bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay pantay kaya ang babae ay may karapatan din kung papaanong may karapatan ang isang lalaki. Ang sabi ng Allah: " O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa't-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para kay Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Si Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay." (49: 13)Ang sabi pa Niya: " Ang sinumang gumawa ng kabutihan - maging lalaki man o babae – at sumasampalataya, ang mga iyon ang magsisipasok sa Paraiso at wala ni katiting na kawalang-katarungan ang gagawin sa kanila." (4:124)“At (inatasan Namin ang tao) na maging mabuti sa kanyang magulang….." (17: 23)Ang sabi naman ng Propeta (SAS): “Ang may pinakaganap na pananampalataya sa mga mananampalataya ay ang may pinakamgandang asal sa kanila at ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinamabuti sa kanilang mga maybahay."Nasasaad din sa Hadith na tinanong ng isang lalaki ang Propeta (SAS): "Sino po sa mga tao ang higit na may karapatan sa aking mabuting pakikitungo?" tanong ng lalaki. 'Ang iyong ina.' ‘Sino pa po?' 'Ang iyong ina.' ‘Sino pa po?' 'Ang iyong ina.' ‘Sino pa po?' 'Ang iyong ama.' Sagot ng Propeta (SAS)."Ito sa maikling salita, ang pananaw ng Islam sa babae. Ang Pangkalahatang Karapatan ng BabaeAng babae ay may pangkalahatang karapatan na dapat niyang malaman at kilalaning lahat upang ito ay kanyang matamasa ng lubusan kung kailan man niya ito naisin at gustuhin. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang mga sumusunod:1. Ang karapatang magmay-ari ng mga bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga pataniman, ginto, pilak, at iba't-ibang uri ng hayop gaya ng kamelyo, baka, at tupa—maging siya man ay isang maybahay, ina , isang anak, o isang kapatid.2. Ang karapatang pumili ng mapangangasawa, tumutol sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag ang pananatili sa piling ng kanyang asawa ay makapipinsala sa kanya. Ang mga ito ay ang mga karapatang para sa babae na ang katiyakan ay napagkaisahan ng mga pantas ng Islam.3. Ang karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol kay Allah, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya, mga tungkuling kailangan gampanan kalakip ng mga kagandahang-asal para rito, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan niyang taglayin sa lahat ng sandali at ito ay ayon sa sinabi ni Allah: " Kaya dapat mong malaman na walang ibang diyos kundi si Allah" (47 : 19 )At ayon din sa sinabi ng Sugo (SAS): “Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin ng bawat Muslim."4. Ang karapatang magbigay ng Sadaqah (kawanggawa) buhat sa kanyang ari-arian at gumugol buhat sa mga ito para sa kanyang sarili at para sa kanino man na kanyang naisin gaya ng asawa, anak, at mga magulang hanggang ang paggugol ay hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang pagbabawal sa pag-aksaya ay kapuwa para sa babae at lalaki.5 Ang karapatang magmahal at masuklam anupa't may karapatan siyang mahalin ang mga matutuwid na babae, dalawin at pagkalooban sila ng regalo. Maaari rin niya silang sulatan, alamin ang kanilang kalagayan at aliwin sa kanilang dalamhati. Karapatan niyang kasuklaman at kamuhian ang mga babaeng tiwali at iwasan sila alang-alang kay Allah.6. Ang karapatang gumawa ng huling habilin(testamento) na nagsasaad ng kanyang kagustuhang ipamana ang hanggang sa ikatlong bahagi ng kanyang ari-arian sa kanino mang naisin niya at sa kanyang pagyao ay ipatutupad nang walang pagtutol at walang pagsuway sapagkat ang huling habilin ay karapatang personal ng lahat. Kung ito ay maaari sa lalaki, maaari rin sa babae. Kapuwa may karapatan ang babae at ang lalaki na gumawa ng testamentong nagsasaad ng kagustuhang pamanahan ang sinumang naisin sa kondisyong ang pamanang iyon ay hindi lalampas sa ikatlong bahagi (1/3) ng kabuuan ng personal na ari-arian. Karagdagan pa rito, may karapatan din ang isang babae na magmana sa maiiwang ari-arian ng kanyang magulang, asawa, at mga kamag-anak.7. Ang karapatang magsuot. Maaari niyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto – kapuwa ipinagbawal sa mga kalalakihan ngunit hindi siya maaaring mag-alis ng damit at magsuot ng maikling salawal, damit na pampaligo, damit na maikli o walang manggas at iba pang kasuutang katulad ng mga ito kapag siya ay nasa mga lugar na pampubliko.Hindi rin niya maaaring alisin ang belo sa kanyang ulo o ilantad ang kanyang leeg o dibdib maliban na lamang kung ang kanyang kapiling ay ang kanyang asawa lamang. Hindi rin siya dapat lumabas ng bahay na hindi suot ang Hijab.8. Ang karapatang magpaganda para sa asawa. Maaari siyang gumamit ng pangguhit sa kilay o pilikmata (eye-liner), pulbos, o pangkulay sa labi (lipstick) kung gusto niya. Maaari siyang magsuot ng pinakamagara at pinakamagandang damit maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasan na mapagkamalang siya ay kabilang sa kanila.9. Ang karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Ang anumang ipinahihintulot ng Islam na pagkain at inumin ay kapuwa puwede sa lalaki at babae. Ang sabi ni Allah: “Magsikain at magsiinom kayo ngunit huwag mag-aksaya, hindi Niya minamahal ang mga nag-aaksaya." (7:31 )Ang Talatang ito ay angkop sa kapuwa lalaki at babae. Ang mga Karapatan ng Babae Sa Kanyang AsawaKabilang sa mga natatanging karapatan ng babae ay ang kanyang mga karapatan sa kanyang asawa. Ang mga karapatan na iyon ng babae ay may katumbas ding mga tungkulin niya sa kanyang asawa at ang mga ito ay ang paggsunod sa asawa sa mga bagay na hindi pagsuway kay Allah o sa Kanyang Sugo (SAS), paghahanda ng kanyang pagkain at inumin, pag-aayos ng bahay, pagpapasuso ng kanyang mga anak at pag-aalaga sa mga ito, at pangangalaga sa kanyang mga ari-arian at karangalan. Tungkulin din ng babae para sa kanyang asawa na kanyang pangalagaan ang kanyang sarili; magpaganda at gumamit ng pampaganda para sa ikasisiya ng kanyang asawa. Kabilang sa pampaganda ang mga pinahihintulutang gayak at iba't-ibang uri ng pampaganda.Ito naman ang ilan sa mga tungkuling kailangang gampanan ng lalaki sa kanyang maybahay batay sa sinabi ng Allah: "At sila (mga babae) ay may karapatan (sa kani-kanilang asawa ) gaya ng karapatan (ng kanilang asawa) sa kanila ayon sa kung ano ang makatuwiran." ( 2 :228Babanggitin natin ang mga ito upang malaman ng isang Muslimah at hilingin ang mga ito nang walang halong hiya at pangamba. Tungkulin naman ng asawa na ibigay ang mga ito nang buo maliban na lamang kung pumayag ang babae na huwag nang tamasain ang iba pa niyang mga karapatan.1. Ang pagsustento ng lalaki sa kanyang asawa ayon sa kanyang kalagayan at kakayahan. Nakapaloob sa sustento ang mga sumusunod: kasuutan, pagkain, inumin, gamot, at tirahan.2. Ang pangangalaga sa maybahay – sa karangalan, katawan, ari-arian, at relihiyon nito – yaman din lamang na ang lalaki ang siyang tagapangalaga ng babae at ang tungkulin ng tagapangalaga ng isang bagay ay ang pag-ingatan at pangalagaan ito.3. Ang pagtuturo sa maybahay ng mga bagay-bagay tungkol sa pananampalataya na kailangan nitong malaman. At kung hindi kaya ng asawa na gawin ito, pahintulutan niya ang kanyang maybahay na matuto sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pag-aaral para sa mga kababaihan na idinadaos sa mga Masjid o sa iba pang lugar kung may katiyakang walang masama o kapinsalaang maaaring mangyari sa kanya sa pagdalo sa mga pag-aaral na ito.4. Ang mabuting pakikitungo sa kanya batay sa sinabi ni Allah:“Pakitunguhan ninyo (mga lalaki) sila (mga babae) nang mabuti." (4:19)Kabilang sa mabuting pakikitungo ng lalaki sa kanyang maybahay ay kailangang punan niya ang pangangailangangg seksuwal ng kanyang maybahay at hindi niya sasaktan ang damdamin nito sa pamamagitan ng paglait, pag-insulto, paghamak, o kaya ay pagmaliit sa kanya.Bahagi rin ng mabuting pakikitungo sa maybahay ay ang huwag siyang pigilang dumalaw sa mga kamag-anakan niya kung wala rin namang masamang mangyari sa kanya. Hindi rin siya pagagawin ng gawaing hindi niya makakaya. Nararapat na maging mabuti sa kanya sa salita at sa gawa sapagkat ayon sa Sugo (SAS): "Walang nagpaparangal sa mga babae kundi ang isang lalaking marangal at walang humahamak sa kanila kundi ang mga lalaking hamak." Ang HijabHangad ng Islam na pangalagaan ang pamilya laban sa pagkawasak at pagguho. Pinaligiran ng Islam ang pamilya ng matatag na pader ng moralidad at kagandahang –asal upang ang mga kaluluwa ay maging malusog at upang maging malinis ang lipunan – hindi natatangay ng tawag ng laman at hindi nauudyukan na gumawa ng immoralidad. Naglagay ito ng mga hadlang na pipigil sa mga bagay na pumupukaw sa damdamin ay nag-aanyaya sa kasalanan at kasamaan. Kaya ipinag-uutos nito sa panig ng lalaki't babae na ibaba ang tingin sa isa't-isa. Ang Hijab ay batas na ginawa ni Allah upang parangalan ang babae, pangalagaan ang kanyang dangal laban sa kadustaan at kahihiyan, ilayo siya sa pagsasamantala ng mga buktot at halang ang kaluluwa, pangalagaan siya sa mga taong hindi alam ang kahalagahan ng kagandahang-asal, isara ang pinto ng tukso na dulot ng nakakalasong tingin, at bakuran ang dignidad at puri ng babae ng muog ng paggalang at mataas na pagtingin.Nagkaisa ang mga pantas ng Islam na maliban sa mukha at ang mga kamay ang nalalabi pang bahagi ng katawan ng isang babae magmula sa ulo ay kailangan takpan. Hindi niya ipakikita at ilalahad ang kanyang kagandahan at pang-akit sa mga lalaking hindi niya Mahram.(Ang mga Mahram ng babae ay ang kanyang asawa, ama, mga lolo, mga kapatid, mga anak at apo,mga anak at apo ng kapatid, at mga kapatid ng ama at ina.) Nahahati ang mga pantas ng Islam sa dalawang pangkat hinggil sa mukha at kamay.Ang isang pangkat ng mga pantas ay naniniwalang kailangang takpan ang mukha at ang kamay samantalang ang ibang pangkat naman ay hindi naniniwala na kailangang takpan ang mukha at ang kamay. Ang bawat pangkat ay may kani-kanilang paninindigan. Kaya maraming mga patunay ang lumitaw hinggil sa Hijab, sa mga patakaran nito, at pamamaraan sa pagsusuot nito. Buhat sa maraming mga patunay na ito ay pinatutunayan ng bawat pangkat ang kanilang paninindigan at binibigyan naman ng iba't-ibang kapaliwanagan ang iba pang mga patunay na tila baga sumasalungat sa kanilang pananaw. Ito ang Ilan Sa Kanilang mga Patunay:Ang sabi ni Allah: " At kapag may itatanong kayo sa kanila (mga maybahay ng Sugo), tanungin ninyo sila sa likod ng tabing (Hijab). Iyan ang higit na malinis para sa inyong puso at sa kanilang puso." (33 : 53 )Ang sabi pa niya: “O Propeta, sabihin mo sa iyong mga maybahay at sa iyong mga anak na babae at sa mga kababaihan na mga Mananampalataya na isuot nila ang kanilang balabal [na bumabalot sa kanilang ulo at katawan]. Iyan ang higit na mainam upang sa gayon ay makilala sila [ bilang kagalang-galang na mga babae ] at hindi pinsalain. Si Allah ay laging nagpapatawad, maawain." (33 : 59 )" At sabihin mo (Muhammad) sa mga babaeng mananampalataya na ibaba nila ang kanilang paningin at pangalagaan nila ang kanilang maselang bahagi ng katawan at huwag nilang ilantad ang kanilang gayak maliban sa nakalitaw na*, at iladlad ang kanilang belo hanggang sa kanilang dibdib, at huwag nilang ipakita ang kagandahan maliban sa kanilang asawa…… " ( 24 : 31 )Nasasaad sa Hadith na sinabi ng maybahay ng Sugo (SAS) na si A'isha (RA) : " Ang mga mananampalatayang kababaihan noon ay dumadalo sa salah ng madaling araw na kasabay ng Propeta (SAS) na suot ang kanilang balabal at umuwi sa kanilang mga tahanan pagkatapos ng salah na hindi nakikita dahil sa kadiliman."Isa pang Hadith na iniulat din niya: " Dinaanan kami ng mga Manlalakbay habang kami ay kasama ng Sugo ni Allah (SAS) papuntang Makkah upang magsagawa ng Umra. At nang makasabay na nila kami, ibinaba ng bawat isa sa amin ang balabal na nakapatong sa kani-kanilang ulo at itinabing sa kani-kaniyang mukha. Nang makalampas na sila sa amin, inalis na namin ang tabing sa mukha."Ang sabi pa niya (SAS):” Kahahabagan ni Allah ang mga kababaihan ng mga nandayuhan [sa Madina buhat Sa Makkah] dahil noong ipinahayag ni Allah (ang talatang ito ng Qur'an): " at iladlad ang kanilang belo hanggang sa kanilang dibdib….." (24:31), ay pinutol nila ang kanilang (mahabang) balabal at ipinantakip."Ang mga patunay ay napakarami subalit sa kabila ng pagkakaiba na pananaw ng mga pantas sa Islam Sa Hijab, silang lahat naman ay nagkasundo na maaaring ipakita ng babae ang kanyang mukha kung talagang kinakailangan gaya rin nanam ng pananaw nilang lahat na kailangan takpan ng babae ang kanyang mukha kapag ang tukso ay pinangangambahang mangyari. At higit na matindi ang pangamba sa tukso sa panahong ito na ang katiwalian ay labis-labis at lumalaganap na. Dumami na ang mga suwail kay Allah at pinuno na nila ang mga lansangan at mga pook at ang mga mabubuting tao at ang mga may takot kay Allah ay nagiging kakaunti na lamang.Ipinagbabawal din ng Islam sa babae ang pakikihalubilo niya sa mga kalalakihan at ang pag-alis niya ng hijab ang siyang pumupukaw sa tawag ng laman at magpapadali sa pagbibigay ng motibo para gumawa ng krimen at nagpapadali sa gumagawa ng krimen. Ang sabi ni Allah: "Manitili kayo (mga babae) sa inyong mga tahanan at huwag ninyong itanghal ang inyong mga kagandahan katulad ng ginagawang pagtatanghal ng kagandahan noong panahon ng kamangmangan [ang panahon bago dumating ang Islam]." (33:33)Ang sabi pa ni Allah: " At kapag may tinanong kayo sa kanila (mag maybahay ng Propeta), tanungin ninyo sila sa likod ng tabing. Iyan ang higit na malinis sa inyong mga mga puso at sa kanilang mga puso." (33:53).Lubhang ipinagbabawal ng Sugo (SAS) ang paghahalubilo ng mga lalaki at mga babae at hinadlangan niyon ang lahat ng maaaring maging dahilan ng paghahalubilo nila, kahit na sa larangan ng pagsamba at mga pook sambahan. Maaring mapilitan ang isang babae na lumabas mula sa kanyang bahay upang pumunta sa isang lugar na may mga lalaki. Halimbawa ay mayroon siyang pangangailangang tutugunin at walang ibang gagawa niyon para sa kanya o siya'y magtitinda o bibili upang matiyak na may maipangtutugon sa pangangailangan ng kanyang sarili o ng mga tagapagtaguyod niya o iba pang tunay na mga pangangailangan, kapag gaya nito ang dahilan ay walang masama. Kaya nga lamang kailangang isaalang-alang niya ang mga limitasyong iniatang ng Islam kapag lalabas ng bahay, siya ay lalabas na suot ang kasuutang pang-Islam na tinatakpan ang kagandahan at hindi inilalantad. Siya ay dapat hiwalay sa mga lalaki at hindi nakahalo sa kanila.Kabilang din sa mga mga batas na ginawa ng islam upang pangalagaan ang pamilya at ang moralidad ay ang pagbabawal na manatili sa isang pribadong lugar, halimbawa'y isang bahay o silid, ang isang babae kasama ng lalaking hindi niya Mahram o asawa sapagkat masidhi ang hangad ni Satanas na sirain ang kaluluwa at ang moralidad. Bakit Kailangan ang Hijab?Ang pag-oobliga ng Islam sa pagsusuot ng Hijab ay dahil nais nito, batay sa marami at mga dakilang mga kadahilanan at mga layunin nito, na bigyan ng seguridad ang isang babae sa kanyang buhay may-asawa. Ang isang lalaki –kapag nagka-edad na ang kanyang maybahay at mawala na ang kabataan, kasiglahan, at kasariwaan nito sanhi na rin ng pagtanda kalakip na rito ang pagbubuntis, panganganak, pagpapasuso, at pagtatrabaho – ay mabubuhay pa rin nang malugod at kaaya-aya sa piling ng kanyang maybahay. Subali’t kung nagpunta ang lalaking ito sa lansangan ay nakakita siya ng isang dalagang nasa kasibulan nito sa rurok ng kagandahan at kabataan nito, ano na lamang ngayon ang kanyang mararamdaman kapag nakikita niya ito?! Ang tanawing ito ay magpapaningas sa init ng kanyang katawan. At pag-uwi niya sa kanyang maybahay ay magsisimula na siyang paghambingin ang dalawa.Walang dudang ito ay may papel na gagampanan sa pagwasak ng maraming tahanan. Kaya inaatasan ng Islam ang babae na magsuot ng Hijab at sinasabi sa kanya: "Huwag mong itanghal ang iyong kagandahan upang hindi magningas ang init sa katawan ng mga kalalakihan na siyang sisira sa kanila at sa kanilang tahanan at upang kapag ikaw ay sumapit na rin sa pagtanda ay wala ring babae na darating para sumira sa iyong tahanan at sa inyong mag-asawa." Ang ReglaAng Edad at Takdang-panahon1. Ang Edad.Ang karaniwang edad na may regla ang isang babae ay 12 taon hanggang 50 taon. Maaari ring magkaroon ng regla ang babae ng mas maaga pa sa 12 taong gulang o pagkatapos ng 50 taong gulang depende sa kanyang kalagayan, sa kapaligiran at sa klima.B. Ang Takdang-panahon.Walang takdang panahon na pinakamarami o pinaka-kakaunti na bilang ng mga araw ng regla.Ang Pagreregla ng NagdadalantaoKaraniwang humihinto ang pagreregla ng isang babae kapag siya ay nagdadalantao.1. Kapag ang babae ay nakakita ng dugo, 2 o 3 araw bago magsilang, na may kasamang pananakit ng tiyan (labor), ito ay Nifas (o pagdurugo na sanhi ng panganganak na maaaring lumabas bago o matapos magsilang).2. Ngunit kapag siya ay nakakita ng dugo, maraming araw o ilang araw (2 –3 araw) bago magsilang subalit walang kasamang pananakit ng tiyan (labor), ito ay hindi Nifas at hindi rin regla kundi Istihadah na ipaliliwanag natin mamaya. Magiging regla lamang ang dugong ito kung ang kanyang regla ay patuloy na hindi humihinto kahit siya ay nagdadalantao. Ang mga Abnormalidad Sa PagrereglaMay iba't-ibang uri ng abnormalidad sa pagrereglaI. Sa bilang ng araw: labis o kulangHalimbawa: Kung ang takdang panahon (period) ng babae ay 6 na araw at nagpatuloy ang paglabas ng dugo sa ika-pitong araw, ito ay labis. O kung ang kanyang takdang panahon ay pitong araw ngunit huminto ang paglabas ng dugo sa ika-anim na araw pa lamang, ito ay kulang.B. Sa Pagdating: maaga o huliHalimbawa: Kung karaniwang dumarating ang kanyang regla sa katapusan ng buwan at biglang dumating sa simula ng buwan, ito ay maaga. O kung ang karaniwang dumarating sa simula ng buwan at biglang dumating sa katapusan, ito ay huli. Oras na nakita ng isang babae ang dugo, siya ay nireregla na, at oras na huminto ang pagdurugo siya ay tapos ng magregla -- sumobra man o kumulang ang kanyang takdang panahon, mapaaga man o mapahuli ang pagdating nito.C. Sa Kulay: dilaw o kulay putikKapag nakita niya na ang dugo ay manilaw-nilaw na parang nana o kulay putil ( na ang kulay ay nasa pagitan ng dilaw at itim ) at kung ito ay nakita sa loob ng kanyang takdang-panahom bago huminto ang regla o karugtong ng kanyang takdang panahon bago tuluyang huminto ang kanyang pagreregla, ito ay regla na nasasaklawan ng mga alituntunin ng pagreregla. Kapag nakita naman niya ang manilaw-nilaw na dugo pagkatapos na huminto ang pagreregla, hindi na ito regla at hindi niya ito bibigyang pansin.D. Ang Paghinto-hinto ng Regla na wala Sa PanahonHalimbawa: May regla ngayon, bukas ay wala at mayroon sa susunod na araw. Ang ganitong uri ng pagreregla ay may 2 kalagayan:1. Na ito ay palagiang nangyayari sa isang babae sa lahat ng araw. Ang tawag dito ay Istihadah. Ang babae sa ganitong kalagayan ay saklaw ng alituntunin ng Istihadah na tatalakayin mamaya.2. Na ito ay hindi tuloy-tuloy sa isang babae at nangyari lamang sa ibang araw. At mayroon talagang mga araw na talagang hihinto ang kanyang regala. Ang paghinto ng pagdurugo ay kailangang hindi mababa sa isang araw (24 oras) upang masabing huminto na talaga ang regla ng isang babae. Maliban nalamang kung ang paghinto ay nangyari sa katapusan ng kanyang takdang panahon (period) o nakakita siya ng likidong malinaw (mucus) na lumalabas sa katapusan ng regla.E. Panunuyo ng DugoKung ang panunuyo ng dugo, bunga nito ay pamamasa (wetness)lamang ang nakikita ng isang babae ngunit walang pagdaloy ng dugo, ay nangyari sa loob ng takdang-panahon ng pagreregla o karugtong ng pagreregla bago tuluyang huminto ang pagreregla, ang pamamasa (wetness) na nakikita ay regla pa rin. Kung ang panunuyong ito ay nagyari matapos na huminto ang pagreregla, ito ay hindi regla. Ang mga Alituntunin Sa Pagreregla1. Ang Salah (Pagdarasal)Ipinagbabawal (Haram) at hindi matatanggap sa isang may regla ang magsagawa ng Salah na sapilitan o hindi sapilitan at hindi niya kailangang bayaran (magsagawa ng Qada') ang mga Salah na hindi niya nagawa noong siya ay nireregla pa. Ngunit nararapat niyang bayaran ang isang Salah kapag naabutan niya ang kahit isang minuto sa oras ng Salah, maabutan man niya ang simula o ang katapusan ng oras ng Salah. Ang halimbawa ng naabutan sa simula ang oras ng Salah ay ganito: Kapag ang isang babae ay dinatnan ng regla mga isang minuto pagkatapos lumubog ang araw, kailangang magbayad kaagad siya para sa Salah ng Maghreb pagkatapos ng kanyang regla at pagkatapos makapaligo dahil may naabutan siyang humigit kumulang sa isang minuto sa oras ng Salah na ito bago siya dinatnan ng regla. Ang halimbawa naman ng naabutan sa katapusan ang oras ng Salah ay ganito: Kapag huminto ang regla ng isang babae mga isang minuto bago sumikat ang araw, kailangang magbayad siya para sa Salah Al-Fajr pagkatapos na pagkatapos niyang makapaligo dahil may naabutan siyang humigit kumulang sa isang minuto sa oras ng Salah na ito nang huminto ang kanyang regla.Ang dhikr Takbeer (pagsabi ng "Allahu Akbar”), Tasbeeh (pagsabi ng "Subhaanallah"), Tahmeed (pagsabi ng Alhamdulillah"), Tasmeeyah (pagsabi ng "Bismillah") sa pagkain at iba pang gawain, pagbabasa ng Hadeeth o Figh (Batas at Patakaran sa Islam) o Du'a (panalangin), Ta'meen (pagsabi ng Amen), at pakikinig ng Qur'an ay hindi ipinagbabawal sa babaeng may regla.Hindi masama para sa isang babaeng may regla na basahin o bigkasin nang tahimik ang Qur'an. Halimbawa'y kung titingnan lamang niya ang mga nakasulat na talata ng Banal na Qur'an at babasahin ito na hindi binibigkas, ito ay hindi bawal. Ang higit na mainam para sa babaeng may regla ay huwag basahin ang Qur'an nang may tunog maliban na lamang kung kinakailangan. Halimbawa: hindi bawal na basahin ang Qur'an kung siya ay nagtuturo at kailangan niyang idikta o ipabigkas ang Qur'an sa mga tinuturuan o kung may pagsusulit at kailangan niyang basahin ang Qur'an. Ang estudyanteng may regla na nag-aaral ng Qur'an ay maaaring bumasa ng Qur'an nang may tunog kung talagang kailangan gaya halimbawa kung pagsusulit.B. Pag-aayunoAng Pag-aayuno, tungkulin (Fard) man o hindi tungkulin (sunna), ay ipinagbabawal sa isang babaeng may regla at hindi matatanggap, ngunit kailangang magsagawa siya ng pag-aayuno sa ibang araw para sa mga araw ng Ramadan na hindi siya nakapag-ayuno. Kung dinatnan siya ng kanyang regla habang siya ay nag-aayuno, wala nang saysay ang kanyang pag-aayuno (sa araw na iyon lamang) kahit sabihin pang dinatnan siya nito ng isang minuto o mababa pa sa isang minuto bago lumubog ang araw. Kinakailangang bayaran niya sa ibang araw ang pag-aayuno para sa araw na iyon kung ang naturang pag-aayuno ay tungkulin (Fard, o pag-aayuno sa buwan ng Ramadan). Kung nararamdaman niya ang pagdating ng regla bago lumubog ang araw subalit ang dugo ay lumabas matapos na lumubog ang araw, ang pag-aayuno niya ay buo, tanggap at may saysay.Kung sumapit na ang madaling araw at may regla pa siya, kailangang hindi siya mag-ayuno sa araw na iyon dahil hindi matatanggap ang kanyang pag-aayuno kahit pa huminto ang kanyang regla mga isang minuto matapos sumapit ang madaling araw. Kaya kung huminto ang kanyang regla bago magmadaling araw, kahit mga isang minuto bago magmadaling araw, kailangang mag–ayuno siya sa araw na ito sapagkat tanggap ang kanyang pag-aayuno kahit na nakapaligo lamang siya matapos na dumating ang madaling araw.C. Ang Pagsasagawa ng Tawaf (Pag-ikot Sa palibot ng Ka'abah ).Ipinagbabawal sa may regla ang pagsasagawa ng Tawaf sa Ka'bah, tungkulin man ito o hindi, at hindi iyon katanggap-tanggap. Ngunit ang ibang mga gawain at Umra gaya ng Sa'y (pagtakbo) sa pagitan ng Safa at Marwa (dalawang burol), pananatili sa Arafa, pananatili sa Muzdalifah at Mina, at iba pa ay hindi ipinagbabawal sa kanya. Kaya kung sakali man na nagsagawa ng Tawaf ang isang babae habang siya ay walang regla at biglang lumabas ang regla pagkatapos niyang magsagawa ng Tawaf o biglang lumabas ang regla habang siya ay nagsasagawa ng Sa'y, tanggap pa rin ang kanyang Tawaf o Sa'y.IV. Ang Pananatili Sa Masjid (Mosque )Ipinagbabawal sa isang babaeng may regla ang pananatili sa MasjidV. Ang PakikipagtalikIpinagbabawal sa may regla at sa kanyang asawa na magtalik at ipinagbabawal din na payagan niya ang kanyang asawa na gawin iyon. Nguni’t ang anumang gawain na hindi humahantong sa tuwirang pagtatalik ay ipinahihintulot gaya ng yakap, halik at iba pa.VI. Ang DiborsiyoIpinagbabawal sa isang lalaki na diborsiyuhin ang kanyang maybahay habang ito ay may regla. Kapag diniborsiyo niya ito bahang may regla, sinuway niya si Allah at ang Sugo (SAS) at nakagawa siya ng isang ipinagbabawal. Kaya sa sandaling iyon , kinakailangang balikan niya ang kanyang maybahay at panatilihin ito sa kanyang piling hanggang sa matapos ang regla nito at saka niya diborsiyuhin ito kung nais. Ngunit higit na mainam na hayaan niya muna itong magregla sa ikalawang pagkakataon at kapag natapos na ang regla nito ay nasa kanya na kung pananatilihin niya ito sa kanyang piling o diborsiyuhin ito kung nais niya rin.F. Ang PaliligoKailangang maligo ang isang babae kapag huminto ang kanyang regla. Hindi na niya kailangang kalagin sa pagkakatarintas ang kanyang buhok maliban na lamang kung napakahigpit nang pagkakatali at baka hindi na makarating ang tubig sa anit ng ulo. Kapag huminto ang kanyang regla sa oras ng Salah, kinakailangang magmadali siyang maligo upang maabutan niya ang pagsasagawa ng Salah sa oras nito. Kung siya naman ay naglalakbay at wala siyang makitang tubig o kung may tubig man ay nangangamba siya na baka makasama sa kanya ang paggamit ng tubig, o kung siya ay may sakit na makasasama ang paggamit ng tubig, magsagawa na lamang siya ng Tayammum sa halip na maligo at kapag nawala na ang nabanggit na mga hadlang ay saka siya maligo. Ganito ang pagsasagawa ng Tayammum: (a) gawin ang intensyon sa puso na ikaw ay magsasagawa ng Tayammum, (b) bigkasin ang "BISMILLAH:; (k) itapik ng isang beses ang dalawang palad sa tuyo at malinis na lupa o kahit anong bagay na may alikabok gaya ng pader, dingding, bato, buhangin, at iba pa; at (d) ihaplos nang isang beses lamang ang mga palad sa buong mukha at saka ihaplos ang kaliwang palad sa kanang kamay ng tig-iisang beses lamang. Ang IstihadahAng Istihadah ay ang patuloy na pagdurugo na hindi na talaga humihinto o kung humihinto man ay sa loob lamang ng maikling panahon gaya ng 1 o 2 araw sa loob ng isang buwan. At ayon sa ibang mga pantas ng Islam, ang pagdurugong humigit pa sa 15 araw ay Istihadah na maliban na lamang kung ang kanilang pangkaraniwang takdang panahon (period) ay mahigit sa 15 araw.May Tatlong Kalagayan ang Babaeng May Istihadah1. Na noong bago pa man siya magkaroon ng Istihadah ay mayroon na siyang pangkaraniwang takdang panahon, halimbawa'y anim na araw na pagreregla buwan-buwan. sa ganitong sitwasyon, ang pangkaraniwan na takdang panahon niya noong wala pa ang Istihadah ang siya niyang pagbabatayan at saklaw siya ng mga alituntunin sa pagreregla at ang sobrang pagdurugo mula sa pangkaraniwang takdang panahon niya noon ay Istihadah na saklaw naman ng mga alituntunin para sa babaeng may Istihadah. Halimbawa'y may isang babae na noon ay nireregla sa loob ng 6 na araw tuwing magsisimula ang bawat buwan ngunit biglang nagsimula siyang magkaroon ng tuloy-tuloy na pagdurugo. Kapag nagkagayon, ituturing na ang kanyang pagreregla ay anim na araw lamang tuwing umpisa ng buwan at ang sosobra pa roon ay Istihadah na. Pagkatapos ng anim na araw ay maliligo na siya at saka magsagawa ng Salah at hindi na niya bibigyang pansin ang lumalabas na dugo.2. Na noon pa mang simula nang una niyang makitang lumabas ang dugo ay tuloy-tuloy na ang pagdurugo anupa't hindi malaman ang pinagkaiba ng regla sa Istihadah. sa ganitong sitwasyon, kikilalanin niya ng maigi ang regla sa Istihadah. Ang dugo ng regla ay nakikilala sa kaitiman ng kulay o sa kalaputan o sa pagkakaroon ng amoy. Kapag mayroong kahit isa man lamang sa tatlong katangiang ito, ang dugong lumalabas ay ituturing na regla at hindi Istihadah. Kaya ang babae sa sandaling ito ay magiging saklaw na ng mga alituntunin ng babaeng may regla at ang dugo naman na hindi nagtataglay ng kahit isa man lamang sa tatlong nabanggit na katangian ay Istihadah na saklaw naman ng mga alituntunin ng Istihadah. Halimbawa'y may isang babae na simula nang siya ay unang nilabasan ng dugo, hindi na huminto ang pgdurugo subalit (A) sa loob ng 10 araw (halimbawa)ay nakita niyang ang dugo ay kulay itim at kulay pula naman sa mga nalalabi pang mga araw ng buwan o; (B) sa loob ng 10 araw ay nakita niyang ang dugo ay malapot at malabnaw naman sa mga nalalabi pang mga araw ng buwan o; (K) sa loob nang 10 araw, ang dugo ay may amoy at wala namang amoy sa nalalabi pang mga araw ng buwan. Sa ganitong sitwasyon ang regla niya ay sa (A) ay ang 10 araw na kulay itim ang dugo; ang regla niya sa (B) ay ang 10 araw na malapot ang dugo; ang regla niya sa (K) ay ang 10 araw na ang dugo ay may amoy. Ang labas sa tatlong nabanggit na katangiang ito ay Istihadah.3. Na wala siyang karaniwang takdang panahon ng regla at wala ring magandang paraan para makilala ang regla sa Istihadah sapagkat tuloy-tuloy na ang Istihadah simula ng una niyang makita ang dugo, at ang dugo ay may isang katangian lamang (hindi nagbabago ang kulay o amoy o lapot nito) o may katangiang nakalilito na hindi maaaring maging katangian ng regla. Sa ganitong sitwasyon, ang gagamitin niyang batayan para sa kanyang takdang panahon ay ang takdang panahon ng nakararaming babae, kaya ang magiging takdang panahon niya ay 6 o 7 araw sa bawa’t buwan simula noong araw ng buwan na una niyang makita ang dugo. Ang dugo na lalabas pagkatapos ng takdang panahon ay Istihadah. Ang Mga Alituntunin Sa IstihadahAng mga alituntunin na sumasaklaw sa babaeng may Istihadah ay katulad ng sa walang regla. Ang pakikipagtalik, halimbawa ay ipinahihintulot kahit na may dugo pang nakikita. Kaya walang ipinagkaiba ang mga babaeng may Istihadah at mga babaeng walang regla maliban sa mga sumusunod.1. Ang babaeng may Istihadah ay kailangang magsagawa ng Wudu' sa bawa’t Salah,2. Ang babaeng may Istihadah bago magsagawa ng Wudu' ay kailangan hugasan muna ang bakas ng dugo sa kanyang damit o katawan at maglalagay siya ng bulak (o anumang kauri nito sa nilalabasan ng dugo) upang mapigil ang dugo. Ang Nifas at ang mga Alituntunin NitoAng Nifas ay ang dugong inilalabas ng matris bunga ng panganganak na maaaring lumabas habang nanganganak o matapos manganak o kapag malapit nang manganak (2 o 3 araw bago manganak) na may kasamang pananakit ng tiyan (labor). Ang babae ay magiging Tahir (ibig sabihin ay maaari nang makipagtalik at magsagawa ng lahat ng mga gawaing panrelihiyon) kapag huminto ang kayang pagdurugo. Kapag sumobra pa sa 40 araw ang kanyang pagdurugo, maliligo na siya pagkatapos ng ika – 40 araw kahit na patuloy pa rin ang pagdurugo sapagkat 40 araw lamang ang pinakamahabang panahon ng Nifas. Maliban na lamang kung ang sumobra sa 40 araw na pagdurugo ay regla, kapag nagkagayon, maghihintay siya hanggang sa matapos ang regla at saka siya maligo.Maibibilang lamang na Nifas ang pagdurugo kung ang iniluwal ng isang babae ay may anyong tao na. Kaya kung sakaling nakunan siya at nagluwal ng maliit na fetus na walang malinaw na anyong tao, ang pagdurugo na maaaring mangyari pagkatapos na makunan ay hindi dugo ng Nifas kundi dugong galing sa ugat. Kung magkagayon, ituturing niyang siya ay may Istihadah. Ang pinakamaikling panahon upang magkaroon ng malinaw na anyong tao ang Fetus ay 80 araw simula nang magdalang-tao at ang pinakamahabang panahon naman ay 90 araw.Ang mga alituntunin na napapaloob sa Nifas ay katulad ng mga alituntunin na napapaloob sa regla na nabanggit na. Ang Pampigil ng Regla at PagbubuntisA. Ang paggamit ng gamot na pampigil ng regla ay ipinahihintulot alinsunod sa 2 kondisyong ito:A.Na walang pinangangambahang masama na maaaring mangyari sakanya, nguni’t kung mayroon, ang paggamit ay hindi ipinahihintulot, at2. Na kung may asawa ang isang babae ay kailangang may pagsang-ayon ng kanyang asawa kung ang paggamit nito at may makakaapekto sa kanilang pamumuhay bilang mag-asawa.B. Ang paggamit ng pamparegla ay ipinahihintulot alinsunod sa 2 kondisyong ito:1. Ang mga bagay o gamot o operasyon na magbubunga ng permanenteng pagpigil sa panganganak ay hindi ipinahihintulot,2. Ang mga bagay o gamot o operasyon na magiging dahilan ng pansamantalang paghinto ng panganganak ay pinahihintulutan sa kondisyon na may kapahintulutan ng asawa at hindi makasasama sa babae. Halimbawa: maaaring gumamit ng mga nabanggit ang isang babaeng madalas magbuntis at ang pagbubuntis ay lubhang nagpapahirap sa kanya anupa't gusto niyang limitahan ang kayang pagbubuntis, halimbawa'y tuwing ikalawang–taon. Labing – isang PayoTanggapin mo, kapatid na Muslimah, ang labing-isang mahahalagang payong ito; isagawa mo ang mga ito upang ikaw ay mabuhay na maligaya at mamatay na kapuri-puri kung ipahihintulot ni Allah. Sa pagtanggap mo nitong mga payo ay hingin mo ang tulong ni Allah.1. Sambahin mo si Allah lamang ayon sa paraan ng mga pagsambang Kanyang itinakda na nasasaad sa Kanyang aklat, ang banal na Qur'an, at sa katuruan ng kanyang Propeta na si Muhammad (SAS).2. Mag-ingat ka na mahaluan ng Shirk ang iyong paniniwala at pagsamba sapagkat ang Shirk ay nagiging dahilan kung bakit hindi tinatanggap ni Allah ang gawa ng tao at ito rin ang nagbubulid sa kanya sa kapahamakan.3. Mag-ingat ka sa Bid'ah maging iyon man ay sa pananampalataya o sa pagsamba sapagkat ang Bid'ah ay pagkaligaw at ang naligaw ay mapupunta sa Impiyerno.4. Gampanan mo ng maigi ang iyong mga Salah sapagkat ang sinumang nangangalaga at gumaganap sa mga ito ay lalo pang maingat sa iba pang mga bagay bukod pa sa Salah at ang sinumang nagpapabaya sa Salah ay lalo pang pabaya sa iba pang mga bagay bukod pa sa Salah. Panatiliin mo ang kalinisan sa Salah, at isagawa ito ng maayos at may kababaang- loob. Huwag mong ipagpaliban ang pagsasagawa ng Salah sa takdang oras nito sapagkat kapag naging tanggap ang Salah ng isang tao, tanggap lahat ng kanyang gawa; at kapag nasira ang kanyang Salah, sira rin ang lahat ng kanyang mga gawa.5. Sundin mo ang iyong asawa. Huwag mong tanggihan ang kanyang kahilingan at huwag mong suwayin ang kanyang ipinag-uutos at ipinagbabawal hanggat hindi ka niya inuutusang suwayin si Allah at ang Kanyang Sugo (SAS).6. Pangalagaan mo ang kanyang karangalan at ari-arian kapag wala siya at ihanda mo ang iyong sarili kapag siya ay dumating.7. Maging mabuti ka sa iyong kapitbahay sa salita at sa gawa upang maitaguyod ang mabuti at mahadlangan ang masama.8. Manatili ka sa iyong bahay at huwag lumabas maliban na lamang kung kailangang-kailangan. At huwag kang lalabas na hindi suot ang Hijab.9. Magpakita ka ng kabutihan sa iyong mga magulang. Pigilin mo ang iyong sarili na makasakit sa kanila sa salita man o sa gawa. Sundin mo sila hangga't ang ipinag-uutos nila sa iyo ay hindi salungat sa Islam. Subalit kung ang ipinagagawa nila sa iyo ay hindi naaayon sa Islam, huwag kang sumunod sapagkat walang pagsunod sa utos na labag sa Islam.10. Pagtuunan mo ng lubos na pansin ang iyong mga anak. At iyon ay sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanila na maging matapat, malinis , magalang sa pananalita at kilos. Turuan mo rin sila ng magandang asal at kapuri-puring pag-uugali at pagsapit nila sa ikapitong taong gulang ay utusan mo na silang magsagawa ng Salah.11. Paramihin mo ang iyong Dhikr* at ang pagbibigay ng Sadaqah**. Ang Sadaqah ay ibinibigay sa nangangailangan at ito ay buhat sa sumobra sa pangangailangan ng iyong sarili, asawa, at anak. At maging kaunti man ito ay mabuti pa rin.* Maliban sa nakalitaw na: Gaya ng kamay, panlabas na kasuutan, belo, medias, at mukha. (Ang ibang mga pantas ng Islam ay hindi sumasang-ayong ipakita ang kamay at mukha.)* Paggunita sa Allah sa pamamagitan ng pag-usal na pagpupuri at pagluluwalhati sa Kanya** Kawanggawa na maaaring pera o kahit anong bagay na mapakikinabangan ng pinagkalooban** Kawanggawa na maaaring pera o kahit anong bagay na mapakikinabangan ng pinagkalooban

التفاصيل