البحث

عبارات مقترحة:

القوي

كلمة (قوي) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) من القرب، وهو خلاف...

النصير

كلمة (النصير) في اللغة (فعيل) بمعنى (فاعل) أي الناصر، ومعناه العون...

السيد

كلمة (السيد) في اللغة صيغة مبالغة من السيادة أو السُّؤْدَد،...

Ang Pagdiriwang sa Araw ng mga Puso

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات الأعياد الممنوعة - عيد الحب
Ilang araw na lamang ay ang pagdiriwang sa “Araw ng Puso” ng mga kuffar. May ilang mga pahayagan at babasahin ang naghihikayat sa pagdiriwang na ito. Maging ang mga mangangalakal at mga nagmamay-ari ng mga hotel at kainan ay ginagawang pang-akit sa mga tao para sa kanilang sariling kapakanan..........

التفاصيل

Ilang araw na lamang ay ang pagdiriwang sa “Araw ng Puso” ng mga kuffar. May ilang mga pahayagan at babasahin ang naghihikayat sa pagdiriwang na ito. Maging ang mga mangangalakal at mga nagmamay-ari ng mga hotel at kainan ay ginagawang pang-akit sa mga tao para sa kanilang sariling kapakanan. Karamihan sa mga Muslim na tumulad sa mga ganitong banyagang kaugalian ay hindi alam ang kanilang ginagawa. Sila’y mga bulag na taga-sunod ng kanilang ligaw na mga pinuno. Hindi nila napapag-alaman na ang pagdiriwang o katuwaan na kanilang kinagigiliwan ay nagmula sa gawain ng paganismo. Na ang tanda na kanilang tinatangkilik ay maaring tanda ng kawalan ng paniniwala at ang mga kaisipan na kanilang hiniram ay bunga ng mga pamahiin. Ang lahat ng mga ito ay sumasalungat sa katuruan ng Islam. Ang araw ng puso ay matagal ng patay sa Europa nguni’t isang laganap na pagdiriwang sa Britanya at Amerika na ngayon naman ay nagsimulang lumaganap sa mga Muslim. Sino ba si Valentine? Bakit ang araw na ito ay ipinagdiriwang? Ang Araw ng Puso ay nagsimula bilang pagdiriwang ng mga pagano na sinimulan ng mga Romano noong 4th siglo BCE upang parangalan si Lupercus, ang diyosa ng ‘kalusugan at kalipunan’. Ang kanilang pangunahing pang-akit ay ang ginagawang lotarya na kanilang ipinamimigay ang mga kabataang babae sa mga kabataang lalaki para sa pang-aliw at kasayahan hanggang sa susunod na taong lotarya. Bahagi ng nakakahiyang kaugalian na ginagawa sa araw na ito ay ang hampasin ang kabataang babae ng dalawang kabataang lalaki, na nakasuot lamang ng damit at sapatos na yari sa balat ng kambing na binahiran ng dugo mula sa inialay na kambing at aso. Ang hampas ng ‘sagradong tsinelas nitong ‘Banal na Kalalakihan’ ay pinaniniwalaang magdudulot sa babae upang magkakaanak. Tulad ng dati, ang Kristiyanismo ay nagsusumikap nguni’t nasawi na itigil ang masamang pagdiriwang ng Lupercalia. Unang pinalitan ang lotarya sa pangalan ng lotaryo na pangalan ng mga santo. Ang balak ay sa susunod na taon ang kabataang kalalakihan ay tutularan ang buhay ng santo na ang pangalan ay kanilang binunot. Ang Kristiyanismo ay nagtapos sa Roma at sa iba pang lupain tulad ng ginawa ng mga Romano. Ang kaisipang panatilihin ang anyo ng isang bantog na kasamaan subali’t ang layuning katangian ay napanatili. Ang tanging tagumpay na nakamit ay ang pagpalit sa pangalan ng Lupercalia ng ‘Saint Valentine Day.’ Nagawa ito ni Papa Gellasius sa taong 496, bilang parangal kay San Valentino. Subali’t may aabot sa limampu (50) na Valintino sa kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang dalawa sa kanila ay nakakahigit ng katanyagan nguni’t ang kanilang buhay at asal ay nabalot ng kababalaghan. Ayon sa isang kasaysayan na malapit sa tunay na kaparaanan ng pagdiriwang na ito, si San Valintino ay isang ‘Santo ng umiibig’ na nabighani sa anak na babae ng taong nagpakulong sa kanya. Dahil sa malubhang kaguluhang kasama sa lottery, ang pamahalaan ng Pransiya ay ipinagbawal ang rituwal ng Valintino noong 1776. Ang pagdiriwang na ito ay nawala rin sa Italya, Autriya, Hungariya at Alemanya. Noong 17 siglo sa kalakasan ng mga Puritano ay ipinagbawal din sa Englatera subali’t noong taong 1660 ay muling binuhay ni Haring Charles II. Mula sa Englatera ang ritwal ng Valintino ay dumating sa bagong daigdig at nasilip ng mga negosyante na isang magandang pagkakataon ng pagkakaperahan. Si Esther A. Howland noong 1840 ay siyang nagpalabas sa kaunaunahang ipinagbibili na ‘American Valentine Day’ card at nabenta ang halagang $5,000 sa unang taon. (Noon ang halagang $5,000 ay napakalaking halaga). Mula noon ang kalakal ng Valentine ay lumago. Katulad din ito sa kasaysayan ng Haloween na ang pananamit ay kakaiba sa pangkaraniwang damit, tulad ng multo at tiyanak o dwende sa muling pagbuhay sa isang lumang ritwal ng mga naunang pagano na sumasamba sa diyablo. Ang tawag ng mga pagano sa pangyayaring ito ay Sanhain (binibigkas na sow-en). Katulad ng sa ‘Valentines Day’, ang mga Kristiyano ay pinalitan ang pangalan subali’t hindi ang mga palagay o paniniwala ng mga pagano. Maging ang malinaw na mapayapang pagdiriwang ay maaring may kasaysayang mula sa mga pagano. Mula sa isang pagsasalaysay, sa mangkukulot ng mga pagano, ang mga tao ay takot sa mga masasamang espiritu lalung-lalo sa kanilang kaarawan. Isang pangkaraniwang paniniwala na ang masasamang espiritu ay higit na mapanganib sa isang tao kung siya ay nakakaranas ng pagbabago sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng pagiging matanda ng isang taon (kaarawan). Kaya’t ang pamilya at mga kaibigan ay papaligiran ang tao ng tawanan at kagalakan sa kanilang kaarawan upang ipagtanggol siya laban sa kasamaan.   Papaano maipapaliwanag ng isang tao na may matinong pag-iisip na ang Islam ay naiiba sa kanyang pagsalungat sa mga gawaing labag sa katuruan at paniniwala ng Islam? Isang malaking sakuna na sa ilalim ng patuloy na pagbagyo ng mga propaganda sa komersiya at kultura mula sa lakas ng Jahiliya at ang walang pusong makinarya ng medya, ang mga Muslim ay unti-unting niyayakap o pinapahintulutan ang ‘Valentines’, ang ‘Haloween ghost’  at ang ‘Santa Claus.’ -------------------------------------------------------------------------------------- Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Dr. Khalid Baig ng Impact International, London, U.K.   ****** Galing sa: [PLPHP]