البحث

عبارات مقترحة:

المولى

كلمة (المولى) في اللغة اسم مكان على وزن (مَفْعَل) أي محل الولاية...

الرءوف

كلمةُ (الرَّؤُوف) في اللغة صيغةُ مبالغة من (الرأفةِ)، وهي أرَقُّ...

الطيب

كلمة الطيب في اللغة صيغة مبالغة من الطيب الذي هو عكس الخبث، واسم...

Ang Pag-uutos ng kabutihan (Al-Ma’roof) at ang Pagbabawal ng Kasamaan (Al-Munkar)

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف Nur Maguid ، Islamic Propagation Office in Rabwah
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر
Ang Ma’roof ay kinabibilangan na lahat ng bagay ng panlabas at panloob na ipinag-uutos ng AllahU at ng Kanyang Propetar. Ang mga ito ay: ang sukdulang katapatan sa Allah (Ikhlas), At sa kasamaan (Al-Munkar) na ipinagbabawal ng AllahU at ng Kanyang Propeta.

التفاصيل

Ang pagpapatupad ng mga kaparusahang itinatag ng AllahU sa sinumang lalabag sa hangganan ng Shar’iah ay bahagi ng pagbabawal ng kasamaan. Ito ay ipinag-uutos sa mga kinauukulan (Ulu-ul-amr), tulad ng mga eskolar mula sa iba’t ibang pangkat o lipunan, at ng kanilang mga amir, at ng mga nakakatanda, na tumayo sa sangkatauhan sa pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan, samakatuwid ang pag-uutos sa lahat ng mga ipinag-uutos ng AllahU at ng Kanyang Propetar. Halimbawa, ang paghuhukom sa Batas ng Islam (Shari’ah) – ang limang ulit na pagdadasal sa tamang oras, Zakah (kawanggawa), Sawm (pag-aayuno sa buwan ng Ramadan), at Hajj sa Makkah. Ganoon din ang paniniwala sa AllahU, sa Kanyang mga Anghel, ang Kanyang mga Aklat, ang Kanyang mga Propeta, at ang Araw ng Paghuhukom. Ang paniniwala sa kahihinatnan sa lahat ng bagay mabuti o masama, at ang pananaw sa Ihsaan (ang pinakamataas na antas ng iman o paniniwala) na nangangahulugan ng pagsamba sa AllahU na tila nakikita mo Siya, sapagka’t kung hindi mo siya nakikita, palagi ka Niyang nakikita.  Dagdag pa rito, ang Al-Ma'roof (kabutihan) ay kinabibilangan na lahat ng bagay ng panlabas at panloob na ipinag-uutos ng AllahU at ng Kanyang Propetar. Ang mga ito ay: ang sukdulang katapatan sa Allah (Ikhlas), ang lubos na pagtitiwala at pag-aasa sa AllahU (tawakkal), na ang AllahU at ng Kanyang Propetar ay higit sa pagmamahal ng mga naininiwala kaysa ibang bagay, ang umaasa sa habag ng AllahU at takot sa Kanyang parusa, ang pagtitiis sa itinakda ng AllahU at lubos na pagsuko sa Kanyang mga kautusan, katapatan sa panananalita, ang pananatili sa ugnayan ng kamag-anakan, ang pakikiisa sa lahat ng gawaing matutuwid at mabuti, kabaitan at mapagbigay sa mga kapit-bahay, sa mga maralita, mahihirap, ang mga naantala sa paglalakbay, mga kasamahan, mga asawa at mga gawaing katatagan tulad ng pananatili ng ugnayan sa mga lumayo sa inyo, ang pagbibigay sa mga nagtanggi sa inyo, at ang pagpapatawad sa mga umapi sa inyo. Ang pag-uutos sa mga tao upang magkakalapit, at pagbabawal sa kanila sa hindi pagkakaunawaan at pagkapangkat-pangkat ay bahagi rin ng pag-uutos ng kabutihan.   At sa kasamaan (Al-Munkar) na ipinagbabawal ng AllahU at ng Kanyang Propetar, ang pinakamasamang anyo nito ay ang pagkaroon ng kaakibat sa pagsamba sa AllahU. Ang pagkakaakibat ay ang pagsamba sa iba o may kaakibat sa pagsamba sa AllahU. Ang kaakibat na ito ay maaring ang araw, ang buwan, ang mga bituin at mga planeta, anghel, isa sa mga propeta, isang tuwid na tao o santo, maaring isang Jinn (espiritu), mga larawan o puntod ng mga dakilang tao kasama ng AllahU, ang Kataas-taasan. Ang pagkakaakibat ay maaring ang paghingi ng tulong o kaginhawaan mula sa sinuman sa mga nabanggit sa una, o ang pagpapatirapa o pagyukod sa kanila. Ang lahat ng mga ito at anumang katulad nito ay ang pagkakaakibat na ipinagbabawal ng AllahU sa pagpapahayag ng lahat ng mga Propeta.  Ang lahat ng ipinababawal ng AllahU ay bahagi pa rin ng ‘Al-Munkar’ (kasamaan) tulad ng walang hustisyang pagpatay, pag-angkin sa ari-arian ng iba na labag sa batas at sapilitan, pagpapatubo, o sugal, lahat ng uri ng pangangalakal o mga kasunduan na ipinagbawal ng Propetar, pagputol sa mga ugnayan sa kamag-anakan, kaluputan sa mga magulang, ang mandaya sa timbangan at panukat, at anumang uri ng paglabag o pagmamalabis sa karapatan ng ibang tao. Sa mga uring ito ay lahat bahagi ng gawaing pagbabago-bago sa ‘pagsamba’ na ipinag-uutos o pinahihintulutan ng AllahU at ng Kanyang Propetar.  -----------------------------------------------  Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasamaan”