البحث

عبارات مقترحة:

المبين

كلمة (المُبِين) في اللغة اسمُ فاعل من الفعل (أبان)، ومعناه:...

الوتر

كلمة (الوِتر) في اللغة صفة مشبهة باسم الفاعل، ومعناها الفرد،...

الفتاح

كلمة (الفتّاح) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعّال) من الفعل...

Shirk sa Pagmamahal

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف Yusof Alaiden Butucan ، Nur Maguid
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات العقيدة
Ito’y nangangahulugan ng pagmamahal sa nilikha ng kapantay sa pagsunod sa Allah, o higit pa sa Allah. Ang Allah ay nagsabi: (ayon sa pagkakasalin) “At sa sangkatauhan, sila ay nagturing ng [diyos na] kanilang sinasamba bilang katambal sa Allah. Minamahal nila ang mga ito katulad ng pagmamahal nila sa Allah. Nguni’t ang mga mananampalataya ay nagmamahal sa Allah nang higit [sa anupaman].” [2:165].

التفاصيل

Ito’y nangangahulugan ng pagmamahal sa nilikha ng kapantay sa pagsunod sa Allah, o higit pa sa Allah. Ang Allah ay nagsabi: (ayon sa pagkakasalin) “At sa sangkatauhan, sila ay nagturing ng [diyos na] kanilang sinasamba bilang katambal sa Allah. Minamahal nila ang mga ito katulad ng pagmamahal nila sa Allah. Nguni't ang mga mananampalataya ay nagmamahal sa Allah nang higit [sa anupaman].” [2:165].   Ayon kay Shiekh Al-Islam Ibn Taymiyyah, “Sinuman ang magmahal sa nilikha ng kapantay ng pagmamahal niya sa Allah, siya ay maituturing na isang Mushrik[1]. (nagtatambal); at mayroong pagkakaiba ang “pagmamahal ng dahil sa Allah at pagmamahal kapantay ang Allah” (Fatawa ni Sheikh Al- Islam; V15, P49).   Marami sa mga taong nag-aangking sila ay Muslim na nahuhulog sa uri ng Shirk na ito sa paraang minamahal nila ang kanilang mga pinuno, Auliya (maramihang bilang ng walee, [mga matutuwid na mga Muslim]), ng katumbas ng pagmamahal nila sa Allah, at minsan ay higit pa. Kapag hihiling ka sa isa man sa kanila upang magbigay ng maling panunumpa sa Allah, sila’y walang pag-alinlangang gagawin ito. Nguni't kapag ika’y humiling mula sa kanila upang magbigay ng maling panunumpa sa kanilang mga walee, sila’y tatanggi. Ito’y Shirk sa pagmamahal.   Ayon kay Ibn Al-Qayyim, “Kabahagi ng Shirk sa Pagmamahal; ay ang pagmamahal sa nilikha ng katumbas ng pagmamahal sa Allah. Ito ay kabahagi ng Shirk kung saan ang Allah ay hindi nagbibigay ng kapatawaran (sa sinumang namatay dito). Ang Allah ay nagsabi: (ayon sa pagkakasalin) “At sa sangkatauhan, sila ay nagturing ng [diyos na] kanilang sinasamba bilang katambal sa Allah. Minamahal nila ang mga ito katulad ng pagmamahal nila sa Allah. Nguni't ang mga mananampalataya ay nagmamahal sa Allah nang higit [sa anupaman].” [2:165].   Sa mga nasangkot sa Shirk na ito ay magsasabi sa kanilang mga diyos habang sila ay nasa Apoy ng Impiyerno ayon sa Salita ng Allah sa banal na Qur’an: (ayon sa pagkakasalin) “Sumpa man sa Allah, tunay na kami ay nasa hayagang kamalian nang amin kayong (mga diyus-diyusan) sambahin ng katumbas ng pagsamba namin sa Panginoon ng Alamin (sangkatauhan, jinn, at lahat ng bagay na nakikita at di nakikita)” [26:97-98].    Malinaw na hindi nila ipinantay sa Allah ang mga ito (diyus-diyusan) sa paglikha, pagbawi ng buhay, pagbigay buhay muli, kaharian at kakayahan, Nguni't ipinantay nila sa Allah ang mga ito (diyus-diyusan) sa kanilang pagmamahal, pagkapanginoon, pagsunod at pagpapaalipin.” (Al-Joab Al-Kafy, P.195).   Mayroong apat na uri ng pagmamahal: Una, pagmamahal ng dahil sa Allah at pagmamahal sa anumang minahal ng Allah at ng Kanyang Sugo. Sa ganito dapat magmahal ang Muslim. Ang sabi ni Ibn Al-Qayyim tungkol sa pagmamahal na ito, “May apat na uri ng pagmamahal na nararapat malaman ng mga tao at ang pagkakaiba ng mga ito, at may ibang tao na naligaw dahil hindi nila alam kung ano ang pagkakaiba ng mga ito. Ito ay ang mga sumusunod:   A. Ang pagmamahal sa Allah lamang, kung saan hindi ito sapat para makaligtas sa parusa ng Allah at upang matamo ang Kanyang gantimpala. Sa katunayan, ang Mushrikeen (mga taong nagtatambal ng iba sa Allah), ang mga sumasampalataya sa krus, ang mga Hudyo at iba pa ay nagmamahal sa Allah.   B. Ang pagmamahal sa minahal ng Allah. Ito ay nag-aakay sa kanya upang yakapin ang Islam at lisanin ang kasalanang Kufr (kawalan ng pananampalataya). Ang pinakamamahal ng Allah ay ang taong mayroong ganitong uri ng pagmamahal.   K. Ang pagmamahal ng dahil sa Allah at pagmamahal para sa Kanya. Ito ang pangangailangan ng pagmamahal sa anumang minahal ng Allah. Hindi magiging ganap ang pagmamahal sa anumang minahal ng Allah maliban lamang sa pagmamahal sa Kanya at para sa Kanya lamang.   D. Ang pagmamahal kapantay ng Allah, ito ay Shirk sa pagmamahal. Sinuman ang magmahal sa anupaman na tulad ng pagmamahal sa Allah, hindi ng dahil sa Allah, at hindi rin pagmamahal sa Kanya o pagmamahal para sa Kanya, samakatuwid, siya ay nagkasala ng pagtatambal sa Kanya. Ito ay pagmamahal ng mga Al-Mushrikeen (mga taong nagtatambal ng iba sa Allah).   Ikalawa: Ang pagmamahal sa mga pinahintulutang bagay, katulad ng pagkain, damit, o inumin. Ito ay pangkaraniwang pagmamahal. Ikatlo:  Pagmamahal sa asawa at anak nang may kalakip na habag at awa. Ito rin ay pangkaraniwang pagmamahal. At ang Ika-apat: Ang pagmamahal sa iba na kapantay o higit pa kaysa sa pagmamahal sa Allah. At ito ay malaking "Shirk".   [1] Mushrik (isahan)  Mushrikun (maramihan). Sila ang mga pagano o taong  sumasamba sa mga diyos-diyosan tulad halimbawa ng mga rebulto, santo at santa, propeta, mga anghel, mga larawan o mga bagay na nasa kalawakan tulad ng araw, bituin, at planeta.