البحث

عبارات مقترحة:

القابض

كلمة (القابض) في اللغة اسم فاعل من القَبْض، وهو أخذ الشيء، وهو ضد...

الوارث

كلمة (الوراث) في اللغة اسم فاعل من الفعل (وَرِثَ يَرِثُ)، وهو من...

الواحد

كلمة (الواحد) في اللغة لها معنيان، أحدهما: أول العدد، والثاني:...

سورة النساء - الآية 102 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَإِذَا كُنْتَ فِيهِمْ فَأَقَمْتَ لَهُمُ الصَّلَاةَ فَلْتَقُمْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ مَعَكَ وَلْيَأْخُذُوا أَسْلِحَتَهُمْ فَإِذَا سَجَدُوا فَلْيَكُونُوا مِنْ وَرَائِكُمْ وَلْتَأْتِ طَائِفَةٌ أُخْرَىٰ لَمْ يُصَلُّوا فَلْيُصَلُّوا مَعَكَ وَلْيَأْخُذُوا حِذْرَهُمْ وَأَسْلِحَتَهُمْ ۗ وَدَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ تَغْفُلُونَ عَنْ أَسْلِحَتِكُمْ وَأَمْتِعَتِكُمْ فَيَمِيلُونَ عَلَيْكُمْ مَيْلَةً وَاحِدَةً ۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ إِنْ كَانَ بِكُمْ أَذًى مِنْ مَطَرٍ أَوْ كُنْتُمْ مَرْضَىٰ أَنْ تَضَعُوا أَسْلِحَتَكُمْ ۖ وَخُذُوا حِذْرَكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ أَعَدَّ لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا﴾

التفسير

Kapag ikaw, o Sugo, ay nasa hukbo sa oras ng pakikipaglaban sa kaaway at nagnais ka na mamuno sa dasal sa kanila, hatiin mo ang hukbo sa dalawang pangkat. Tatayo ang isang pangkat mula sa kanila, na magdarasal kasama sa iyo. Magdala sila ng mga sandata nila kasama sa kanila sa pagdarasal nila at ang iba namang pangkat ay maging nasa pagtatanod ninyo. Kapag nakapagdasal ang unang pangkat ng isang rak`ah kasama sa imām, lulubusin nito para sa sarili nito ang dasal. Kapag nakapagdasal sila, sila ay maging nasa likuran ninyo paharap sa kaaway at pumunta naman ang pangkat na dating nasa pagtatanod at hindi pa nakapagdasal saka magdasal ng isang rak`ah kasama sa imām. Kapag bumati ng salām ang imām, lulubusin nila ang natira sa dasal nila. Magsasagawa sila ng pag-iingat nila laban sa kaaway nila at bumitbit sila ng mga sandata nila sapagkat tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay nagmimithi na malingat kayo sa mga sandata ninyo at mga dala-dalahan ninyo kapag nagdasal kayo kaya sasalakay sila sa inyo nang nag-iisang pagsalakay at dadaklot sila sa inyo sa pagkalingat ninyo. Walang kasalanan sa inyo, kung may tumama sa inyo na isang kapinsalaan dahilan sa ulan o kayo ay mga may-sakit at tulad nito, na maglapag kayo ng mga sandata ninyo para hindi kayo bumitbit ng mga ito. Mag-ingat kayo laban sa kaaway ninyo ayon sa makakaya ninyo. Tunay na si Allāh ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang mang-aaba sa kanila.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم