البحث

عبارات مقترحة:

العظيم

كلمة (عظيم) في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعيل) وتعني اتصاف الشيء...

القادر

كلمة (القادر) في اللغة اسم فاعل من القدرة، أو من التقدير، واسم...

الرقيب

كلمة (الرقيب) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) بمعنى (فاعل) أي:...

سورة النساء - الآية 171 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَا تَغْلُوا فِي دِينِكُمْ وَلَا تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ ۚ إِنَّمَا الْمَسِيحُ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ رَسُولُ اللَّهِ وَكَلِمَتُهُ أَلْقَاهَا إِلَىٰ مَرْيَمَ وَرُوحٌ مِنْهُ ۖ فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ ۖ وَلَا تَقُولُوا ثَلَاثَةٌ ۚ انْتَهُوا خَيْرًا لَكُمْ ۚ إِنَّمَا اللَّهُ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ سُبْحَانَهُ أَنْ يَكُونَ لَهُ وَلَدٌ ۘ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا﴾

التفسير

Sabihin mo, o Sugo, sa mga Kristiyano, na mga alagad ng Ebanghelyo: "Huwag kayong lumampas sa hangganan sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kaugnay sa pumapatungkol kay Jesus - sumakanya ang pangangalaga - maliban sa totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang. Isinugo Niya ito kalakip ng katotohanan. Nilikha Niya ito sa pamamagitan ng salita Niya na ipinasugo Niya kay Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga - patungo kay Maria. Ito ay ang sabi Niyang "Mangyari" at nangyari iyon. Ito ay isang ihip mula kay Allāh, na inihip ni Anghel Gabriel ayon sa isang utos mula kay Allāh. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya sa kalahatan nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila. Huwag kayong magsabing ang Diyos ay tatlo. Tumigil kayo sa pinagsasabing sinungaling na tiwaling ito; ang pagtigil ninyo nito ay magiging mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang, na nagpawalang-kaugnayan sa katambal at sa anak sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang pagmamay-ari sa mga langit, ang pagmamay-ari sa lupa, at ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga ito. Sapat sa anumang nasa mga langit at lupa si Allāh bilang tagapagtaguyod at bilang tagapangasiwa sa kanila.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم