البحث

عبارات مقترحة:

الجميل

كلمة (الجميل) في اللغة صفة على وزن (فعيل) من الجمال وهو الحُسن،...

الحق

كلمة (الحَقِّ) في اللغة تعني: الشيءَ الموجود حقيقةً.و(الحَقُّ)...

الرحيم

كلمة (الرحيم) في اللغة صيغة مبالغة من الرحمة على وزن (فعيل) وهي...

سورة المائدة - الآية 41 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿۞ يَا أَيُّهَا الرَّسُولُ لَا يَحْزُنْكَ الَّذِينَ يُسَارِعُونَ فِي الْكُفْرِ مِنَ الَّذِينَ قَالُوا آمَنَّا بِأَفْوَاهِهِمْ وَلَمْ تُؤْمِنْ قُلُوبُهُمْ ۛ وَمِنَ الَّذِينَ هَادُوا ۛ سَمَّاعُونَ لِلْكَذِبِ سَمَّاعُونَ لِقَوْمٍ آخَرِينَ لَمْ يَأْتُوكَ ۖ يُحَرِّفُونَ الْكَلِمَ مِنْ بَعْدِ مَوَاضِعِهِ ۖ يَقُولُونَ إِنْ أُوتِيتُمْ هَٰذَا فَخُذُوهُ وَإِنْ لَمْ تُؤْتَوْهُ فَاحْذَرُوا ۚ وَمَنْ يُرِدِ اللَّهُ فِتْنَتَهُ فَلَنْ تَمْلِكَ لَهُ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۚ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَمْ يُرِدِ اللَّهُ أَنْ يُطَهِّرَ قُلُوبَهُمْ ۚ لَهُمْ فِي الدُّنْيَا خِزْيٌ ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ﴾

التفسير

O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa paglalantad sa mga gawain ng kawalang-pananampalataya upang magpangitngit sila sa iyo sa mga mapagpaimbabaw na naglalantad ng pananampalataya habang naglilingid ng kawalang-pananampalataya. Huwag magpalungkot sa iyo ang mga Hudyo na nakikinig sa kasinungalingan ng mga nakatatanda nila at tumatanggap nito bilang mga gumagaya sa mga pinuno nila na hindi pumunta sa iyo dala ng isang pag-ayaw nila sa iyo. Nagpapalit sila sa Salita ni Allāh sa Torah ayon sa umaalinsunod sa mga pithaya nila. Nagsasabi sila sa mga tagasunod nila: "Kung umalinsunod ang kahatulan ni Muḥammad sa mga pithaya ninyo ay sumunod kayo sa kanya. Kung sumalungat iyon sa mga ito ay mag-ingat kayo sa kanya." Ang sinumang nagnais si Allāh ng pagliligaw sa kanya kabilang sa mga tao ay hindi ka makatatagpo, o Sugo, ng sinumang magtutulak palayo sa kanya ng pagkaligaw at magpapatnubay sa kanya tungo sa landas ng katotohanan. Ang mga inilalarawang iyon sa pamamagitan ng mga katangiang ito kabilang sa mga Hudyo at mga mapagpaimbabaw ay ang mga hindi nagnais si Allāh ng pagdadalisay sa mga puso nila mula sa kawalang-pananampalataya. Ukol sa kanila sa Mundo ay kadustaan at kahihiyan. Ukol sa kanila sa Kabilang -buhay ay isang pagdurusang sukdulan, ang pagdurusa sa Apoy.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم