البحث

عبارات مقترحة:

المتين

كلمة (المتين) في اللغة صفة مشبهة باسم الفاعل على وزن (فعيل) وهو...

الوتر

كلمة (الوِتر) في اللغة صفة مشبهة باسم الفاعل، ومعناها الفرد،...

سورة المائدة - الآية 82 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿۞ لَتَجِدَنَّ أَشَدَّ النَّاسِ عَدَاوَةً لِلَّذِينَ آمَنُوا الْيَهُودَ وَالَّذِينَ أَشْرَكُوا ۖ وَلَتَجِدَنَّ أَقْرَبَهُمْ مَوَدَّةً لِلَّذِينَ آمَنُوا الَّذِينَ قَالُوا إِنَّا نَصَارَىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّ مِنْهُمْ قِسِّيسِينَ وَرُهْبَانًا وَأَنَّهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ﴾

التفسير

Talagang matatagpuan mo nga, o Sugo, na ang pinakamalaki sa mga tao sa pagkamuhi sa mga mananampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga Hudyo dahil sa taglay nilang poot, inggit, at pagmamalaki, ang mga mananamba ng mga diyus-diyusan, at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga nagtatambal [kay Allāh]. Talagang matatagpuan mo ngang ang pinakamalapit sa kanila sa pag-ibig sa mga sumampalataya sa iyo at sa inihatid mo ay ang mga nagsasabi tungkol sa mga sarili nila na sila ay mga Kristiyano. Ang lapit ng pagmamahal nila sa mga mananampalataya ay dahil mayroon sa kanilang mga maalam at mga palasamba at sila ay mga nagpapakumbaba hindi mga nagmamalaki dahil ang nagmamalaki ay hindi naaabot ng kabutihan ang puso nito.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم