البحث

عبارات مقترحة:

الرحمن

هذا تعريف باسم الله (الرحمن)، وفيه معناه في اللغة والاصطلاح،...

الولي

كلمة (الولي) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) من الفعل (وَلِيَ)،...

الصمد

كلمة (الصمد) في اللغة صفة من الفعل (صَمَدَ يصمُدُ) والمصدر منها:...

سورة الأعراف - الآية 85 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ قَدْ جَاءَتْكُمْ بَيِّنَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَأَوْفُوا الْكَيْلَ وَالْمِيزَانَ وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ أَشْيَاءَهُمْ وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ﴾

التفسير

Nagsugo si Allāh sa liping Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb - sumakanya ang pangangalaga - at nagsabi ito sa kanila: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya. Walang ukol sa inyo na sinasambang karapat-dapat sa pagsamba maliban pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang maliwanag na patotoo mula kay Allāh at isang hayag na patunay sa katapatan ng inihatid ko sa inyo mula sa Panginoon ko. Gampanan ninyo sa mga tao ang mga karapatan nila sa pamamagitan ng paglubos sa pagtakal at paglubos sa pagtimbang. Huwag ninyong bawasan ang mga tao dahil sa kapintasan ng mga paninda sa kanila at pagpapakaunti sa mga ito o pandaraya sa mga mamimili ng mga ito. Huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway matapos ng pagsasaayos nito sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga propeta noon. Ang nabanggit na iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na kapaki-pakinabang kung kayo ay mga mananampalataya sa nakasaad ditong pag-iwan sa mga pagsuway bilang pag-iwas sa sinasaway ni Allāh at sa nakasaad ditong pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa anumang ipinag-utos Niya.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم