البحث

عبارات مقترحة:

الطيب

كلمة الطيب في اللغة صيغة مبالغة من الطيب الذي هو عكس الخبث، واسم...

الغني

كلمة (غَنِيّ) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) من الفعل (غَنِيَ...

الخلاق

كلمةُ (خَلَّاقٍ) في اللغة هي صيغةُ مبالغة من (الخَلْقِ)، وهو...

سورة الأعراف - الآية 150 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿وَلَمَّا رَجَعَ مُوسَىٰ إِلَىٰ قَوْمِهِ غَضْبَانَ أَسِفًا قَالَ بِئْسَمَا خَلَفْتُمُونِي مِنْ بَعْدِي ۖ أَعَجِلْتُمْ أَمْرَ رَبِّكُمْ ۖ وَأَلْقَى الْأَلْوَاحَ وَأَخَذَ بِرَأْسِ أَخِيهِ يَجُرُّهُ إِلَيْهِ ۚ قَالَ ابْنَ أُمَّ إِنَّ الْقَوْمَ اسْتَضْعَفُونِي وَكَادُوا يَقْتُلُونَنِي فَلَا تُشْمِتْ بِيَ الْأَعْدَاءَ وَلَا تَجْعَلْنِي مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ﴾

التفسير

Noong bumalik si Moises sa mga tao niya mula sa pakikipagniig sa Panginoon niya, puno siya ng galit sa kanila at lungkot dahil sa natagpuan niya sa kanila na pagsamba sa bulô. Nagsabi siya: "Kaaba-aba ang kalagayang ipinanghalili ninyo sa akin, O mga kalipi, matapos ng pag-alis ko sa inyo, dahil sa ihahantong nito na kasawian at kalumbayan. Nagsawa ba kayo sa paghihintay sa akin kaya nangahas kayo ng pagsamba sa bulô?" Ibinato niya ang mga tablero dahil sa tindi ng galit at lungkot na dumapo sa kanya. Humawak siya sa ulo ng kapatid niyang si Aaron at balbas nito habang hinihila ito papunta sa kanya dahil sa pananatili nito sa kanila at hindi pagbabago nito sa nakita nito sa kanilang pagsamba sa bulô. Nagsabi si Aaron habang humihingi ng paumanhin kay Moises habang nagsusumamo rito: "O anak ng ina ko, tunay na ang mga tao ay nagpalagay na ako ay mahina kaya inaba nila ako at muntik na nilang akong mapatay kaya huwag mo akong parusahan ng isang kaparusahang magpapagalak sa mga kaaway ko at huwag mo akong gawing dahilan sa galit mo sa akin, na mapabilang sa mga tagalabag ng katarungan kabilang sa mga tao dahilan sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh."

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم